You are on page 1of 14

4

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 8:
Pagbibigay ng Angkop na Pamagat
at Pagsasalaysay Muli ng Teksto

May-akda: Inee A. Martinez at Mercedita A. Bernardino


Tagaguhit: Ivy Danielle G. Pinca

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo ng dalawang aralin:
Aralin 1 – Pagbibigay ng Angkop na Pamagat
Aralin 2- Pagsasalaysay Muli ng Teskto
Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa
mo ang sumusunod:
A. nakikilala ang pamagat ng isang teksto;
B. nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa pinakinggang
teksto;
C. nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang
binasa;at
D. naisasalaysay na muli ang pinakinggang teksto gamit
ang sariling salita

Subukin
Magkaroon ka muna ng paunang pagtataya bago ka
magpatuloy sa aralin.
A. Isulat sa patlang ang letrang T kung TAMA ang isinasaad ng
pangungusap at M naman kung ito ay MALI.

_______1. Ang pamagat ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi


ng bawat sulatin sa panitikan.
_______2. Sa pamagat umiikot ang nilalaman ng isang talata o
teksto.
_______3. Walang kaugnayan ang pamagat sa nilalaman ng isang
teksto.
_______4. Maaring makapagbigay ng pamagat kahit hindi mo pa
alam ang pangunahing diwa ng isang teksto.
_______5. Kailangang nakapupukaw sa atensyon ng mababasa ang
isang pamagat.
_______6. Makinig habang gumagawa ng gawaing-bahay.
_______7. Ituon ang atensyon sa taong nagsasalita.
_______8. Makipag-usap sa mga kaibigan habang nakikinig.
_______9. Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita.
_______10. Bigyang pansin ang mahahalagang detalye sa
pinapakinggan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Aralin
Pagbibigay ng Angkop na Pamagat
1
Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagbibigay ng ankop na
pamagat sa napakinggan at nabasang teksto. Upang ito ay
malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang mga gawain.

Balikan

Basahin ang talata at ibigay ang pangunahing diwa nito.

Maraming paraan ang magagawa ng tao upang makatulong sa


pagpigil ng pandemya dulot ng bayrus na lumalaganap at kumikitil
ng mga buhay ng mga tao. Una, ang madalas na paghuhugas ng
kamay. Kinakailangan ding magsuot ng face mask at face shield.
Panatilihin din ang physical distancing sa lahat ng oras at ang
pinakamahalaga ay ang pananatili sa loob ng bahay. Sumunod tayo
sa mga tuntunin at batas ng gobyerno upang tayo at maging ligtas.

Tungkol saan ang binasang talata?

Tuklasin
A. Panimula:
Saang lugar matatagpuan ang nasa larawan? Sino si Kapitan Moy?
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________

Photo Courtesy: Ivy Coney Gamatero

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
B. Pakikinig

Handa ka na ba? Ipabasa mo nang malakas ang editoryal sa


iyong kapamilya at pagkatapos ay sagutin nang pasalita ang mga
tanong tungkol dito.
Ang Unang Sapatero
ni Inee A. Martinez

1 Isa sa mga kilalang lugar sa Lungsod nd Marikina ay ang


Sentrong Pangkultura ng Marikina o Kapitan Moy. Kapansin-pansin
ang lumang estruktura nito kaya namang pumupukaw ito sa
atensyon ng marami ngunit, sino nga ba si Kapitan Moy?

2 Si Kapitan Moy o Laureano Guevara ay isang


negosyante at ang unang sapatero sa Marikina.
Kinilala siyang Ama ng Industriya ng Sapatos dahil
dito. Nagsilbi rin siya bilang Kapitan Munisipal ng
lungsod.

3 Isinilang siya sa Marikina noong Hulyo 4, 1851. Ang kaniyang


mga magulang ay sina Jose Emiterio Guevera at Timotra Marquita
San Andres. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila ngunit
hindi nakapagtapos dahil mas pinili niyang tulungan ang kaniyang
ama sa kanilang mga negosyo sa sariling tindahang La Industrial sa
Escolta, Maynila.

