You are on page 1of 2

Shenivel E.

Bante
BSED 2 - Filipino

Ano ang kaugnayan ng pag-aaral sa dating abakada at makabagong alpabetong Filipino sa

estruktura ng wikang Filipino? Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga gitling sa mga

salitang nararapat gitlingan?

Ang Baybayin ay isa sa mga sumisimbolo sa karunungan ng ating mga ninuno bago pa

man dumating ang mga dayuhan. Ito ay galing sa salitang “baybay” na ang ibig sabihin sa

wikang Ingles ay “to spell.” Isa rin itong papantig na paraan ng pagsulat kung saan ang bawat

letra ay nagrerepresenta ng pantig sa halip na isang tunog na siyang nakikita at laganap sa

modernong alpabeto. Sa kabilang banda, ang makabagong alpabetong Filipino ay siyang

repormado at pinagyamang dating Abakada. Binubuo ito ng 28 na titik na kung saan lima ang

patinig at dalawampu’t tatlong katinig.

Nauugnay ang dating abakada sa makabagong alpabeto sa estruktura ng wikang Filipino

sa pag-aaral ng palabaybayang Filipino. Mahalagang matutunan natin ang wastong

pamamaraan sa paggamit ng mga alpabetong Pilipino upang makabuo ng salita. Nahihinuha

natin ang kaibahan ng pagbaybay sa dating abakada at makabagong alpabeto na siyang naging

instrumento ng bawat isa sa pagbasa, pagsalita at paggamit ng wikang Filipino.

Ang gitling ay nabibigay linaw sa kahulugan ng mga salita. Sa wastong paggamit ng

gitling, nakapagbibigay ito ng estraktura sa paggamit ng ating wika. Maaaring maiba ang

kahulugan ng salitang walang gitling. Isang halimbawa ang pangungusap na: Napadaan ako sa

dating tambayan kanina, nagiba na pala! Ginamit rito ang salitang nagiba na ang ibig sabihin

ay nasira ngunit dapat itong lapatan ng gitling dahil ang gustong ipahiwatig ng nagsasalita ay

nag-iba o nagbago. Mapapansin nating ang gitling ay nagbibigay buhay sa pagpapalinaw ng


kahulugan ng isang salita na siyang importante sa kabuuang pagpapahiwatig ng isang

pangungusap.

You might also like