You are on page 1of 1

Magandang araw sa ating lahat.

Purihin si Hesus at si Maria ngayon at magpakailanman

Sa araw na ito, ating tatalakayin ang Rehiyon 4 na may dalawang bahagi. Una, ang CALABARZON o
Rehiyon 4A.

Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado
y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng
kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.
May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot,
siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura,
kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng
plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima.

Habang nasa Europa, naging bahagi si José Rizal ng Kilusang Propaganda, na kumukunekta sa ibang mga Pilipino
na nagnanais ng reporma. Isinulat din niya ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere (Touch Me Not / The
Social Cancer), isang aklat tungkol sa madilim na aspeto ng kolonyal na paghahari ng Espanya sa Pilipinas,
partikular na pinagtuonan dito ang papel ng mga Katolikong prayle. Ang libro ay ipinagbawal sa Pilipinas, bagaman
maraming kopya ang nakapasok sa bansa. Dahil sa nobelang ito, naging tudlaan siya ng pulisya dahilan upang ang
kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1887 ay mapaikli.

Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas niya ang kanyang sumunod na
nobela, ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman) noong 1891. Naglathala din siya ng mga artikulo sa La
Solidaridad, isang pahayagan na nakahanay sa layunin ng Propaganda. Sa mga reporma na itinaguyod ni Rizal ay
hindi kasama ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya. Siya ay nanawagan para sa pantay na pagtrato sa mga Pilipino,
sa paglilimita sa kapangyarihan ng mga Kastilang Espanyol at representasyon para sa Pilipinas sa korte ng Espanya.

TEO S. BAYLEN

Si Teo S. Baylen ay isang Pilipinong makata at isa sa mga tinagurian bilang “Hari ng Balagtasan.” Siya ay
isa ring isang pastor at masasalamin sa kaniyang mga tula ang kaniyang panata bilang Kristiyano. Ang
kanyang mga larawang-diwa ay hango sa Bibliya — mga kuweba, balon, pastulan, tupa, dambana — at
ang kanyang layunin ay maipakita (tulad ni T.S. Eliot) na ang tinatawag na makabagong kabihasnan at ng
walang-Diyos na ismo niyon ay nagtagumpay lamang sa pagbuo ng isang mala-Prankenstaing halimaw.

Pinakasikat ang tulang Tinig ng darating na kanyang tinipon sa loob ng 30 taon . Nais iparating ng tulang
ito na kapag hindi tayo umaksyon nang naaayon sa kasalukuyang pangangailangan ng ating bayan, tayo
rin lamang ang sisisihin ng mga susunod na henerasyon. Nagpapahiwatig ito ng paulit-ulit na pagtanong
ng mga nakababata kung "Anong nangyari?" o "Bakit nagkaganito?" Tulad na lamang ng pagtatanong
natin ngayon sa mga nakatatanda kung "Ito ba ang aming mamanahin?", "Ganito ba talaga kami
mamumuhay?" Isa itong paulit-ulit na siklona hindi titigil hangga't hindi nakikita ang tunay na
pagbabago. Ang tinig na darating ay tinig ng kalungkutan at paninisi.

You might also like