Professional Documents
Culture Documents
NG WIKA
Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng palagiang
paglalaan ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay (reinforcement) ay
malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F Skinner na VerbalBehavior (1957). Samantala,
noong 1959, sa isang matinding rebyuna isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner,
pinanindigan niya na kung ang wika ay matututuhan lamang sa pamamagitan ng
pagpaptibay, magiging mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang
pag-unawa sa mga pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni
Chomsky na hindi lamang sa mga proseso ng pagmememorya at pag-uulit natutuhan
ang wika.
Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika,
ang Language Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa
pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng pansariling pagbabalarila. May
tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika sa
kasalukuyan.
Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng pangunguna ng
pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito.
Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto kung ito
ay katugma (compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa ating utak.
Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang
kontemporaryo na may kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak pangnilalaman
at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita, pakikinig, pag-iisip, at ang pagkilos
ay isang nangungunang simulain sa kasalukuyang kaisipan tungkol sa pagkatuto ng
wika.
CONTENT-CENTERED EDUCATION
Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered education ay
ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng
wika. [integrasyon sa pagkatuto ng nilalaman]