4Ang industriya ng sapatos sa Marikina ay nagsimula noong 1877


na sinasabing isang aksidente lamang. Nasira kasi ang sapatos ni
Kapitan Moy ngunit wala pang kayang mag-ayos nito sa lungsod.
Ang paggawa ng bakya ang pinagkakitaan ng mga Marikenyo noon.
Ayaw rin naman niyang bumiyahe pa-Maynila upang ipaayos ito.
Dito na niya naisip na siya na mismo ang gagawa ng kaniyang
nasirang sapatos.

5 Binaklas niya ang nasirang sapatos at pinag-aralang mabuti


kung paano ito mabubuo muli. Dahil wala siyang kaalaman sa pag-
aayos ng sapatos, humingi siya ng tulong kay Tiburcio Eustaquio,
isang manggagawa ng bakya. Nanghiram din siya ng kagamitan sa
mga panday sa lungsod.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
6 Ang silong ng Sentrong Pangkultura ng Marikina na dating
tahanan nina Kapitan Moy, ang nagsilbing kauna-unahang
paggawaan ng sapatos sa lungsod. Bago mamatay si Kapitan Moy
ay mayroon ng 15 sapatusan sa Marikina. Ipinagpatayo rin siya ng
monumento ng Marikina Shoes Producers Assocation Inc., noong
1954 bilang pagkilala sa kaniyang pamana sa mga Marikenyo—ang
industriya ng sapatos.

C. Pag-unawa sa Pinakinggan

1. Tungkol saan ang pinakinggang teksto?


2. Bakit tinaguriang Ama ng Industriya ng Sapatos si Kapitan
Moy?
3. Paano nagsimula ang industriya ng sapatos sa lungsod?
4. Bilang isang Marikenyo, ano ang dapat mong gawin sa
pamanang iniwan ni Kapitan Moy?
5. Kung iyong papalitan ang pamagat ng teksto, ano ito?
Pangatwiranan.

Suriin
Ang pamagat ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng
bawat sulatin sa panitikan sapagkat dito umiikot ang nilalaman ng
isang teksto. Upang mabakabuo ng isang pamagat, dapat tandaan
ang mga ito:
1. Alamin muna ang paksang diwa o paksang pangungusap. Ang
mga ito ay nakapagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat.
2. Ang pamagat ay dapat may kaugnayan sa mismong teksto o
talata.
3. Gawin itong maikli at makatawag pansin.
4. Gumamit ng malaking letra sa mahahalagang salita sa pamagat
lalo na ang umpisang salita. Ang hindi mahalagang salita ay
isinusulat sa maliit na letra.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Magsanay ka muna sa pagbibigay ng angkop na pamagat.
Basahin ang nakatalang mga salita at parirala sa ibaba. Piliin ang
angkop na pamagat ng mga salita sa bawat bilang.

1. Waknatoy Puto sa Pulo


Everlasting Hamonado
A. Handa sa Piyesta
B. Pagkaing Marikenyo
C. Paskong Pinoy
D. Masasarap na Putahe

2. Bayani Fernando Osmundo de Guzman


Marcy Teodoro Juan Chanyungco
A. Mga Tagapagtaguyod ng Wika
B. Mga Sapatero ng Marikina
C. Mga Pangulo ng Pilipinas
D. Mga Punong Lungsod ng Marikina

