You are on page 1of 5

ANG BALARILANG TRANSPORMASYONAL

(TRANSFORMATIONAL GRAMMAR)

Anng mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay


nananalig na ang isang wika ay may taglay na set ng mga tuntunin na walang
malay na nalalamman at nagagamit ng isang tao sa kanyang pang-araw araw
na pakikipagtalastasan. Tunguhin ng balarilang transpormasyonal na
maipaliwanag at mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika.

Bagama’t hindi nagging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng


wika perse, malaki ang naiambag nito sa monitormodel ni Krashen.

MONITOR MODEL NI KRASHEN

May iminungkahing teorya bsi Krashen (1981b, 1982) hinggil sa


pagtatamo ng pangalawang wika (W2) na nagging batayan ng isang
balangkas para sa pag-unawa ng mga proseso kung paano natutuhan ang
pangalawang wika. May limang haypoteses na nakapaloob sa teoryang ito ni
Krashen: ang acquisition learning hypothesis, na nagpapakita ng kaibahan ng
pagtatamo (na patungo sa katatasan) sa pagkatuto (na sangkot ang kaalaman
sa mga tuntuning pangwika); ang natural order hypothesis, nagpapahayag na
ang mga tuntuning pangwika ay natatamo sa isang mahuhulaang
pagkakasunod-sunod; ang monitor hypothesis, na nagpapalagay na may
isang paraan ng pag-iisip para sa pagtatamo ng katatasan; ang input
hypothesis, nagpapahayag din na ang unawa sa mga mensahe; at
ang affective filter hypothesis, na nagpapaliwanag hinggil sa mga sagabal na
pang-isipan at pandamdamin para sa ganap na pagtatamo ng wika.

Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model,


nakapaglaan naman ito ng isang matibay na kaisipang teoretikal para
sa natural approach, na malaki ang impluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng
pangalawang wika.

Ang acquisition learning hypothesis(pagtatamo-pagkatuto).


Isinasaad ng haypotesis na ito na ang pagtatamo at pagkatuto ay dalawang
magkahiwalay na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika. Ang pagkatuto ay
“kaalaman tungkol” sa wika.

Ang natural order hypothesis.Ayon sa haypotesis na ito, may mga


tuntuning pangwika na mas naunang natamo kaysa sa iba. Nananalig din ito
sa paniniwalang may likas na sinusunod sa natural na order ang bata sa
pagtatamo ng wika.

Ang monitor hypothesis. Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito


ang ugnayan ng pagtatamo at pagkatuto ng wika. Sa tulong ng kaisipang
Monitor ni Krashen, napag-ibayo ang kalakaran sa pagtuturo ng wika sa
pamamagitan ng paglalaan ng isang language-rich environment na
makapagpapadali sa natural o likas na pagkatuto nito.

Ang input hypothesis.Naninindigan ang haypotesis na ito na ang


wika ay natatamo sa isang prosesong payak at totoong
kamangha-mangha-kapag naunawaan natin ang mga mensahe. Ang
kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na tatangkilikin ang mga sinasabi ni
Krashen na comprehensible input. Ipinagpapalagay ni Krashen na ito ay input
na maaaring ihalintulad sa “caretaker speech,” anyo ng pagsasalita para sa
mga batang bago pa lamang nagsasalita na maririnig sa mga yaya o caregiver.
Ang caretaker speech (maikling pangungusap, madaling maintindihan,
kontrolado ang bokabularyo, iba’t-ibang paksa) ay nakapokus sa
komunikasyon.

Ang affective filter hypothesis.Ang hypothesis na ito ay may


kaugnayan sa mga baryabol na pandamdamin gaya ng pagkabahala,
motibasyon, at pagtitiwala sa sarili. Mahalaga ang kabatiran ukol dito dahil
nagagawa ng mga ito na mahadlangan ang mga input para gisingin
ang Language Acquisition Device (LAD). Kung mahahadlangan ng affective
filter ang ilan sa mga comprehensible input, maaaring kaunting input lamang
ang makapapasok sa LAD ng mag-aaral. Ang isang kontekstong affective at
positibo ay nakapagpapataas ng input.

ANG PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA MAG-AARAL

(LEARNER-CENTERED TEACHING)

Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga


teknik na:

 Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sap ag-aaral;

 Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa:


pangkatang gawain o pagsasanay)

 Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang


pansarili;
 At kurikulum na may konsultasyon at isanasaalang-alang ang input ng
mag-aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.

Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan


na “maangkin” ng mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa
kanilang intrinsic na motibasyon.

ANG PAGKATUTO NA TULONG-TULONG

(COOPERATIVE LEARNING)

Ang isang klasrum na kooperatib-samakatuwid ay hindi pagalingan o


paligsahan kaugnay ng mga katangian ng pagkatutong nakapokus sa
mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay isang “koponan” na ang layunin ng bawat
manlalaro ay mapagtagumpayan ang anumang itinakdang gawain.

Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa


sama-samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo
ang mga itinakdang layunin.

ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB

(INTERACTIVE LEARNING)

Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa


pagbibigay at pagtanggap awtentikong mensahe (mensaheng taglay ang
impormasyong kawili-wili sa nagsasalita at tagapakinig). Ayon kay Wells, ang
palitang-salita ang siyang pangunahing yunit ng dikors. Ang interaksyong
panlinggwistika ay isang sama-samang gawain na nangangailangan ng
triyadikong pag-uugnayan ng nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver),
at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong pasalita o pasulat man.

Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:

 Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan

 Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto


ng tunay na paggamit nito.

 Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang


komunikasyon
 Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang
paghahanda para sa aktwal na paggamit ng wika sa “labas”

 Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens

ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION

Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at


ginagamit upang bigyang-diin a) ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na
pagbabahagi ng wika sa mga maliliit nitong element gaya ng ponema,
morpema, at sintaks; b) ang interaksyon at pag-uugnayin sa pagitan ng
pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbasa at
pasulat); at c) ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas at
umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita.

Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan


ang:

 Tulong-tulong na pagkatuto

 Pagkatutong partisipatori

 Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral

 Integrasyon ng “apat na kasanayan”

 Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika

CONTENT-CENTERED EDUCATION

Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered


education ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga
layunin ng pagtuturo ng wika.

ANG PAGKATUTONG TASK-BASED

Ayon kay Micheal Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas na


pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan, at mga
inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task.

ANG BRAIN-BASED LEARNING


Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang mga
teoryang neurofunctional at ang pagtatangka nitong ipaliwanag ang
koneksyon sa pagitan ng tungkulin ng wika at neuroanatomy-para matukoy
hangga’t maaari kung aling mga bahagi ng utak ang may tungkulin para
gumana ang wika sa pakikipagtalastasan.

Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil


sa brain-based learning (Caine at Caine, 1991) at naglaan ito ng paraan kung
paano ilalapat ang ilang kaalaman sa utak sa pagtuturo ng wika.

You might also like