You are on page 1of 3

7.

Ang pagkatutong interaktib (interactive learning)


8.Ang whole language education
9.Content-Centered Education
10. Ang Pagkatutong Task-Based
11. Ang Brain-based Learning
12. Mga simulain at implikasyon sa pagtuturong brain-based

ANG PAGKATUTONG
INTERAKTIB
(INTERACTIVE
LEARNING)
ANG PAGKATUTONG
INTERAKTIB
(INTERACTIVE
LEARNING)
ANG PAGKATUTONG
INTERAKTIB
(INTERACTIVE
LEARNING)
ANG PAGKATUTONG
INTERAKTIB
(INTERACTIVE
LEARNING)
ANG PAGKATUTONG
INTERAKTIB
(INTERACTIVE
LEARNING)
ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB (INTERACTIVE LEARNING)

Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa pagbibigay at pagtanggap awtentikong mensahe
(mensaheng taglay ang impormasyong kawili-wili sa nagsasalita at tagapakinig).

Ang interaksyong panlinggwistika ay isang sama-samang gawain na nangangailangan ng triyadikong pag-uugnayan ng


nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver), at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong pasalita o
pasulat man.

Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:


 Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan
 Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na paggamit nito.
 Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon
 Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal na paggamit ng wika sa
“labas” Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens

ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION


Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyang-diin
a) ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga maliliit nitong element gaya ng ponema,
morpema, at sintaks
b) ang interaksyon at pag-uugnayin sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat
(pagbasa at pasulat)
c) ang kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas at umuunlad, na katulad din ng alituntuning pasalita.

Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan ang:


Tulong-tulong na pagkatuto
Pagkatutong partisipatori
Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
Integrasyon ng “apat na kasanayan”
1. PAKIKINIG
2. PAGSASALITA
3. PAGBASA
4. PAGSULAT

Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.
Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan
ng mga salitang kanyang napakinggan. 

Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga
nakatitik na sagisag ng mga kaisipan

Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa
ating isipan.

Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika

CONTENT-CENTERED EDUCATION
Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered education ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng
mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika.
(nakapokus sa nilalaman kaysa sa wika) ang wika ay nagging tool lamang sa paghahatid ng mga nilalamang ito
Ang content centered education ay hindi nakatuon sa wika mismo ngunit nakatuon sa itinuturo gamit ang wika.

ANG PAGKATUTONG TASK-BASED


Ayon kay Micheal Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin,
nilalaman, paraan, at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task.
Hinahayaan ng mga guro na matuto ang mga estudyante sa pamamagitan ng mga isasagawa nilamg mga Gawadin.

YUGTO SA PAGKATUTONG TASK-BASED


1. Paunang Gawain
2. Paghahanda ng Gawain
3. Sa panohon ng Gawain
4. Post-Task

Dito sa task base ang mga magaaral ang siyang tumutukoy ng mga dapatg nilang matutunan
ANG BRAIN-BASED LEARNING
Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang mga teoryang neurofunctional at ang pagtatangka nitong
ipaliwanag ang koneksyon sa pagitan ng tungkulin ng wika at neuroanatomy-para matukoy hangga’t maaari kung
aling mga bahagi ng utak ang may tungkulin para gumana ang wika sa pakikipagtalastasan.

Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil sa brain-based learning (Caine at Caine, 1991) at naglaan
ito ng paraan kung paano ilalapat ang ilang kaalaman sa utak sa pagtuturo ng wika.

MGA SIMULAIN AT IMPLIKASYON SA PAGTUTURONG BRAINBASED

You might also like