You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO
San Fernando West District
SAN FERNANDO ELEMENTARY SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 4


SCHOOL YEAR 2022 - 2023
Pangalan: _________________________________________________________Petsa: ______________

Baitang at Pangkat: _______________________________________________ Marka:_____________

PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nakatanggap si Carmi ng friend request mula sa hindi kilalang tao. Iniisip niyang ito ay tanggapin dahil
mukha naman itong mabait at nagnanais lamang na makipagkaibigan. Ano ang dapat niyang gawin upang
makatiyak na ito ay mabuting tao at walang masamang intensyon sa kanya?
a. I accept agad-agad ang nag friend request
b. Huwag pansinin ang nag friend request
c. Kilalanin muna kung sino ang nag friend request
d. Ipahuli sa pulis ang nag friend request

2. Nabasa ni Myrna sa post ng kamag-aral sa facebook na walang pasok ngayong araw. Ang sa mga
sumusunod ay nagpapakita ng dapat niyang gawin upang makatiyak na ito ay may katotohanan, maliban sa
_____.
a. Manood ng balita sa TV upang makatiyak kung totoo ang post sa facebook.
b. Paniwalaan agad ang post sa facebook ng kamag-aral.
c. Tanungin ang iba pang kamag-aral kung totoo ang post sa facebook.
d. Tumawag sa kinauukulan o sa paaralan kung totoo ang post sa facebook.

3. Tunay na napakahalaga ng internet o teknolohiya sa mga mag-aaral dahil


a. Napapadali nito ang trabaho tulad ng pagsasaliksik o pagre-research sa paggawa ng proyekto.
b. Napapadali nito ang paglalaro ng online games
c. Nakakawili itong gamitin hanggang madaling araw
d. Napapadali ang panonood ng mga malalaswang palabas online.

4. Maraming mabubuting naidudulot ang paggamit ng internet o teknolohiya sa ating mga Pilipino sa
kasalukuyang panahon. Alin ang HINDI?
a. Napapadali ang paggawa ng pagsasaliksik o pagre-research ng aralin.
b. Nakapapasok sa mga sites na may malalaswang panoorin.
c. Nakababasa ng mga e-mail na may katuturan sa buhay.
d. Nabibigyan ng impormasyon ang mga mag-aaral tungkol sa paggawa ng mga proyekto.

B. Mendoza Street, Barangay Sto. Rosario, City of San Fernando, Pampanga


SFES
Home of The ●Email Address: 107195@deped.gov.ph ● Mobile No: 0945-550-5831
Champions
5. Ang sumusunod ay mga gawaing HINDI nakabubuti sa paggamit ng internet MALIBAN sa
a. Nakapagre-research ng mga takdang aralin.
b. Nakakapag-upload ng mga nakaaadik na on-line games.
c. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa Skype.
d. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.

6. Napili ka ng iyong guro na maging tagapagdaloy ng palatuntunan sa inyong paaralan. Ano ang iyong
gagawin upang magawa mo ng maayos ang iniatang sa iyong gawain?
a. Kakausapin ko ang aking kamag-aral na palitan ako.
b. Sasabihin sa guro na ayaw kong maging tagapagdaloy ng palatuntunan.
c. Lalakasan ang aking loob at tatanggapin ko nang buong puso ang ibinigay na gawain.
d. Magdadahilan na masakit ang aking lalamunan.

7. Si Paolo ay isang transferee mula sa San Pedro Elementary School. Isa-isang tinawag ng guro ang mga
bagong mag-aaral para magpakilala. Ano ang nararapat niyang gawin?
a. Magkunwaring hindi narinig ang guro.
b. Tatayo sa harap at ipakikilala ang sarili.
c. Sasabihin sa guro na nahihiya siya.
d. Iiyak sa harap ng mga kamag-aral.

8. Oras ng rises, mahaba ang pila sa pagbili ng pagkain sa kantina. Nasa bandang hulihan ng pila si Jane. Kung
ikaw si Jane, ano ang gagawin mo?
a. Hindi na pipila at titiisin na lamang ang gutom.
b. Magtitiis na pumila hanggang sa makaabot sa unahan.
c. Sisingit sa bandang gitna ng pila para mabilis.
d. Pupunta sa unahan ng pila at makikiusap na paunahin ako.