3. Pagbabayad ng Buwis Paggalang sa Karapatan ng Iba


Pagsunod sa Batas Trapiko Pangangalaga sa Kapaligiran
A. Gawaing Pambayan
B. Kautusan ng Bansa
C. Tungkulin ng Isang Mamamayan
D. Karapatan ng Isang Mamamayan
Isaisip
Ang pagbibigay ng angkop na pamagat sa talatang binasa ay
mahalaga dahil ito ang unang napapansin ng mga mambabasa.
Gawing simple ang pamagat ngunit may pupukaw sa atensiyon ng
mambabasa. Maaari ring gamitin ang mga salita sa talata upang
magkaroon ng ideya ang babasa.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Isagawa
Balikan ang pinakinggang tekstong “Ang Unang Sapatero” sa
bahaging PAKIKINIG ng modyul na ito. Bigyan ng angkop na
pamagat ang bawat talata.
Unang Talata: ___________________________________________________
Ikalawang Talata: _______________________________________________
Ikatlong Talata: _________________________________________________
Ikaapat na Talata: ______________________________________________
Ikalimang Talata: _______________________________________________
Ikaanim na Talata: _____________________________________________

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin
ang iyong natutuhan. Basahin ang mga talata sa ibaba. Piliin ang
angkop na pamagat sa bawat bilang. Isulat ang letra sa iyong
sagutang papel.
1. Ang pag-eehersisyo ay mahalaga sapagkat nakatutulong ito
upang maging masigla ang ating katawan. Ang taong may masigla
at malusog na pangangatawan ay kadalasang may mataas na
pagtitiwala sa sarili na nagagamit niya sa pakikisalamuha sa mga
tao sa paligid. Kaya sanayin natin ang ating mga sarili sa pag-
eehersisyo.
A. Mahalaga ang Pag-eehersisyo
B. Tiwala sa Sarili
C. Paraan ng Pag-eehersisyo
D. Malusog na Katawan
2. Ang mga halaman ay nakapagdaragdag ng ganda sa ating
kapaligiran. Nagiging makulay ang ating bakuran kung tayo ay may
tanim na mga halaman. Maaliwalas ang tingin natin sa ating paligid
kung natatamnan ng iba’t ibang mga halaman. Nakatutulong din
ang halaman sa ating kabuhayan.
A. Iba’t ibang Halaman
B. Ang Nagagawa ng Halaman sa Kapaligiran
C. Makukulay na Halaman
D. Paano Magpatubo ng Halaman?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
3. Ang kalusugan ng tao ay hindi makikita sa kanyang pisikal na
kaanyuan. Malusog ang tao kung siya ay nagtataglay ng malusog na
katawan at kaisipan. Dapat ay wala siyang kahit na anong sakit,
laging masaya at masigla. Maayos ang nagiging pamumuhay ng
isang taong may mabuting kalusugan.
A. Ang Maayos na Pamumuhay
B. Ang Malusog na Katawan
C. Ang Pisikal na Kaanyuan
D. Ang Taong Malusog

4. Napakahalaga ng Bitamina A sa ating katawan. Ito ang


tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan
sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin.
Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka)
itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
A. Ang mga Masusustansyang Pagkain
B. Bitamina A: Pampalinaw ng Mata
C. Malabong Mata
D. Mga Pagkaing Pampalinaw ng Mata

5.Maraming paraan upang maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.


Una dito ay ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagsunod sa
physical distancing sa mga matataong lugar, pagsusuot ng face
shield at face mask at maging ang paggamit ng alcohol. Maari ring
magpalakas ng resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng prutas
at gulay upang hindi madaling kapitan ng nakamamatay na sakit.
A. Bakuna Kontra COVID-19
B. Dobleng Pag-iingat
C. Paano Maiiwasan ang COVID-19?
D. Ang COVID-19

Karagdagang Gawain

Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Makinig ng isang


balita o kuwento. Bigyan ito ng wastong pamagat. Isulat sa isang
hiwalay na papel.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Aralin Pagsasalaysay Muli ng Teksto
2
Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagsasalaysay muli sa
napakinggang teksto. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin
nang matapat ang mga gawain.

