You are on page 1of 4

Pagbabago sa Wika

Hindi natin maikakaila

na habang tumatagal ang Wika'y nagbabago

nagbabago mula sa dating nitong hitsura

dahil ang buhay na Wika ay isang dinamiko.

Ito'y patuloy na umuunlad

dahil nagkakaroon na naman ng ibat-ibang kahulugan

na kung ating ihahalintulad

ang mga bagong salita'y patuloy na nadaragdagan.

May ilan tayong mga ninuno

na nahihirapang makisabay

mula sa agos ng Wikang pagbabago

at kailangan nila ang ating paggabay.

Dahil sa kapanahunan nila

pormal silang magsalita noon

na kung maikukumpara natin sa ngayon

may maririnig kang pabalbal kung magsalita.

Sambit naman ng iba na kaya ito nagbabago

kaming mga milenyal daw ang dahilan

na tila ba'y kami ang nagdala sa panahong ito

may punto sila ngunit hindi ko lubos na maunawaan.

Bakit ko nasabi na hindi ko maunawaan?

dahil 'di naman siguro 'to magababago

kung hindi nila ito sinabayan

pero wala na siguro tayong magagawa dahil nandito na tayo.

Nandito na tayo sa mundong makabago

na kung saan unti-unti nang nakakalimutan


ang tamang paggamit ng Wika na ngayon ay nagbago

hatid ng umuusbong na modernisasyon na ating ginagalawan.

Kabilang na dyan ang papel sa pag-unlad ng teknolohiya

na mayroong malaking koneksyon sa ating Wika

na sa paggamit ng "text messaging" nagiging madali ang pag-uusap ng tao

na pinapaiklian ang mga salita at ito'y kanilang binabago.

Halimbawa nito'y "tlg" na dapat ay talaga.

"Mgnd" na dapat ay maganda.

Kung iyong papansinin na sa mga salitang dati'y maraming letra

tinatanggalan na ito ng patinig sa bawat salita.

At kung ano na ang madali at maikling salita

'yon na ang gagamitin katulad sa mga nabanggit kong halimbawa

na kahit pangit ang kinalalabasan sa mga pagbabagong salita

wala pa din talagang pakialam sa hitsura.

Ang "taglish" naman ay kabilang din sa pagbabago ng Wika

na ang tagalog at ingles ay pinagsasama

na sa kanilang palagay kaaya-ayang pakinggan

na kung tutuusin ang pangit naman ng kinalalabasan.

"Wer na u? di2 na me."

"Not ganyan. Ganern oh."

"Wait mo me beshie ah. Pnta na me."

Ilan lamang 'yan sa napakadaming halimbawa ng "taglish."

Hindi ba't ang garang pakinggan?

Akala siguro nila na ang paggamit ng mga ganyan ay nakaka-sosyal

na tintanggal ang patinig at pinaghahalo mula sa orihinal

at malaki ang pagbabagong nagaganap sa ispelling ng ganitong pamamaraan.


Maaari din itong maging dahilan ng pagkalito

mula sa tamang salita at sa mga salitang binago

na malaki ang posibilidad na iba ang kanyang pagkaka-unawa

sa kahulugan na nais mong maipabatid sa kanya.

Dahil hindi naman lahat ng tao

sumasabay sa ganitong paraan ng Wikang pagbabago

at isa-isa ako sa mga taong hindi nakikisabay

at mas pinapahalagahan ko pa din ang salitang Wikang at ang tamang pagba-baybay.

Inaamin ko na hindi lahat ng salitang Filipino

alam ng aking bokabularyo

may mga salita na alam ko

pero hindi ko masabi ang kahulugan nito.

Pero hindi ibig-sabihin

na wala ng pag-asang alamin

ang mga salitang hindi pa lubos maunawaan

dahil may panahon pa para ito'y mapag-aralan.

Hindi man alam ang lahat ng salitang Filipino

ang mahalaga ginagamit ito ng tama at may pagma-mahal

ginagamit ng may tamang pagbigkas, pagsulat at pagbibigay dangal

para sa ating Ama ng Wikang Pambansa na nagbuwis ng buhay para magkaroon tayo ng sariling Wikang Filipino!

Napakadami mang nagbago

at patuloy pang nag-uusbungan pero ang pinakamahalaga

hindi natin nakakalimutan ang pinagmulan ang lahat ng ito

pinagmulan kung paano tayo nagkaroon ng maipagmamalaking sariling Wika.

