naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
• Taludtod – linya ng bawat saknong.
• Saknong – binubuo ng mga taludtod.
ELEMENTO NG TULA a. Sukat ay umutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. 1. Pipituhin Katitibay ka, tulos,
Sa darating na agos,
Ako ay munting lumot
Saiyo’y pupulupot. Tinaga ko sa gubat, sa bahay nag-iiyak 2. Wawaluhin
Pitong awit, bawat isa
Balahibo’y iniiba
At may kanya-kanyang gandang
Sa tingin ay may gayuma
Iyong itulot sa amin.
Diyos Amang maawain,
Mangyaring aming dalitin,
Hirap, sakit at hilahil
Ng Anak mong ginigiliw.
Karanasan sa Pag-aaral Sumulat ng tig-isang tula na may isang saknong na may pipituhin at wawaluhing pantig. 3. Lalabindalawahin
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
Lalabindalawahing may sensura
Aling pag-ibig pa / ang hihigit kaya
sa pagkadalisay / at pagkadakila
gaya ng pag-ibig / sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? / Wala na nga, wala.
Apat-apat-apat Ang pag-ibig / ay gerilyang / sakdal-pusok
Kapag bawal / may granadang / ititibok;
Malinlang man / sa pangakong / marurupok,
Bumabangong / mas magiting / makilahok.
KARANASAN SA PAG-AARAL
Sumulat ng tig-isang tula na may isang saknong na
may lalabindalawahing pantig, lalabindalawahing pantig na may sensura at apat-apat-apat na pantig. 4. Lalabing-animin
Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,
Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod
Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.
5. Lalabingwaluhin
Ibig kong makita ang pulis na hindi si Bantay-Salakay
at ang mga tiktik na di pasusuhol at di magnanakaw;
Ibig kong makita ang pamahayagang hindi nasisilaw
sa mga anunsyo at sa mga Apong makapangyarihan;
Ibig kong makita ang hukbo ng mga manunulat diyang
hindi makakasya sa mga papuri upang makalugdan;
Ibig kong Makita ang hukom na walang tanging kikilingan
kundi ang matuwid ang lahat-lahat sa kanya ay pantay;
Ibig kong Makita, isang salita, ang Pangasiwaang
kundi pangkumpare, hindi pampartido’t di pangkaibigan;
Ibig kong Makita ang baying dakilang pangarap ni Rizal
ang baying may budhi at di natatakot sa mga dayuhan!
KARANASAN SA PAG-AARAL Sumulat ng tig-isang tula na may isang saknong na may lalabing-anim a lalabingwaluhin na pantig. b. Tugma - tinatawag na ugma o rima ang pagsisintunugan ng mga huling pantig ng ng salita ng dalawa o higit pang taludtod. Samantala,
Tila kayo mga tinggang tinutunaw;
Tinutuyo, kinakaha’t tahimik na nag-iiwan
Ng masinsin at matiim na pilat ng kabiguan.
Mula sa “Pruweba,” Lamberto E. Antonio
Naipayo ni Rizal na upang maging madulas, kasiya-siya, at mainam sa pandinig ang tugmaan, kailangang hindi magkakatulad ang mga huling katinig at tuldik ng pantig. Naipahiwatig niyang maaring makasawa ang paulit-ulit na tugmaang panlabass kung pawang mabibilis, awang mararagsa, at malulumi at pawang malulumay. Maidadagdag na dapat iwasan anag isahang tugmaan sa dalawa o higit pang magkasunod na saknong. Sadyang nakakasawa kung lahat ng saknong ay may tugmaan na –an. KARANASAN SA PAG-AARAL Gumawa ng isang tula na may isang saknong kung saan kakikitaan ito ng tugmaan. c. Tema – sa loob ng isang paksang nalinang sa mga saknong ay matatagpuan at madudukal ang tema. Ito ang ubod o kaluluwa ng tula. Mababatid sa tema kung makabuluhan, malalim o mababaw ang akda. d. Tono o himig – tumutukoy ito sa kulay ng damdamin sa tula. f. Armonya o musika – ang mabuting pagkakaugnayan ng mga pantig (tunog), parirala, at mga taludtod, indayog, intensidad at ng nabubuong imahen o larawang-diwa. g. Diksyon – nangangahulugang “pagpili at paggamit ng tumpak at angkop na mga salita” para sa isang akda. KARANASAN SA PAG-AARAL
Pagtutukoy: Tukuyin ang mga pahayag sa ibaba. (Sagot na lamang.)
_________________1. pagpili at paggamit ng tumpak at angkop na mga salita. _________________2. tumutukoy ito sa pigura ng wika. _________________3. tumutukoy ito sa kulay ng damdamin sa tula. _________________4. Ito ang ubod o kaluluwa ng tula _________________5. ang mabuting pagkakaugnayan ng mga pantig (tunog), parirala, at mga taludtod, indayog, intensidad at ng nabubuong imahen o larawang- diwa. Si Amado V. Hernandez ay isang isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. KARANASAN SA PAG-AARAL 1. Ilang saknong mayroon ang tulang “Mahatma Gandhi”? 2. Ilang taludtod naman ang bumubuo sa bawat saknong? 3. Maituturing ba itong tulang may sukat at tugma? Bakit? 4. Ano ang pinaka tema ng tula? 5. Anong damdamin ng may-akda ang namayani sa tula? Patunayan.