9. Pinilit tapusin ni Heart ang pagsagot sa takdang-aralin kahit na ito ay may kahabaan. Siya
ay nagpakita ng pag-uugaling ____________________.
a. pagkamatulungin c. pagkamatiyaga
b. pagkamahinahon d. matatag ang loob

10. Hinintay nina Sarah at Erwin si Enzo sa Plasa Roxas kahit na lampas na sa takdang- oras ng kanilang
usapan. Ang dalawang bata ay nagpakita ng pag-uugaling _____________.
a. pagkamatiyaga c. katatagan ng loob
b. pagkamasipag d. mapagkakatiwalaan

B. Mendoza Street, Barangay Sto. Rosario, City of San Fernando, Pampanga


SFES
Home of The ●Email Address: 107195@deped.gov.ph ● Mobile No: 0945-550-5831
11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging matiyaga?
a. Kumakain si Mark ng masustansiya at masarap na almusal araw-araw.
b. Tinulungan ni Alma ang matandang nadapa sa kalsada.
c. Nag-aral ng mabuti si Baron kahit mahirap lang ang kanyang pamilya para makapagtapos ng pag-aaral,
ngayon siya ay isa ng ganap na abogado.
d. Nagsisimba si Matthew tuwing araw ng Linggo.

12. Napanood mo sa TV ang bagong produktong iniindorso ng paborito mong artista at ayon sa kanya ay
napakasarap ng produktong ito. Ano ang gagawin mo?
a. Bibilhin agad dahil sikat at paborito mong artista ang nag-indorso.
b. Bibili ako dahil gusto ko itong matikman agad.
c. Titingnan ko muna at babasahin ang nakasulat sa nutrition facts.
d. Bibili ako ng produkto upang ipagmalaki sa aking mga kaibigan.

13. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang taong mapanuri. Alin ang HINDI?
a. Naiisa-isa ko ang mga tauhan na may magandang pagganap sa teleserye ng aking paboritong programa.
b. Naipapaliwanag ko nang maayos sa harap ng aking kamag-aral ang nangyari sa programang aking
pinanood.
c. Natutuwa ako kapag may magandang balita ang programa sa TV at radio.
d. Pinapanood ko ang mga palabas na may temang seksuwal, droga at karahasan sa TV.

14. Upang malaman natin kung angkop sa manonood ang mga ipalalabas sa telebisyon at sinehan, ang MTRCB
ay isang ahensiya ng pamahalaan na _____.
a. Responsable sa regulasyon ng telebisyon at pelikula, pati na rin ang sari-saring de-bidyong midya na
makikita at ikinakalakal sa bansa.
b. Responsable sa pagpapalabas ng mga programang may karahasan at kalaswaan ng hindi nasuri.
c. Tumutulong para maipalabas ang mga pelikula na galling sa ibang bansa para kumita.
d. Tumutulong para mapanatiling bukas sa lahat ng klase ng mga palabas para mapanood ng mga tao.

15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita nang bukas na pag-iisip?


a. Nakapanonood ng palabas sa TV tungkol sa mga multo at napanaginipan kinagabihan.
b. Nakapanonood ng palabas sa TV na may karahasan, tulad ng krimen at droga.
c. Nakapanonood ng mga malalaswang panoorin o palabas sa TV.
d. Nakapanonood ng mga palabas sa TV na may aral sa buhay.

16. Napanood ni Aaron sa TV na may parating na malakas na bagyo at sinuspinde na ang mga klase sa kalapit
na lugar. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Makinig sa radio o manood sa TV para sa mahalagang pahayag.
b. Tawagan ang mga kamag-aral at sabihing wala na rin silang pasok.

