You are on page 1of 2

Shenivel E.

Bante

BSED 2 – Filipino

Pagsusuri sa Akdang “Huling Talumpati ni Ninoy Aquino” ni Benigno Simeon "Ninoy" Aquino
Jr. gamit ang S.P.E.A.K.I.N.G ni Dell Hymes

1. Saan ang tagpuan ng nabasang talumpati?

Ipapahayag sana ni Ninoy Aquino ang kaniyang talumpati pagkarating sa Manila


International Airport para sa kaniyang tagasalubong.

2. Sino ang tagapagsalita at tagapakinig?

Si Benigno Simeon “Ninoy” Aquino, Jr. ang tagapagsalita at ang mamamayan ng


Pilipinas ang tagapakinig.

3. Ano ang layunin ng talumpati?

Ito ay naglalayon na mabuksan ang isipan ng mga Pilipino ukol sa pinaglalaban ni Ninoy
para sa ating bansa. Layon din nito maging bukas ang isipan ng mga mamamayan sa diktaturya
ng Pangulong Marcos sa panahong iyon.

4. Paano nagkasunod-sunod ang daloy ng talumpati?

Inumpisahan ni Ninoy Aquino ang kanyang talumpati sa pamamagitan ng introduksyon


na siya ay matapang na nagpapahayag na handa siya sa kamatayan sa pag-uwi niya sa Pilipinas.
Ipinahayag niya rin sa kaniyang talumpati ang hirap na kaniyang dinanas noong nasa Pilipinas
pa siya at ang buhay niya sa Boston. Idiniin ni Ninoy ang kagustuhan niyang mamulat ang mga
Pilipino na kailangan nang matapos ang diktatorya ng noong Pangulong Ferdinand Marcos at
kumilos upang masulong ang demokrasya.

5. Ano ang paraan/tono ng pananalita, antas ng wika ang ginamit ng tagapagsalita?

Walang paraan o tono ng pananalita dahil hindi ito nabigkas ni Senador Benigno
Aquino, Jr.

6. Ano sa palagay mo ang panuntunang sosyal umangkop ang talumpati?


Gusto niyang mamulat ang mga Pilipino sa pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos
at isulong ang panunumbalik ng demokrasya. Ang ilalahad niya sanang talumpati ay nagtataglay
ng damdaming makabayan na hindi matatawaran.

7. Anong uri o kategorya ang naging hulwaran ng talumpati?

Ito ay isang uri ng talumpating pangkabatiran.

You might also like