You are on page 1of 31

Balarilang

Transpormasyonal

Ang mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay

nananalig na ang isang wika ay may taglay na set ng mga tuntunin na

walang malay na nalalaman at nagagamit ng isang tao sa kanyang

pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Sila ay naniniwala na lahat

ng mga tao ay may likas na kakayahan sa pag-unawa at paglikha ng

mga pangungusap na hindi pa man nila naririnig dahil nagagawa ng

isipan na bumuo ng mga tuntuning pambalarila at nailalapat ito para

sa isang tiyak na pagkakataon.


Balarilang

Transpormasyonal

Ayon sa pananaw na ito, hindi kailangan ng tao ang dating karanasan

para sa isang partikular na pangungusap upang mailahad o

maunawaan ito. Ang mga tuntunin ang makatutulong sa mga taal na

tagapagsalita upang mabatid nila kung ang isang lipon ng mga salita

ay makabubuo o hindi ng isang pangungusap. Tunguhin ng balarilang

transpormasyonal na maipaliwanag at mailarawan ang likas na mga

tuntuning ito ng wika.


Monitor Model ni

Krashen

May iminungkahing teorya si Krashen (1981b, 1982) hinggil sa

pagtatamo ng pangalawang wika (W2) na naging batayan

ng isang balangkas para sa pag unawa ng mga proseso

kung paano natutuhan ang pangalawang wika.

May limang haypoteses na nakapaloob sa teoryang ito ni

Krashen.

Acquisition Learning Hypothesis

Natural Order Hypothesis

Monitor Hypothesis

Input Hypothesis

Affective Filter Hypothesis


Acquisition Learning

Hypothesis

Ang acquisition learning hypothesis ( pagtatamo-pagkatuto). Isinasaad ng

haypotesis na ito na ang pagtatamo at pagkatuto ay dalawang

magkahiwalay na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika. Ang pagkatuto


ay "kaalaman tungkol" sa wika. Ito ang pormal na kabatiran sa isang wika

at itinuturo nang pormal upang malinaw na maunawaan ang mga tuntunin

ng isang wika. Sa kabilang dako, ang pagtatamo ay isang walang-malay

na proseso na nagaganap sa mga pagkakataong ang wika ay ginagamit sa

aktwal na pakikipagtalastasan. Ang pormal na pagtuturo ng mga tuntuning

pambalarila ay hindi masusumpungan sa pagtatamo ng wika (Krashen,

1981b, 1982, 1985). Ang mga nagtatamo (acquirers) mismo ang

"nakararamdam" para sa kawastuhan ng kanilang mga sinasalita ngunit

hindi nila nasasabi ang mga tiyak na tuntunin kung bakit "tama" ang mga

ito.
Acquisition Learning

Hypothesis

Nilinaw ni Krashen ang tungkulin ng dalawang prosesong ito, ngunit

ipinalalagay niya na mas mahalaga ang pagtatamo. Binigyang-diin niya rito

ang mga pag-aaral hinggil sa pagtatamo ng wika ng mga bata. "Lumabas

sa mga pag aaral na ang pagtuturo ng mga tuntuning pangwika ay hindi

nakapagpapadali sa pagtatamo ng wika. At tila hindi rin nakatutulong ang

anumang pagwawasto sa kamalian" (Krashen at Terrell, 1983, p. 27).

Hindi rin nakaligtas sa maraming puna/pintas ang paniniwalang ito ni

Krashen. Sa kabila nito, nanindigan pa rin siya sa kahalagahan ng natural

na proseso sa pagkatuto ng wika. Mabisa at epektibo ang pagkatuto ng

wika ng mga bata kung sila ay nasa kalagayang tunay nilang nararanasan

ang awtentikong paggamit ng wika.


Natural Order

Hypothesis

Ayon sa haypotesis na ito, may mga tuntuning pangwika na

mas naunang natamo kaysa sa iba. Nananalig din ito sa

paniniwalang may likas na sinusunod sa natural na order ang

bata sa pagtatamo ng wika. Mahalaga rin dito ang

paghahantad ng mga bata sa mga pang-araw araw na

usapan kung saan ay malaya silang nakalalahok. Sa ganitong

paraan, dumarating ang bata sa yugto na napapamahalaan

nila ang istruktura ng wika na kanilang sinasalita.


Monitor Hypothesis

Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang ugnayan ng pagtatamo

at pagkatuto ng wika. Ang proseso ng pagtatamo ang tagapanguna sa

pagsasalita tungo sa katatasan sa paggamit ng wika. Samantala, ang

pagkatuto ay tumatayong isang monitor o editor (Krashen, 1981b, 1982).