B. Mendoza Street, Barangay Sto. Rosario, City of San Fernando, Pampanga


SFES
Home of The ●Email Address: 107195@deped.gov.ph ● Mobile No: 0945-550-5831
c. Muling matulog dahil wala na rin sigurong klaseng kanilang paaralan.
d. Magdasal na lalong lumakas ang ulan.
(17-22) Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagkakaroon ng bukas na isipan? Lagyan
ng tsdek (√) ang bilang ng mga sitwasyon na nagpapakita na may bukas kang pag-iisip at ekis (X) kung hindi.
_____ 17. Nakapanood ako ng mga palabas na walang karahasan.
_____ 18. Lagi kong pinapanood ang mga palabas sa TV na may kapupulutang aral.
_____ 19. Madalas kong pinapanood ang mga palabas sa TV na rated SPG nang mag-isa.
_____ 20. Masaya ako kapag may magandang balita sa TV, sa radio, o pahayagan.
_____ 21. Inililipat ko nang estasyon ang TV kapag may ipinalalabas na malaswang panoorin.
_____ 22. Pinaniniwalaan ko lahat ng mga balita sa radio, TV at pahayagan na nababasa ko.
23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng may bukas kang pag-iisip?
a. Nakakapanood ako ng mga programa sa TV na may temang karahasan.
b. Inililipat ko ng estasyon kapag may ipinalalabas na hindi pambatang panoorin.
c. Pinapanood ko ang mga balita sa TV na may kasamang nakatatanda sa akin.
d. Naiisa-isa ko ang mga taong mahusay gumanap sa teleserye.
24. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagiging mapanuri?
a. Paboritong panoorin ni James ang programang nagpapakita ng kalaswaan.
b. Paboritong panoorin ni Joy ang mga programang may aral tulad ng “Maalala Mo Kaya.”
c. Ang mga programang horror na pinapanood ni Don ay lagi nyang napapanaginipan.
d. Madalas pinapanood ni Yuan ang mga programang may tema ng droga at karahasan.
25. Nanonood ng balita ang iyong kuya sa telebisyon tungkol sa lindol sa ibang bansa. Nagkataon na may report
kayo sa klase tungkol sa balitang napakinggan o napanood. Ano ang dapat mong gawin?
a. Makikinood upang may maitalakay sa klase. c. Hindi ko papansinin ang balita.
b. Manonood pero ayokong italakay sa klase. d. Matutulog na lang ako.
26. Ang sumusunod na pangungusap ay mga katangian ng isang taong mapanuri. Alin ang HINDI?
a. Pinipili ko ang mga programa sa TV na angkop sa aking edad.
b. Nauunawaan ko nang maayos ang aral na nais iparating nang pinapanood kong programa.
c. Natutuwa ako kapag may angkop na pagsusuring ginagawa ang MTRCB sa mga ipinapalabas sa TV.
d. Pinapanood ko palagi ang mga palabas na may temang seksuwal at droga.
27. Ang pagiging mapanuri sa narinig o nabasang balita ay nagpapakita ng masusing pag-iisip. Alin sa
sumusunod na mga pangungusap ang HINDI tumutugon sa mapanuring pag-iisip?
a. Naikukumpara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan.
b. Pinaniniwalaan ko lahat ng aking napanood sa TV, narinig sa radio at nabasa sa pahayagan.
c. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radio.
d. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.
28. Hindi lahat ng balitang narinig o nabasa ay totoo. Ang sinumang taong magbalita, maglathala, mag-eksibit
o maging sanhi ng anumang paninira sa kapuwa ay ____________________.
a. magiging sikat sa balitang kanyang ginawa o nilathala.

B. Mendoza Street, Barangay Sto. Rosario, City of San Fernando, Pampanga


SFES
Home of The ●Email Address: 107195@deped.gov.ph ● Mobile No: 0945-550-5831
b. magkakaroon ng maraming kaibigan.
c.magiging responsible sa batas at may kahaharaping kaparusahan.
d. maraming mapapasaya.
29. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mapagpasensiya?
a. Laging nagmamadali sa ano mang gawain.
b. Mahilig magreklamo kung inuutusan ng nanay na tumulong sa gawaing-bahay.
c. Sumisingit sa pila sa pagbili ng pagkain sa kantina.
d. Patuloy na nakikinig sa guro kahit na maingay ang mga kaklase.
30. Siningitan ka sa pila ng iyong kaklase sa kantina, ano ang gagawin mo upang maipakita ang pag-uugaling
mapagpasensiya?
a. Sisingit din ako katulad ng ginawa niya.
b. Lalapitan ko siya at sisipain palabas ng pila.
c. Sasabihin ko sa kanya na bawal sumingit at dapat pumila siya nang maayos.
d. Susuntukin ko siya at itutulak palabas ng pila.
31. Kung naitulak ka habang bumibili ng pagkain sa kantina ng paaralan, pagsasalitaan mo
ba nang masakit at gagantihan mo ba ang tumulak sa iyo?
a. Opo, dahil nasaktan ako sa pagtulak niya.
b. Opo, dahil ito ang nararapat na gawin sa kanya.
c. Hindi po, dahil maling gumanti sa kapwa at sasabihin ko na lang sa kanya na huwag manunulak.
d. Pag-iisipan ko pa po ang gagawin.
32. Kasalukuyan nagtuturo ang inyong guro, nang biglang nakipagkuwentuhan ang katabi mo sa iyo. Magagalit
ka ba sa kanya?
a. Hindi po, dahil kakwentuhan ko siya.
b. Hindi po, kasi wala akong pakialam kahit makipagkuwentuhan siya.
c. Hindi po, ngunit pagsasabihan ko siya na huwag maingay at makinig na lang sa guro.
d. wala sa nabanggit
33. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng pagiging mapagtimpi?
a. Sunod-sunod ang utos ni Kuya kahit madami akong ginagawa ay nasunod ko ang utos niya.
b. Matapos kong iligpit ang nakakalat na laruan ng nakababata kong kapatid, muli niya itong ikinalat, wala
akong nagawa kundi iligpit na lang uli.
c. Kahit ginugulo ako ng aking nakababatang kapatid habang gumagawa ng takdang-aralin ay hindi ko siya
pinapansin kaya madali ko itong natapos.
d. Habang ginagawa ko ang aking takdang-aralin sa Arts, biglang kinuha ng bunso kong kapatid ang aking
pangkulay at pinaglaruan ito, nainis ako at siya ay aking sinabunutan.
34. Tuwang-tuwa ka dahil pinasalubungan ka ng Tatay ng isang kahong holen. Itinago mo ito bago pumasok sa
paaralan. Pagdating mo sa bahay, Nakakalat ang mga ito at ang iba ay itinapon ng iyong bunsong kapatid. Ano
ang gagawin mo upang maipakita ang pag-uugaling mapagpasensiya?
a. Sisigawan at sasabunutan ko ang aking kapatid.
b. Aawayin ko ang aking kapatid.

