PFPL K2-L3arsena

You might also like

You are on page 1of 10

WMSU-ISMP-GU-001.

00
Effective Date: 7-DEC-2016

PAGSULAT SA FILIPINO
SA PILING LARANG

Ikalawang Markahan: Linggo 3

Arseña, Jan Christian M.


Pangalan: _____________________________________________
12- STEM Dagalea
Seksiyon: _____________________

Page 1 of 10

CONTROLLED COPY
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro


Departamento Sekundarya

Ikalawang Markahan: Posisyong Papel

Aralin (3)

Panimula
Isa sa mga tinalakay sa mga naunang aralin ay ang apat na uri ng diskurso. Ang
pangangatuwiran ay isa sa mga uring ito na kung saan ito ay naglalayong mapatutunayang
ang mga inilalahad na pahayag ay totoo sa pamamagitan ng paglalahad ng mga nasaliksik na
datos o impormasyon.

Mahalagang malaman ang tamang paraan ng pagsulat ng posisyong papel at ang mga
kasanayang kakailanganin upang makapagsulat ng ganitong sulatin. Kaya, susubukin sa
araling ito ang iyong galing sa pagbuo ng isang posisyong papel.

Layunin
Sa loob ng mga gawaing inihanda sa modyul na ito, ang mga sumusunod ay inaasahang
matatamo ng mga mag-aaral:

Page 2 of 10

CONTROLLED COPY
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016
1. nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan;
2. nasusuri ang halimbawa ng posisyong papel sa tulong ng pamantayan sa pagmamarka.
3. naisasaalang-alang ang etika sa binubuong posisyong papel sa tulong ng pamantayan
sa pagmamarka.

Basahin at Pagyamanin!
Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong
pagsulat. Isa itong sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang
mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika, at iba pang mga larangan.
Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang mapanghimok sa
mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa
isyung pinaksa.
Sa mag-aaral, isang mabuting pagsasanay ang pagbuo ng posisyong papel sa
pagpapatibay ng paninindigan o pagbuo muna ng paninindigan. Isang proseso rin ang pagbuo
nito ng pagpapahusay sa paglalahad ng mga suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at
katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses o sumasangging mga ideya mula sa paninindigan
ng mga mag-aaral upang magdepensa.

Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng


kamulatan sa argumentong inihahain sa kanila. Ang mga posisyong papel ay karaniwang
isinusulat mula sa pinakasimpleng format tulad ng letter to the editor hanggang sa
pinakakomplikadong academic position paper. Maaaring isagawa ang pagsulat ng posisyong
papel ayon sa isyung ipinaglalaban ng isang indibidwal o organisasyon upang maiparating
ang kanilang mga opinyon at paniniwala o rekomendasyon ukol sa isyu.

Page 3 of 10

CONTROLLED COPY
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

Ang mga posisyong papel ay mainam sa mga kontekstong nangangailangan ng


detalyadong impormasyon upang lubos na maintindihan ang pananaw ng isa pang tao. lto ay
karaniwang ginagamit sa pampolitikong kampanya, mga organisasyon ng gobyerno, sa
mundo ng diplomasya, at mga hakbang na naglalayong baguhin ang mga pagpapahalaga ng
komunidad at organizational branding o imahen ng isang samahan o institusyon.

Tinalakay sa aklat na pinamagatang Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


(Akademik) nina Julian at Lontoc (2017) ang pahayag nina Jocson et al. (2005) na ang
pangangatuwiran o pakikipagtalo ay isang sining ng paglalahad ng mga patunay ukol sa isang
paksa. Ito rin ay maihahalintulad sa isang debate na naglalayong maipakita ang katotohanan
at maglahad ng mga patunay tungkol sa isang isyung napapanahon.

Inilahad din sa binanggit na aklat ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel.
Narito ang mga hakbang na susundin sa pagbuo ng isang posisyong papel.

1. Pumili ng paksang napapanahon at batay sa interes


 Ang pagpili ng isang paksa o isyung napapanahon ay makatutulong upang
mapukaw ang interes ng mga mambabasa. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes
upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon.
Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap ng pagsulat ay
hindi ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto mo ang iyong paksa.
Mas malawak din ang nagagawang pananaliksik ng mga datos, opinyon,
estadistika, at iba pang mga anyo ng mga katibayan kapag nasa iyong interes ang
paksa dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong ideya.

2. Gumawa ng panimulang pananaliksik tungkol sa napiling paksa


 Ang pagsasagawa ng panimulang pananaliksik ay tumutukoy sa pangangalap ng
sapat na impormasyon o datos ukol sa paksang isusulat. Ang paunang pananaliksik
ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit upang
suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa
Internet, ngunit tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site,
tulad ng mga educational site (.edu) ng mga institusyong akademiko at
pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov), upang mahanap ang mga
propesyonal na pag-aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo sa silid-
aklatan at gumamit ng mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong
paksa.