Ang monitor ay isang mekanismo sa pagtuklas ng anumang pagkakamali

sa pagsasalita; sinasala nito ang katatasan sa pagsasalita upang

makagawa ng kaukulang pagwawasto sa anumang kamalian.

Magsisimula sa pagsasalita ang isang tao at ang taong ito ang mag-e-

edit - pagtitibayin o iwawasto - ang pagsasalita bago o pagkatapos ng

isang binalak na komunikasyon. Gayunman, hindi palagiang nagagamit

ang Monitor lalo na sa mga mabilisang usapan; dahil sa ganitong

kalagayan, maaaring wala nang panahon ang nagsasalita na pansinin

ang kawastuhan/kamalian ng kanyang pagsasalita.


Monitor Hypothesis

Sa tulong ng kaisipang Monitor ni Krashen, napag-ibayo ang kalakaran

sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng paglalaan ng isang

language-rich environment na makapagpapadali sa natural o likas na

pagkatuto nito.
Input Hypothesis

Naninindigan ang haypotesis na ito na ang wika ay natatamo sa isang

prosesong payak at totoong kamangha-mangha kapag naunawaan natin

ang mga mensahe. Ang wika ay natatamo nang hindi binibigyang-pansin

ang anyo, bagkus ay ang pag-unawa sa mga mensahe na maaaring

magtaglay ng bagong istruktura, mga mensahe na maaaring lagpas nang

kaunti sa kasalukuyang lebel ng kasanayan ng nagsasalita. Habang ang

isang tagapakinig ay gumagawa ng paraan upang maunawaan ang

namamagitang komunikasyon, mahalagang isaisip ang tamang uri ng input

upang malinang nang wasto ang pag-unawa. Hindi sapat ang simpleng

paghahantad sa mag aaral sa isang akto ng pakikipagtalastasan. Ang

kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin ang mga sinasabi

ni Krashen na comprehensible input.


Comprehensible Input

Ipinagpapalagay ni Krashen na ito ay input na maaaring ihalintulad sa

caretaker speech,"
" anyo ng pagsasalita para sa mga batang bago pa

lamang nagsasalita na maririnig sa mga yaya o caregiver. Ang

caretaker speech (maikling pangungusap, madaling maintindihan,

kontrolado ang bokabularyo, iba't ibang paksa) ay nakapokus sa

komunikasyon. Hindi ito ginagamit para ituro ang wika. Ang paksa ay

maaaring tungkol sa kung ano ang naririto at ngayon. Iniaangkop ang

istruktura sa kakayahan ng bata at mas mabagal ang pagsasalita.

Maaaring ang caretaker speech ay hindi kaganapang unibersal, ang

mahalaga ay ang kaisipang hindi ang simpleng wika ang sentral na

krayteryon sa pagkakaunawaan; ang mahalaga ay ang pagbibigay ng

pokus sa mensahe at ang kaugnayan at kahalagahan nito sa mag-aaral sa

loob ng isang kontekstong pangwika.


Affective Filter Hypothesis

Ang hypothesis na ito ay may kaugnayan sa mga baryabol na

pandamdamin gaya ng pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa

sarili. Mahalaga ang kabatiran ukol dito dahil nagagawa ng mga ito na

mahadlangan ang mga input para gisingin ang Language Acquisition

Device (LAD). Kung mahahadlangan ng affective filter ang ilan sa mga

comprehensible input, maaaring kaunting input lamang ang

makapapasok sa LAD ng mag-aaral. Ang isang kontekstong affective at

positibo ay nakapagpapataas ng input.


MGA GAWAING

PAMPAGTUTURO NA

UMAALINSUNOD SA MONITOR

Model

Isang maikling buod ng teorya ni Krashen ay ang pananalig na matatamo

ang mga istrukturang pangwika (W10 W2) sa isang mahuhulaang

pagsusunud sunod kung may natatamong comprehensible input at kung

mababa ang affective filters at maluwag na makapapasok ang input. Ang

sariling monitor ang mag-eedit sa kawastuhan sa paggamit ng wika.

Mailalapat ang mga haypotesis ni Krashen para sa makabuluhang

pagtuturo ng wika.
Pagtatamo vs. Pagkatuto

Ang pinakamahalagang komponent ng pagtatamo ay ang

katotohanang instrumento ang wika para sa pakikipagtalastasan.

Ang paghahatid ng mensahe ay mas mahalaga kaysa mga

pagsasanay. Isang mahalagang bahagi ng pagtatamo ng wika ay

pagbibigay sa mga bata ng sapat na panahon na maiproseso ang

wika bago sila hingan ng wastong pagtugon. Ang bahagyang

komprehensyon at di-kumpletong pagsasalita ay tinatanggap.


