You are on page 1of 22

Layunin:

Natatalakay ang mga


ambag ni Andres Bonifacio,
ang Katipunan at Himagsikan
1896 sa pagbuo ng Pilipinas
bilang isang bansa.
Mga Ambag Ni
Andres Bonifacio Sa
Pagbuo Ng Pilipinas
Bilang Isang Bansa
Balitaan:
Ngayong araw
idineklara ni dating
pangulong Fidel Ramos
ang agila bilang
pambansang ibon.
Balik-aral:
Laro: ( Cabbage Roll )
Panuto:Sa saliw ng isang
tugtugin,ipapasa ang cabbage sa
katabi at kapag tumigil ang tugtog
ay sasagutin ng huling nakakuha
ng cabbage ang tanong na
nakasaad sa dahon nito.
Sino ang nasa larawan ?
Ano ang nakikita ninyo sa larawan ?
Ano ang masasabi ninyo sa larawan ?
Kilala niyo ba si Andres Bonifacio ?
Ano ang pagkakakilala ninyo sa kanya ?
Si Andres Bonifacio ang
kinilalang Supremo ng
Katipunan, ang radikal na
samahang naglunsad ng
Himagsikan 1896 na naging
daan sa paglaya sa Pilipinas
mula sa Espanya.
Mahalagang Papel ni Andres
Bonifacio sa Pagbuo ng Bansa
• Itinatag niya ang Katipunan
at kinilalang supremo nito
• Pinamunuan niya ang
Katipunan hanggang sa
huli
• Isinulat niya ang Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa, Sampung Utos,
Dekalogo ng Katipunan, at iba
pang akdang nakaimpluwensiya
sa maraming Pilipino
• Nagpatunay siya na hindi
hadlang ang kahirapan upang
pamunuan ang bansa
• Nagbigay-halimbawa sa iba
ang kanyang buhay at
pagpapahalaga sa mga
Pilipino
• Kinilala siya bilang tunay na
bayani o bayaning Pilipino sa
konsepto ng kanyang mga
kapwa mga Pilipino
Pangkatang Gawain:
Pangkat I: Paggawa ng Timeline
Isulat sa caterpillar graphic
organizer ang mga nagawa ni
Bonifacio.
Pangkat II-Paggawa ng Art Exhibit
*Gumawa ng mga armas na
ginamit noon nina Bonifacio sa
pakikipaglaban at idikit dito ang
kanyang mga naging ambag.
Pangkat III-Collage Making
*Gumawa ng collage tungkol sa
mga ambag ni Andres Bonifacio
sa Katipunan at Himagsikan
1896.
Pagtalakay
1. Ano-ano ang nagawa ni Andres Bonifacio sa
ating bansa?
2. Ano ang papel na ginampanan ni Andres
Bonifacio sa Himagsikan?
3. Ano ang nangyari noong Himagsikan taong
1896?
4. Paano naging isang bayani si Andres
Bonifacio?
5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong makapag-
time travel at makakausap mo si Supremo,ano
ang gusto mong sabihin ?Bakit ?
Paglalapat :
Kung bibigyan kayo ng
isang pagkakataon na
pumili ng isang bayani,
pipiliin mo ba si Andres
Bonifacio? Bakit?
Karagdagang pagsasanay.
Iulat ang mga naiambag ni
Andres Bonifacio at ang
kanyang papel na
ginampanan noong
Himagsikan sa pagbuong
Pilipinas bilang isang bansa.
Paglalahat:
Ano –ano ang mga naiambag
ni Andres Bonifacio para sa
kalayaan ng bansa?
Gawin at isulat ito gamit ang
‘fish-bone organizer”
Pagtataya o Ebalwasyon
Punan ng tamang sagot ang bawat
patlang.Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
1. Si Andres ay dalubhasa sa ______.
2-3. Siya ay naguna sa pagpunit ng
____ sa maliit na baryo ng _______
4. Tinaguriang _____ ng Katipunan.
5. Itinatag ni Andres Bonifacio ang
KKK at siya ay kinilalang ________
Pagtataya o Ebalwasyon
Punan ng tamang sagot ang bawat
patlang.Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.
Supremo
Ama
Sedula
Pugad Lawin
Kasaysayan
Takdang Aralin:
Magtala ng mga
pangyayaring naganap
noong Himagsikan 1896.
Gawan ito ng timeline.

You might also like