You are on page 1of 15

KILUSANG PROPAGANDA,

KATIPUNAN AT HIMAGSIKAN
(1815-1901)
BALIK-ARAL

Itambal ang Hanay A sa Hanay B


Hanay A Hanay B
1.Emilio Aguinaldo a. Pangalawang Pangulo
2. Antonio Montenegro b. Pangulo
3.Mariano Trias c. Kalihim ng ugnayang panlabas
4. Baldomero Aguinaldo d. Kalihim ng pandigma
5.Emiliano Riego de Dios e. Kalihim ng Pananalapi
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

2.Kilala nyo ba ang nasa larawan?

3.Ano ang masasabi ninyo sa larawan?


Pagtatalakay
Pagtatalakay
Sampung ambag ni Andres Bonifacio

1.Siya ay isa din sa mga unang kaanib ng “La Liga Filipina” na itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3,
1982. Ito ay may layuning pagkaisahin ang lahat ng Pilipino upang makapagsimula ng isang reporma,
maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo ng bansa.
2. Ang pagpapamulat sa sambayanang Pilipino para maging makabayan.
3. Sa pamamagitan ng Katipunan ay napagbuklod at nagkaisa ang mga Pilipino.
4. Inialay nya ang kanyang buhay para sa pagtatanggol sa Pilipinas.
5. Demokrasya, o Kalayaan ang pinaka mahalagang ambag ni Andres Bonifacio sa Pilipinas.
6. Itinatag ni Andres Bonifacio, kasama ang iba pang mga Pilipino ang Katipunan o kung tawagin nila ay
KKK (Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) na kung saan kalaunay
siya ang naging Supremo. Ito ay isang lihim na samahan na ang layunin ay kasarinlan mula sa Espanya
sa pamamagitan ng armadong himagsikan.
Sampung ambag ni Andres Bonifacio

7. Pinamunuan ni Gat Andres Bonifacio ang pagpunit ng mga sedula sa Kalookan at ito ay
tinawag na “Sigaw ng Pugad Lawin” Ang kaganapang to ay naging hudyat ng pagsimula ng pagaaklas
sa Espanya. Ang Kataastaasang Lupon ng Katipunan ay naghayag ng isang malawakang himagsikan
sa Espanya at nagpatawag ng tuloy tuloy na pagsunod sa kabiserang Maynila noong 29 Agosto.
8. Kasama ang isa pang bayani na si Emilio Jacinto, pinasimulan ni Gat Andres Bonifacio ang
pagsalakay sa El Polvorin sa San Juan na syang imbakan ng pulbura at istasyon ng tubig. Nagawang
sakupin ng grupo ni Andres Bonifacio ang El Polvorin sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga
armado at bihasang kawal ng Espanyol.
9. Si Andres Bonifacio ay ang Unang Pangulo ng Pilipinas. Ayon sa ilang dalubhasa sa pananaliksik ng
kasaysayan, si Gat Andres Bonifacio ay ang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas sapagkat siya ay
ang Supremo sa pamahalaang himagsikan ng Katipunan. Ang batayang ito ang nagbibigay ng
katarungan na siya ang nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan ng Katipunan at ito ay naganap bago
pa naitatag ang pamahalaang pinamumunuan ni Aguinaldo.
10. Nagsakrapisyo siya at pinaglingkuran ang bansang Pilipinas.
Presentasyon ng mga Gawain
1. Ano-ano ang nagawa ni Andres Bonifacio sa ating bansa?
2. Ano ang papel na ginampanan ni Andres Bonifacio sa
Himagsikan?
3. Ano ang nangyari noong Himagsikan taong 1896?
4. Paano naging isang bayani si Andres Bonifacio?
5. Anong klaseng bayani si Andres Bonifacio?
Papapayaman ng mga Gawain
Bumuo ng 3 pangkat sa klase ayon/batay sa kanilang mga kakayahan. Gabayan ang
mga mag-aaral sa pagbuo ng tatlong pangkat. Magtalaga ng lider.

Pangkat 1- Isadula ang isa sa mga pangyayari kung saan naging bahagi si Andres
Bonifacio upang mapukaw ang pagiging makabayan ng mga Pilipino.
Pangkat 2 – Iulat ang mga mahahalagang ambag ni Andres Bonifacio para sa
bayan.
Pangkat 3 – Iguhit/ gumawa ng isang poster tungkol sa pakikipaglaban ni Andres
Bonifacio para sa kalayaan.
Sabihin ang inyong opinyon ukol sa
larawan (digital flash card)
Paglalahat

Kung bibigyan kayo ng isang pagkakataon na pumili ng isang


bayani, pipiliin mo ba si Andres Bonifacio? Bakit?
Paglalahat

Ano-ano ang mga naiambag ni Andres Bonifacio at ang kanyang papel na


ginampanan noong Himagsikan sa pagbuong Pilipinas bilang isang bansa?
Ebalwasyon
Sa malinis na papel isulat TAMA kung ito ay ang mga naiambag ni Andres Bonifacio ang
Katipunan at Himagsikan ng 1896 sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansaat MALI
naman kung hindi.

1. Isa sa mga unang kaanib ng “La Liga Filipina” na itinatag ni Jose Rizal noong 3
Hulyo 1892. Ito ay may layuning pagkaisahin ang lahat ng Pilipino upang makapagsimula
ng isang reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo ng bansa.
2. Ang pagpapamulat sa sambayanang Pilipino para maging makabayan.
3. Sa pamamagitan ng Katipunan ay napagbuklod at nagkaisa ang mga Pilipino.
4. Hindi niya inialay nya ang kanyang buhay para sa pagtatanggol sa Pilipinas.
5. Itinatag ni Andres Bonifacio, kasama ang iba pang mga Pilipino ang Katipunan o
kung tawagin nila ay KKK (Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak
ng Bayan) na kung saan kalaunay siya ang naging Supremo. Ito ay isang lihim na
samahan na ang layunin ay kasarinlan mula sa Espanya.
TAKDANG ARALIN

Sa ¼ cartolina iguhit ang mga naiambag ni Andres


Bonifacio para sa ating bansang Pilipinas.

You might also like