Natural Order

Inaasahang tatanggapin ng mga guro na ang pagbubuo sa isipan

ng mga pangungusap ay hindi nagsisimula sa payak patungo sa

mas kompleks na mga pangungusap. Sa halip, ang mga mag-

aaral ng wika ang tumuklas ng wastong pagkakasunud-sunod

mula sa hulwaran ng mga input na kanilang nakikita at naririnig.

Sa gayon, ang kurikulum ay hindi kailangang binubuo ayon sa mga

istrukturang gramatikal. Maaaring ang wika na nalikha sa mga

sitwasyong pagtatanong at pasuliranin ay nagtataglay ng mga

istruktura na mapaghahanguan ng mga tuntunin sa pagsasalita.


Monitor

Maaaring maglaan ng mga karagdagang pantulong sa pamamagitan


ng mga mungkahi o tuwirang tuntuning gramatikal. Gayon pa man, sa
kabila ng lahat, ang mayamang input pa rin ang pinakaangkop na
paraan upang makadebelop ng isang kamalayang istruktural at mga
modelong pangkomunikasyon. Ang mga mag-aaral ang dapat
magmonitor ng kanilang sarili. Ang tahasang pagwawasto ng guro ay
bibihirang nakapagpapabago sa gawi ng mga mag-aaral sa
pagsasalita at pagsulat.
Comprehensible Input

Ang pinagaang wika gaya ng caretaker speech ay maaaring

epektibo sa ibang mag-aaral. Ayon kay Larsen-Freeman, 1985,

kailangang maisaalang-alang sa pagtuturo ang mga salik tulad

ng pangangailangan, edad, SES, kasarian, at unang wika.

Maaaring maglaan ang guro ng comprehensible input sa iba't

ibang kaparaanan: gawing kawili-wili at makabuluhan ang

pagtuturo; gumamit ng mga payak na pangungusap; malimit na

pagtiyak sa komprehensyon; at iba't ibang intonasyon, bolyum, at

tono sa pagsasalita. Maaaring gumamit ang guro ng mga

cooperative na gawain sa pagkatuto upang makakuha ng

comprehensible input mula sa kanilang kamag aral/kaibigan.


Affective Filter

Mapabababa ng mga guro ang affective filter sa pamamagitan

ng isang pagkaklase na relaks ang lahat ng bata, may paggalang

sa isa't isa, may kawilihan sa pagkatuto, may tiwala sa sariling

kakayahan, at iba pa.


ANG PAGTUTURONG NAKApokUS SA MAG-

AARAL (LEARNER-CENTERED TEACHING)

Ang katawagang ito'y gamitin sa kurikulum at sa ilang tiyak na teknik sa

pagtuturo. Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng

mga teknik na:

Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sa pag

aaral;

Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa:

pangkatang gawain o pagsasanay);

Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang

pansarili;

At kurikulum na may konsultasyon at isinasaalang-alang ang input

ng mag-aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.

Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng

kamalayan na “maangkin" ng mga mag-aaral ang kanilang

pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.


Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng

kamalayan na “maangkin" ng mga mag-aaral ang kanilang

pagkatuto at nakadaragdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.


ANG PAGKATUTO NA TULUNG-TULONG

(COOPERATIVE LEARNING)

Ang isang klasrum na kooperatib samakatuwid ay hindi

pagalingan o paligsahan kaugnay ng mga katangian ng

pagkatutong nakapokus sa mag aaral. Sa pagiging kasapi sa

isang pangkat, nagagawa nilang magbahaginan ng mga

impormasyon na laging naroon ang pagtutulungan sa isa't isa.

Ang mga mag-aaral ay isang "koponan" na ang layunin ng bawat

manlalaro ay mapagtagumpayan ang anumang itinakdang

gawain.
ANG PAGKATUTO NA TULUNG-TULONG

(COOPERATIVE LEARNING)

Dagdag na konotasyon ng "kooperatib" ay ang pagbibigay diin

nito sa sama-samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-

aaral upang matamo ang mga itinakdang layunin. Ang

kolaborasyon ay maaaring sa mga mag-aaral lamang o di-kaya'y

kolaborasyong mag-aaral-guro sa pagpili at paglalapat ng mga

teknik at sa ebalwasyon na nagaganap sa pagkatuto.