Balikan
Ibigay ang mga dapat tandaan upang mabigyan ng wastong
pamagat ang isang talatang nabasa o napakinggan.
1. ______________________________________________________________
2._______________________________________________________________
3._______________________________________________________________

Tuklasin
A. Panimula
Naranasan mo na bang mahirapan sa paggawa ng isang
proyekto? Kanino ka humingi ng tulong upang matapos ito? Ano
ang iyong naramdaman ng matapos mo ang iyong proyekto
B. Pagbabasa
Handa ka na ba? Basahin ang usapan ng magkaibigang Lucas
at Ariel at pagkatapos ay sagutin nang pasalita ang mga tanong
tungkol dito.
Ang Proyekto sa Filipino
ni Inee A. Martinez

Hindi naintindihan ni Lucas ang kanilang


proyektong gagawin sa Filipino kaya naman
nagtanong siya sa kaniyang kaibigan na si
Ariel.

Lucas: Ariel, hindi ko naintindihan ang proyektong ating gagawin sa


Filipino. Maaari mo ba itong linawin?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Ariel: Oo naman, Lucas. Kailangan muna nating makinig ng isang
kuwento at pagkatapos ay atin itong isasalaysay gamit ang
ating sariling salita.
Lucas: Hala! Napakahirap naman nun, Ariel! Hindi ko yata kayang
gawin. Baka bumagsak ako.
Ariel: Naku, Lucas, huwag kang mag-aalala at tutulungan kita.
Una mong gawin, makinig kang mabuti sa nagkukuwento.
Mahalaga rin na itala mo ang mga mahahalagang detalye
tulad ng tauhan, tagpuan, suliranin at iba pa. Ibalangkas mo
ang mga detalyeng ito para wala kang makalimutan. Mula sa
balangkas, isulat mo ito sa anyong patalata gamit ang iyong
sariling salita. Ayan, maari mo na ulit itong isalaysay.
Lucas: Ariel, maraming salamat ha.
Ariel: Walang anoman. Ang mga magkakaibigan dapat ay
nagtutulungan.

C. Pag-unawa sa Binasa
1. Sino ang nag-uusap sa binasa?
2. Ano ang problema ni Lucas?
3. Tungkol saan ang kanilang proyekto sa Filipino?
4. Kung ikaw si Ariel, tutulungan mo rin ba si Lucas? Bakit?
5. Ano-ano ang mga hakbang ibinigay ni Ariel upang maging
matagumpay ang muling pagsasalaysay?

Suriin
Upang maging maayos at matagumpay ang muling
pagsasalaysay ng isang tekstong napakinggan, dapat mong tandaan
ang sumusunod:

1. Pakinggan ang orihinal na teksto at unawain ito. Sa pakikinig,


talasan ang pandinig at ituon ang buong atensyon sa nagkukuwento
o nagsasalita.
2. Itala ang mahahalagang detalye tulad ng tauhan, tagpuan,
suliranin at iba pa.
3. Ang pagsagot sa mga tanong pagkatapos mapakinggang teksto
ay nagsisilbing gabay upang makuha ang kabuuang detalye nito.
4. Ibalangkas ang mga nakuhang detalye at mga sagot sa tanong
ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa tekstong
napakinggan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
5. Isulat nang pasalaysay ang nabuong balangkas gamit ang
sariling pananalita.
6. Isalaysay muli ang teksto.

Ngayon naman ay paunlarin mo ang iyong natutuhan sa


pagsasalaysay muli ng pinakinggang teksto gamit ang sariling
pananalita. Makinig ng isang kuwento sa youtube o magpabasa ng
isang kuwento sa iyong kapamilya na nais mong isalaysay muli sa
sariling pananalita. Isulat ito sa sagutang papel. Gamitin ang
pamantayan sa ibaba.
Pamantayan 5 4 3 2 1
Kompleto ang detalye ng kuwentong pinakinggan.
Wasto ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari ayon
sa kuwento.
Wasto ang gamit ng wika at ng salita
Wasto ang baybay, bantas at estruktura ng mga
pangungusap
5- Pinakamahusay 4- Mahusay 3-Katanggap-tanggap
2- Mapaghuhusay pa 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