PAGBABAGO SA WIKA
NI: Rubelyn E. Verterra
Pagbabago sa Wika na sa paggamit ng "text sumasabay sa ganitong paraan
messaging" nagiging madali ang ng Wikang pagbabago
pag-uusap ng tao at isa-isa ako sa mga taong hindi
Hindi natin maikakaila na pinapaiklian ang mga salita nakikisabay
na habang tumatagal ang Wika'y at ito'y kanilang binabago. at mas pinapahalagahan ko pa
nagbabago din ang salitang Wikang at ang
nagbabago mula sa dating Halimbawa nito'y "tlg" na dapat tamang pagba-baybay.
nitong hitsura ay talaga.
dahil ang buhay na Wika ay "Mgnd" na dapat ay maganda. Inaamin ko na hindi lahat ng
isang dinamiko. Kung iyong papansinin na sa salitang Filipino
mga salitang dati'y maraming alam ng aking bokabularyo
Ito'y patuloy na umuunlad letra may mga salita na alam ko
dahil nagkakaroon na naman ng tinatanggalan na ito ng patinig pero hindi ko masabi ang
ibat-ibang kahulugan sa bawat salita. kahulugan nito.
na kung ating ihahalintulad
ang mga bagong salita'y patuloy At kung ano na ang madali at Pero hindi ibig-sabihin
na nadaragdagan. maikling salita na wala ng pag-asang alamin
'yon na ang gagamitin katulad sa ang mga salitang hindi pa lubos
May ilan tayong mga ninuno mga nabanggit kong halimbawa maunawaan
na nahihirapang makisabay na kahit pangit ang dahil may panahon pa para ito'y
mula sa agos ng Wikang kinalalabasan sa mga mapag-aralan.
pagbabago pagbabagong salita
at kailangan nila ang ating wala pa din talagang pakialam Hindi man alam ang lahat ng
paggabay. sa hitsura. salitang Filipino
ang mahalaga ginagamit ito ng
Dahil sa kapanahunan nila Ang "taglish" naman ay tama at may pagma-mahal
pormal silang magsalita noon kabilang din sa pagbabago ng ginagamit ng may tamang
na kung maikukumpara natin sa Wika pagbigkas, pagsulat at
ngayon na ang tagalog at ingles ay pagbibigay dangal
may maririnig kang pabalbal pinagsasama para sa ating Ama ng Wikang
kung magsalita. na sa kanilang palagay kaaya- Pambansa na nagbuwis ng
ayang pakinggan buhay para magkaroon tayo ng
Sambit naman ng iba na kaya ito na kung tutuusin ang pangit sariling Wikang Filipino!
nagbabago naman ng kinalalabasan.
kaming mga milenyal daw ang Napakadami mang nagbago
dahilan "Wer na u? di2 na me." at patuloy pang nag-uusbungan
na tila ba'y kami ang nagdala sa "Not ganyan. Ganern oh." pero ang pinakamahalaga
panahong ito "Wait mo me beshie ah. Pnta na hindi natin nakakalimutan ang
may punto sila ngunit hindi ko me." pinagmulan ang lahat ng ito
lubos na maunawaan. Ilan lamang 'yan sa pinagmulan kung paano tayo
napakadaming halimbawa ng nagkaroon ng
Bakit ko nasabi na hindi ko "taglish." maipagmamalaking sariling
maunawaan? Wika.
dahil 'di naman siguro 'to Hindi ba't ang garang
magababago pakinggan?
kung hindi nila ito sinabayan Akala siguro nila na ang
pero wala na siguro tayong paggamit ng mga ganyan ay
magagawa dahil nandito na tayo. nakaka-sosyal
na tintanggal ang patinig at
Nandito na tayo sa mundong pinaghahalo mula sa orihinal
makabago at malaki ang pagbabagong
na kung saan unti-unti nang nagaganap sa ispelling ng
nakakalimutan ganitong pamamaraan.
ang tamang paggamit ng Wika
na ngayon ay nagbago Maaari din itong maging dahilan
hatid ng umuusbong na ng pagkalito
modernisasyon na ating mula sa tamang salita at sa mga
ginagalawan. salitang binago
na malaki ang posibilidad na iba
Kabilang na dyan ang papel sa ang kanyang pagkaka-unawa
pag-unlad ng teknolohiya sa kahulugan na nais mong
na mayroong malaking maipabatid sa kanya.
koneksyon sa ating Wika
Dahil hindi naman lahat ng tao

You might also like