Page 4 of 10

CONTROLLED COPY
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016
3. Bumuo ng thesis statement
 Ang thesis statement ay ang pangunahing kaisipan o ang iyong paninindigan sa
isusulat na posisyong papel. Ang pahayag na ito ay makatutulong upang mabigyan
ng ideya ang mga mambabasa kung saan iikot ang sinulat na sulatin.

4. Subukin ang kalakasan ng iyong posisyon


 Mahalagang malaman ang mga pagsubok na kakaharapin sa pagsusulat ng
posisyong papel. Alamin kung may sapat na ebidensiya o pagpapatunay upang
mapatunayan ang tayo o posisyon. Kailangan ding tandaan na ang inilalahad na
mga patunay ay napapangkat sa dalawa; ang mga katunayan o facts at ang mga
opinyon. Ang mga pahayag na katunayan ay nakabatay sa mga narinig, nakita,
naamoy, nalasahan o naranasan ng mismong nagsusulat ng sulatin. Samantala, ang
ma ebidensyang tinatawag na opinyon ay ang mga pahayag na ayon sa pananaw ng
tao. Sa paggamit ng ganitong uri ng pagpapatunay, kailangang siguraduhin na ang
pinagmulan ng mga pahayag ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
lipunan gaya ng mga kilalang manunulat, iskolar, politico, propesor o siyentipiko.

5. Bumuo ng Balangkas

 Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel:

a. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang


impormasyon (background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit
ang iyong posisyon.
b. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
c. Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong
posisyon.
d. Pangatwiranang pinakamahusay at.nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng
mga inilahad na mga kontra-argumento.
e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa pagsulat ng
posisyong papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa
impormasyon. Maging matatag sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging
magalang. Iparating ang iyong mga punto at patunayan ang mga ito gamit ang mga
ebidensiya.

Basahin at suriin ang isang halimbawa ng posisyong papel na mababasa sa ibaba.

Page 5 of 10

CONTROLLED COPY
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinohiya ng PUP Hinggil sa Pagtatangal ng Filipino sa mga


Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG


PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO,
KABATAANG PILIPINO , AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013

Panininigan ng Kagawaran ng Filipinohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP),


Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng
Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Paagsulat, at PUP Ugnayan
ng Talino at Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang
alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memoranum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo 28
serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga
asignaturang binalangkas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa
nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa
Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan,
pagtatalo at ang masaklap pa’y aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad
at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive Communication sa
Ingles.

Sa pangunguna ng Kgawaran ng Filipinohiya ng Politeknikong Unibersia ng Pilipinas (PUP) na


ti naguriang “largest state university in the country” na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga
mag-aaraal na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga organisasyon ay
matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa kurikulum ng Pangkalahatang
Edukasyon sa kolehiyo.

Ang Politeknikong Unibersiad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinohiya nito ay


patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura, at pansining sa
pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdaraos ng mga kumperesiya at talakayan sa Wikang Filipino sa
iba’t ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinohiya bilang
Sentro ng Pagpapahusay n Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency
of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon
(Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang programang AB Filipinohiya na
inihahain nito.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasanPageng
6 ofmga
10 Pilipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap
nito bilang wikang pambansa at naging
CONTROLLED COPY
katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito
sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy nap ag-
aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Ahil kung anoa ng wika
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

Gawin Natin Ito!


Panuto: Suriin ang halimbawa ng tekstong argumentatibo sa link
https://sites.google.com/site/20162017stem22pangkatisastd/mga-akda/sumpa-o-
biyaya/pamimigay-ng-condom-isang-malaking-pagkakamali. Gamitin ang pamantayan na
mababasa sa ibaba at isulat ang iyong komento sa bawat kasanayan sa loob ng kahon.

Kasanayan Komento

Nilalaman Sa palagay ko ay may matibay at malamang mga impormasyon ang


tekstong argumentatib, iniwasto nito and mabuti at masamang parte ng
pagbibigay ng condom sa mga kabataan ng DOH.

Kalinawan Sa palagay ko ay malinaw naman ang pagkakasulat nito dahil paulit ulit
nitong tinalakay ang isang paksa na ang STD. Para sa buong teksto, sa
palagay ko ay malinaw ang pagkakasulat nito.

Kaayusan Maayos naman ang pagkakasunod sunod ng mga impormasyon, ngunit


doon sa bandang huli, ay para bang nawala ito sa landas sapagkat ang sabi
ko nga sa nakaraan, paulit ulit ang pag talakay sa isang paksa.

Kawastuhan Ito ay nawawasto lalo na sa panahong ito na andami ng mga kabataan ang
nasa ‘social media’ at natatanggap ang mga impormasyon na maaaring
sumira sa kanilang buhay. Sa itong teksto, iniwasto ng may-akda ang mga
tamang impormasyon ukol sa pagiiwas sa STD at Teenage Pregnancy,
kaya sa palagay ko ay ito ay nawawasto sa kasalukuyang panahon.