Isaisip
Sa pagsasalaysay na muli ng pinakinggang teksto gamit ang
sariling pananalita,mahalaga ang pagtatala ng mahahalagang
detalye at pagsagot sa mga tanong tungkol sa tekstong iyong
napakinggan. Magsisilbing gabay ito upang makuha ang kabuoan
ng nilalaman nito at maisalaysay muli gamit ang sariling pananalita

Bumuo ng
Itala ang
Makinig nang balangkas ayon
mahahalagang Isalaysay muli
mabuti sa sa
detalye at ito gamit ang
nagkukuwento pagkakasunod-
sagutin ang sariling salita
o nagsasalita sunod ng
mga tanong
pagyayari

Isagawa

Makinig ng isang balita na nais mong isalaysay muli sa sariling


pananalita. Isulat ito sa sagutang papel. Gamitin ang pamantayan
sa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
11 DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
ARALIN 1 SUBUKIN
1. T 6. M
2. T 7. T
3. M 8. M
4. M 9. T
5. T 10. T
BALIKAN
Tungkol sa paraan ng pagpilgil ng pagkalat ng bayrus. (Tanggapin ang iba pang sagot.)
PAG-UNAWA SA BINASA
1. Sa buhay ni Kapitan Moy.
2. Dahil siya ang unang sapatero sa Marikina at ipinalaganap niya ang industriya ng sapatos.
3. Nang masira ang sapatos ni Kapitan Moy ay binaklas niya ito at piang-aralan kung paano ito mabubuong
muli.
4. Maaring mag-iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
5. Maaring mag-iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
PAGYAMANIN
1. B 2. D 3. C
ISAGAWA
Maaring mag-iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
TAYAHIN
1. A 2. B 3. D 4. B 5. C
KARAGDAGANG GAWAIN
Maaring mag-iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
Susi ng Pagwawasto
pamantayan sa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.
gamit ang sariling pananalita. Isulat ito sa isang papel. Gamitin ang
Manood ng isang palabas sa telebisyon. Muli itong isalaysay
Karagdagang Gawain
modyul na ito.
papel. Gamitin ang pamantayan sa bahaging PAGYAMANIN ng
isalaysay gamit ang sariling pananalita. Isulat ito sa sagutang
napakinggan na nasa ARALIN 1 ng modyul na ito. Muli itong
Balikan ang tekstong “Ang Unang Sapatero” na iyong
Tayahin
12 DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
https://philippineculturaleducation.com.ph/guevara-laureano/
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
Guevara, Laureano. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1).
Sanggunian
ARALIN 2
BALIKAN
Maaring mag-iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
PAG-UNAWA SA BINASA
1. Si Lucas at Ariel . Sino ang nag-uusap sa binasa?
2. Hindi niya naintidihan ang kanilang gagawin sa proyekto sa Filipino.
3. Ito ay tungkol sa muling pagsasalaysay ng kuwento.
4. Maaring mag-iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
5. Una, makinig nang mabuti sa nagkukuwento. Itala ang mga mahahalagang detalye tulad
ng tauhan, tagpuan, suliranin at iba pa. Ibalangkas ang mga detalyeng ito para walang
makalimutan. Mula sa balangkas, isulat ito sa anyong patalata gamit ang iyong sariling
salita. Muli na ulit itong isalaysay.
PAGYAMANIN
Maaring mag-iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
ISAGAWA
Maaring mag-iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
TAYAHIN
Maaring mag-iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
KARAGDAGANG GAWAIN
Maaring mag-iba-iba ang sagot ng mag-aaral.
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mercedita A. Bernardino (Guro, SRES)


Inee A. Martinez (Guro, SRES)
Editor: Joseph M. Reyes (Guro, SMES)
Tagasuri- Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagaguhit: Ivy Danielle G. Pinca (Guro, MES)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like