ANG PAGKATUTONG INTERAKTIb

(INTERACTIVE LEARNING)

Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus

sa pagbibigay at pagtanggap ng awtentikong mensahe

(mensaheng taglay ang impormasyong kawili-wili sa nagsasalita

at tagapakinig). Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang

pangunahing yunit ng diskors. Ang interaksyong panlinggwistika ay

isang sama-samang gawain na nangangailangan ng triyadikong

pag-uugnayan ng nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver),

at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong pasalita o

pasulat man.
ANG PAGKATUTONG INTERAKTIb

(INTERACTIVE LEARNING)

Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus

sa pagbibigay at pagtanggap ng awtentikong mensahe

(mensaheng taglay ang impormasyong kawili-wili sa nagsasalita

at tagapakinig). Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang

pangunahing yunit ng diskors. Ang interaksyong panlinggwistika ay

isang sama-samang gawain na nangangailangan ng triyadikong

pag-uugnayan ng nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver),

at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong pasalita o

pasulat man.
ANG PAGKATUTONG INTERAKTIb

(INTERACTIVE LEARNING)

Kailangan sa interaksyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa

rin sa ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng

interaksyon, na lagi nang nauunawaan sa isang konteksto, kasama ng mga di-pasalitang

pahiwatig na nagdaragdag ng ibang aspeto ng kahulugan bukod sa pasalita. Ang mga

pagpapakahulugan sa isang diskors ay karaniwang produkto ng isang negosasyon ng

pagbibigay at pagtanggap habang nagaganap ang usapan. Karaniwang makikita sa isang

klaseng interaktib ang mga sumusunod:

madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan

paggamit ng mga awtentikong wika bilang input sa konteksto sa tunay na paggamit nito

paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon

pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal na

paggamit ng wika sa "labas"

pagpapasulat na totoo ang target na awdyens


ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION

Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at

ginagamit upang bigyang-diin a) ang "kabuuan" ng wika laban sa

pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga maliliit nitong

elemento gaya ng ponema, morpema, at sintaks; b) ang

interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika

(pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbasa at

pagsulat); at c) ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na

ito'y likas at umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita.


ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION

Sa kasalukuyan ay malawak ang nasasakop ng katawagang ito

edukasyon. Ang whole language ay isang leybel na ginagamit

upang mailarawan ang:

tulung-tulong na pagkatuto

pagkatutong partisipatori

pagkatutong nakapokus sa mag-aaral

integrasyon ng "apat na kasanayan"

paggamit ng mga awtentiko at natural na wika


CONTENT-CENTERED EDUCATION

Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered

education ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga

nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika. Ito'y ang

magkasabay na pag-aaral ng wika at paksang-aralin, na ang

anyo at pagkakasunud-sunod ng paglalahad ng wika ay idinidikta

ng nilalaman o ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo

na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo nang hiwalay at

malayo sa konteksto ng paggagamitan nito.


ANG PAGKATUTONG TASK-BASED

Ayon kay Michael Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas

na pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman,

paraan, at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng

task. Sa katunayan, ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik

subalit mas "malaki" ang saklaw nito kaysa teknik.

Ang pagkatutong task-based ay hindi bagong pamaraan.

Binibigyang pokus lamang nito ang task sa pagtuturo. Tinatanaw

nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na

tuwirang nakaugnay sa mga layuning pangkagawian at ang mga

hangarin nito'y lagpas sa nakagawiang pagsasanay ng wika.


ANG BRAIN-BASED LEARNING

Halos lahat ng mga naunang talakay sa mga teorya sa pagtatamo

at pagkatuto ng wika ay parang atubili sa pagbanggit ng

kaugnayan ng utak sa pagkatuto ng wika. Sa ganitong kalagayan,

marapat sigurong alamin natin ang mga teoryang neurofunctional

at ang pagtatangka nitong ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan

ng tungkulin ng wika at neuroanatomy - para matukoy hangga't

maaari kung aling mga bahagi ng utak ang may tungkulin para

gumana ang wika sa pakikipagtalastasan. Bagama't may nauna

nang teorya sa pagkatuto ng wika na tumatanaw sa gampanin ng

utak, may ilang kontemporaryong edukador na nagdebelop ng

mga natatanging metodo na may pagsasaalang-alang sa

pagpoproseso ng utak sa pagkatuto.


ANG BRAIN-BASED LEARNING

Ayon sa kasalukuyang pag-aaral (Caine at Caine, 1991; Hart, 1975,

1983; Nummela at Rosengren, 1986), ang pagkatuto ang

pangunahing gampanin ng utak. Maraming bahagi ng utak ang

sabay-sabay na nagtutulung-tulong sa pagpoproseso ng ating

reyalidad gamit ang mga pag-iisip, damdamin, imahinasyon, at

mga pandama sa pag-unawa at sa interaksyon sa kapaligiran.

You might also like