You are on page 1of 1

Tamang grammar at pagsusulat sa Filipino

Dapat nating tiyakin na tama ang ating pagsulat. Ang ibang mga lahi man ay
hindi maintindihan ito ngunit mahalagang sundin natin ang mga tamang paraan paano
ito isulat. Kung ikaw ay magsusulat o ikaw ay tumutugon sa isang mensahe o liham,
kumpletuhin ang mga titik na gagamitin natin. Pagbabawas ng pagsasalita ng slang na
mali ang pagkakasulat at pagkakabigkas may ibang nga indibiduwal na nalilito at
nalilimutan na ang totoo nitong pagkasusulat ng mga ito.

Ang mga Pilipino ngayon ay sanay na sanay nang pinapaikli ang mga salitang
Filipino. Halos kasama na ito sa araw-araw na pamumuhay nila lalo na sa pakikipag-
usap sa mga “text” o “chat” na kanilang tinatawag. Kahit nga ang pag gawa ng mga
gawain, na dapat ay pormal, ay nagagamitan na ng pagpapaikli ng mga salita. Maaari
na nitong maapektuhan ang mga sumusunod na henerasyon, lalo na sa literatura. Ang
pagpapaikli ng salita ay isang paraan para tayo ay makipag-usap ng mabilisan at
maipahayag ang ating mga saloobin sa madaling paraan. Ito ay nagaganap sa
pamamagitan ng pagbabawas ng mga titik sa isang salita. Kadalasan ay ang mga
patinig ang siyang tinatanggal. Maaari din masabi ang pagpapaikli ng salita ay ang
paggamit ng mga numero o bilang. May ilan naman na acronym ang ginagamit lalo na
kapag madalian ang pangyayari. Itong mga paraan na ito ay maaaring makatulong sa
pang araw-araw nating pamumuhay ngunit kung pag- aaralan, ito ay nakakasama sa
ating wika

Noon, bago pa mauso ang pagpapaikli ng salita, masyado itong nagiging pormal
sa ating mga Pilipino dahil dati ang pagsasalita ay nagagamitan ng mga malalalim na
salita at ang pag uusap ay humahaba na. Ngunit nang magsimula naman ang
paglaganap ng pagpapaikli ng salita ay naging dahilan naman ito ng hindi
pagkakaintindihan at dahil dito ay nakasanayan na natin pati sa mga pormal dapat.
Mabuti kung ito pa ay sa “text” o “chat” lamang, ngunit pati ang paggawa ng literatura
ng mga kabataan ay puro pinaiikling salita. Hindi man lahat pero mayroon madalas
magkamali sa paggamit ng “siya” at “sya”, “iyon” at “yun”, “mayroon” at “meron” at iba
pang mga salita. Nagdudulot ito ng hindi pagkakaintindihan ng dalawang taong nag-
uusap. Naging dahilan ito ng kamalian sa mga nais iparating lalo na kapag ito’y
nakasanayan na. Halimbawa na lamang kapag pinasulat ang isang tao ng talumpati at
nakasanayan na niyang magpaikli ng mga salita, may possibilidad na magamit niya ang
mga salitang napaikli na at hindi niya mapaparating ng maayos ang gusto niyang
sabihin. Isa sa mga magandang solusyon dito ay ang pagpapalawak ng bokabularyo,
pag - alam kung ano ang tamang panahon at kung sino ang kinakausap kapag gagamit
nito halimbawa dito ay, pagbati sa iyong guro ng “magandang umaga po” “magandang
hapon po”. Sa madaling salita, hindi masamang gumamit ng mga salitang ito ngunit
kailangan natin alamin ang limitasyon sa paggamit ng mga ito.

You might also like