You are on page 1of 4

PANG- SIKOLOHIKAL Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at

hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo, o paraang artistiko
ng teksto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas sa teksto mismo tulad ng histori,
politika, at talambuhay.

- Teoryang Pampanitikan

1. Mga Teoryang Pampanitikan

2. ROMANTISISMO

-Karaniwan noong panahon ni balagtas na gumagamit ng maliligoy at mabubulaklak na salita.


Tumatalakay sa kabiguan at kapighatian sa pag-ibig. Higit na mahalaga ang pagpapalutang ng damdamin
kaysa paghamon sa pag-iisip ng bumabasa. Binibigyang diin ang pagpapahalaga ng imahinasyon at
kalayaan ng tao.

3. REALISMO

-Maiuugat sa paniniwalang ang akda ay salamin ng buhay; na ang likhang isip ay may aktwal na
batayan sa kasaysayan at lipunan. Sinusuri ang akda bilang bunga ng isang pagsasama-sama ng mga
puwersang historical o panlipunan.

4. MORALISMO

-ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal
na katotohanan kundi mga panghabambuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing
mga pagpapahalaga at kaasalan (values). Karaniwang pinahahalagahan ng akda ang mga aral o leksyon
na naidudulot sa mga mambabasa.

5. SOSYOLOHIKAL

-Binibigyang diin ang pagtatalakay sa kapiligirang panlipunan na nagpapalalim at nagpapatingkad sa


paksa. Ito ay ekstinsyon ng historical na pananaw. Nagbibigay diin din sa usapin tungkol sa kahalagahan
at pananagutang panlipunan (social relevance and commitment).

6. PORMALISMO
>Ito ay modernismo o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi
magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay di maunawaan,
puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo.

7. ISTRUKTURALISMO

i>Binibigyang-pansin dito ang istruktura ng wikang ginamit, ang denotasyon at konotasyon, antas ng
mga salita at kaangkupan nito, istruktura ng nilalaman at ugnayan ng mga bahagi ng isang akda

8.>*DEKONSTRUKSYON

Pagsusuri ng wika at ang teorya ng realidad o pilosopiya upang makabuo ng panibagong kaisipan
</li></ul><ul><li>Sinusuri ang mga itinatagong kahulugan ng mga salita (represyon- inilalantad)

9. IMAHISMO - Ginagamit ang wika upang epektibong maihatid ang wastong imahe na magbibgay-daan
sa wastong mensahe

10. FEMENISMO - Sumisiyasat sa pagkakaiba ng gawi ng babae at lalake sa kanilang pagbabasa at


pagsusulat ng panitikan. Ang mga akda na likha ng mga kababaihan ay maaaring isipin na bahagi ng
kulturang minoridad at nagsisiwalat ng pagkakaiba sa mga isinulat ng mga lalaking manunulat.

11ul><li>Ang mga pagkakaiba ito ay maaaring makaapekto sa mga mambabasa sa maraming bagay at ito
ay maaaring magbunga ng higit na malalim na pagkaunawa sa akda. Nararapat na seryosong pakinggan
ang ideya, tinig, salooban at anumang nasa isip ng mga kababaihan. Hindi dapat gawing batayan ang
pisikal na kakahayan ng mga babae kontra sa mga lalaki. </li></ul>

12.Eksistensyalismo <ul><li>Nagbibigay diin sa kalayaang pantao at kanyang panangutan. Hindi ito


naniniwala na ang tao ay bahagi ng isang daigidig na may sistema. Ang tao ay ganap na Malaya at nasa
sa kanya at paggamit ng kalayaang ito sa pamamaraang makabuluhan at may pananagutan. Sa kabuuan,
ang tao rin ang may gawa sa kanyang sarili.