B. Mendoza Street, Barangay Sto. Rosario, City of San Fernando, Pampanga


SFES
Home of The ●Email Address: 107195@deped.gov.ph ● Mobile No: 0945-550-5831
c. Sasabihin ko kay Tatay na paluin ang aking kapatid.
d. Magtitimpi na lang ako at iaayos ang natitirang holen.
35. Papunta ka sa may water dispenser upang uminom nang biglang itinulak ka ng isa mong kaklase dahil gusto
niyang mauna sa iyo. Ano ang gagawin mo upang maipakita ang iyong pag-uugaling mapagtimpi?
a. Itutulak ko rin siya dahil nauna ako sa kanya.
b. Mananahimik at iiyak na lang ako.
c. Sasabihin ko sa kanya na masama ang manulak at dapat matuto siyang pumila.
d. Wala sa nabanggit
36. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapagtimpi?
a. Hindi nagagalit kahit may ginawang mali ang kamag-aral o kaibigan.
b. Isinasakatuparan ang iniatang na gawain kahit hindi madali.
c. Ipinakikita ang kakayahan kahit kinakabahan.
d. Malakas ang loob na humarap sa maraming tao.
37. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mahinahon?
a. Maayos kang nakapila nang biglang may sumingit at bigla kang sumimangot.
b. May sunog na malapit sa inyong bahay kaya ikaw ay nag panic.
c. Maingay ang katabi mo ngunit hindi ka nagalit.
d. Inaway ka ng iyong kaklase at pinatulan mo siya.
38. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mahinahon sa kilos at damdamin?
a. Nakikipag-away sa mga ayaw kumampi kapag may ipinaglalaban.
b. Nakikiayon sa sinasabi ng kapuwa para maiwasan ang gulo.
c. Nakikipag-usap ng maayos sa kapuwa upang magkaunawaan.
d. Kumakampi sa mas maraming umaayon upang hindi mapag-isa.
39. Magiging mahinahon ka ba kung may sunog malapit sa inyong bahay?
a. Hindi po, kasi baka abutin kami ng sunog.
b. Hindi po, magsisisigaw ako sa takot.
c. Opo, kasi kapag di ako huminahon baka mag panic ang iba pang tao.
d. Wala akong pakialam kasi di naman kami ang nasusunugan.
40. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagiging mapagpasensiya. Alin ang HINDI?
a. Hindi gumanti kahit na naitulak ng mga naglalarong kaklase.
b. Laging nagrereklamo kapag inuutusan ni Nanay na tumulong sa gawaing-bahay.
c. Laging pumipila sa kantina sa pagbili ng pagkain kahit mahaba ang pila.
d. Nakikinig pa rin sa guro kahit na maingay at magulo ang katabi.

B. Mendoza Street, Barangay Sto. Rosario, City of San Fernando, Pampanga


SFES
Home of The ●Email Address: 107195@deped.gov.ph ● Mobile No: 0945-550-5831

You might also like