Panuto: Bumuo ng isang posisyong papel sa tulong ng pamantayan sa pagmamarka.

Ang Digmaan laban sa Droga

Inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanyang "digmaan laban sa droga" ng


kanyang administrasyon noong Hunyo 20, 2016. Nilalayon ng inisyatiba ng pamahalaan
na pigilan at bawasan ang pagkalat at paggamit ng ilegal na droga sa pamamagitan ng
makabuluhang pagtaas ng mga sentensiya sa bilangguan para sa mga nagbebenta at
gumagamit ng droga. . Nilinaw ng Pangulo
Page 7na ang mga taong sangkot sa droga o krimen
of 10
ay mas mababa sa tao at karapat-dapat sa kamatayan. Ang napipintong pagbabagong ito
ay nagbigay ng pag-asa sa Pilipinas CONTROLLED
sa liwanag ng pag-unlad nito, ngunit mas nagbigay ito
COPY
ng pangamba’t takot sa mga Pilipino.
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

Kasanayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan Puntos


ng Pag-aayos
(5) (4) (3)
(2)

Nilalaman Makabuluhan Nakapaglahad May Napakaraming


ang mga nang sapat na kakulangan sa kulang sa mga
kaisipan at kaisipan at mga kaisipan inilahad na
impormasyong impormasyon. at kaisipan at
inilahad. impormasyong
Page 8 of 10

CONTROLLED COPY
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016
inilahad. impormasyon.
Organisasyo Napakalinaw Malinaw nang May Kailangang ayusin
n nang pagkakalahad kaguluhan ang ang pagkakalahad
pagkakalahad ng paksa at pagkakalahad ng paksa at mga
ng paksa at naipaliwanag ng paksa at impormasyon
naipaliwanag nang maayos mga upang maging
nang maayos ang mga impormasyon. malinaw.
ang mga impormasyon.
impormasyon.
Mga Patunay Sapat ang mga Nakapaglahad Nakapaglahad Hindi nakapaglaha
o inilahad na ng 3-5 ng 1-2 ng mga patunay.
Ebidensyiya ebidensiya pagpapatunay pagpapatunay
upang upang upang
mapatunayang mapatunayang mapatunayang
tama ang mga totoo ang mga totoo ang mga
pahayag. pahayag. pahayag.
Kawastuhan Tama ang mga May 1-2 mali May 3-4 na Maraming mali sa
bantas at sa paggamit ng mali sa mga ginamit na
paggamit ng bantas, maliit paggamit ng bantas, maliit at
malaki at at malaking bantas, maliit malaking titik
maliit na titik titik gayundin at malaking gayundin sa
gayundin ang sa pagkakabuo titik gayundin pagkakabuo ng
pagkakabuo ng ng sa pagkakabuo pangungusap.
pangungusap pangungusap. ng
ay wasto. pangungusap.
Kabuoan

Bilang bahagi ng INAASAHANG PAGGANAP para sa asignaturang ito, ibahagi


ang inyong posisyong papel sa pamamagitan ng pagkuha ng video habang binibigkas ito,
pagkatapos, i-upload ito sa ating class team. Ikaw ay mamarkahan sa pamamagitan ng
rubriks sa ibaba.

Pamantayan 4 3 2 1
Malinaw na Taglay ang Bahagyang taglay Hindi makikita ang
malinaw na mensahe ng ang mensahe ng mensahe ng
makikita ang kanyang kanyang kanyang posisyong
Mensaheng mensahe ng posisyong papel posisyong papel papel
Page 9 of 10

CONTROLLED COPY
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016
Taglay kanyang
posisyong papel
Nabigkas ang Nabigkas ang Hindi gaanong Hindi makikitaan
bawat pahayag talumpati nang malinaw na ang kakayahang
nang malinaw na malinaw, nabigkas ang lingguwistika sa
Kakayahang malinaw, may bahagyang talumpati, hindi kanyang gawain.
Lingguwistika angkop naiangkop ang rin naiangkop ang
pangungusap, pangungusap, pangungusap,
gamit ng mga gamit ng mga gamit ng mga
salita, at tamang salita, at salita, at tamang
diin ng bawat tamang diin ng diin ng bawat
pahayag. bawat pahayag. pahayag.
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Walang
angkop ang ekspresyong ng angkop ang kaangkupan ang
ekspresyong ng mukha at ekspresyong ng ekspresyong ng
mukha at damdamin sa mukha at mukha at
damdamin sa kanyang damdamin sa damdamin sa
kanyang posisyong kanyang kanyang posisyong
Ekspresyon at posisyong papel. papel. posisyong papel. papel.
Damdamin

NOTE: ANG IBABALIK/ I-TURN IN AY ANG


PAHINA 6, 7 at 8 LAMANG.

Page 10 of 10

CONTROLLED COPY

You might also like