XI. IMPLIKASYON

A.KALAGAYANG PANLIPUNAN O PAMBANSAAng akda ay patungkol hindi lamang sa isang


krimenbagamat ang paghahambing at paglalahad ng buhay atpaniniwala ng ng dalawang antas ng
buhay: mahirap atmayaman. Masasabi mang parehas Pilipino ang mga bida,nagiging malaki pa rin ang
partisipasyon at impluwensiya nglipunan sa paghulog ng ng kaisipan at damdamin ng isangindibidwal.
Dahil tumira at nakamulatan din ang kaisipangkanluranin ng ilang krakter sa akda, may ibang gawain na
ipinilitnilang gawin na hindi naman akma sa kulturang Pilipino. Gaya ngpakikiapid, sa ibang bansa ay
normal ito, ngunit sa Pilipinas ayhindi.Masasabi rin na ang batas sa Pilipinas ng walang ngipin.Walang
ngipin para sa mga taong walang boses. Kawawa anghindi naaninag ang kamunduhan ngunit mas
kahabaghabag angmga sumamong hindi naririnig. Ang lipunan ng mahihirap aymundo ng mga matiisin
at naaapi at sa mayayaman ay angmundo ng mga mapagkubli at ayaw marungisan ang
panagalanginiingatan. Samakatuwid ang akda ay umiikot sa isang mahirap ngpinagsamantalhan, mga
mayamang pinasok ng kaisipangkanluranin at isang krimeng hindi napagbayaran sa batas.

Ang akdang ito ay isang patunay na ang buhay ay maaringmagkaroon ng magandang katapusan ngunit
may malubak nasimulain.B.KALAGAYANG PANSALIRIMalaki ang naging implikasyon ng akda sa amin
bilang isangmambabasa nito. Pagtutuunan ko ng pansin ang kalinisang puring kababaihan at ang
kasagraduhan ng kasal maging angpagtaguyod sa sarili.Naging maganda ang pag-atake ng may-akda sa
kalinisan ngisang babae. Nagawa ng may-akda na ikumpara ang dalawangbabae rito. Si Ligaya at si
Margarita.Si Ligaya na walang bahidng karumihan ang puri at may paninindihan kung mag-
isipsamantalang si Margarita ay masasabing hindi napangalagaanang kapurihan hanggang sa makapag-
asawa. Si Ligaya na dapattularan ng mga Pilipina na buo ang isip at damdamin kungmagdesisyon at
siyang maypagpapahalaga sa buhay. Sa kabilangbanda, si Margarita na inaatupag lamang ang mga bagay
namakakapagpasaya sa kanya.Ang kasagraduhan din ng kasal ay napakahalaga ngunit sakabilang banda
ay dinala tayo ng may-akda sa isang sitwasyonkung saan ang kasal ay isang kasunduan lamang at ginawa
upangtugunanan ang tawag ng laman.

C. Kalagayang pangkaisipan

BISANG PANGKAISIPAN

Buhay

Pagkatao

Binigyang diin ko ang pagpapahalagang dapat na malinang ng bawat indibidwal. Pagbibigay importansya
at respeto sa bawat isa ay ilan sa katangian na dapat ukulang pansin. Nararapat lang na maipabatid sa
mga kababaihan, kalalakihan, bata at matanda na ang buhay ng tao ay hindi isang laro o biro at dapat
ring maikintal sa kaisipan ng lahat na mapangalagaan at maprotektahan ang bawat pagkatao sapagkat
ito ay isang biyaya, ito ay isang yaman na hindi dapat masira ninuman.

D. Kalagayang Pandamdamin

BISANG PANDAMDAMIN

Pag-ibig

Halo-halo at hindi maipaliwanag na emosyon ang nararamdaman kapag nadama itong pag-ibig. Sa pag-
ibig, parehong mararanasan ang kasiyahan at kasawian. Ang pag-ibig ay isang abstrak na bagay na
nagbibigkis sa bawat isa. Pag-ibig sa pamilya, sa kapwa, sa paligid, sa lipunan at pag-ibig sa iba pang
bagay. Ito ay hindi natatapos, hindi nawawala at hindi nananakaw sa pagkatao ng lahat.
XII. PANAPOS NA MENSAHE

Ang mga tao sa iba’t ibang paraan ay nakitaan ng katotohanan. Walang kinalaman ang bihis, ang pinag-
aralan , ang kinalalagyan. Magkakaiba sa anyong panlabas ngunit pare-parehong nagkikita sa lupa.

Lupang tumatanggi magpakalupa? Ang mundo ay mundo. Sinumang nagpapakabulag sa katotohanan ay


isinumpa upang iligaw at pagdusahin ng sariling pagkukunwari”.

You might also like