You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Learning Area Filipino


Learning Delivery Modality Face to Face Learning Modality
Paaralan Gov. Feliciano Leviste Memorial National Baitang 10
TALA SA High School
PAGTUTURO Guro Jemiah Andrea M. Camson Asignatura Filipino
Petsa Pebrero 29, 2023 (Huwebes) Markahan IKATLO
Oras 6:10-7:00 G10-Kabalyero Bilang ng Araw 1
7:50-8:40 G10-SSC
9:50-10:40 G10-Apitong
10:40-11:30 G10-Cipres
12:50-1:40 G10-Lanite
TUKLASIN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng
alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan.
C. Pinakamahalagang Kasanayan
sa Pagkatuto (MELC) (Kung Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at
mayroon, isulat ang matatalinghagang pahayag sa tula.
pinakamahalagang kasanayan sa F10PB-IIIc-82
pagkatuto o MELC.)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Aralin 3.5

A. Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento mula sa East Africa


ni Barbara Kimenye
B. Gramatika at Retorika:
Mga Salitang Naglalahad ng Opinyon
C. Uri ng Teksto: Naglalarawan

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng


Filipino 10: Panitikang Pandaigdig, pp.110-120
Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag- Filipino 10: Panitikang Pandaigdig, pp.289-299
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Filipino 10: Panitikang Pandaigdig, pp. 289-290
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal Learning
Resource
e. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo
bidyu klips, slide deck, powerpoint presentation,
para sa mga Gawain sa
laptop, telebisyon
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-Aral/Paglalahad ng Constructivism Approach
School ID: 301102
Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Bagong Aralin Pagganyak


Telepathy Game
Pagpapakita ng mga salita na may simbolismo gamit ang
Telepathy Gam.

B. Paghahabi sa Layunin ng Inquiry based Approach


Aralin
Paglalahad ng Aralin

A. Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento mula sa East Africa


ni Barbara Kimenye
B. Gramatika at Retorika:
Mga Salitang Naglalahad ng Opinyon
C. Uri ng Teksto: Naglalarawan

Pagbibigay ng Hinuha sa Mahahalagang Tanong

1. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng


kamalayan sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan?
2. Bakit mahalagang maunawaan ang salita o pahayag na
naglalahad ng opinyon>

Pagbibigay ng Inaasahang Pagganap

Sa pagtatapos ng aralin, , ang mga mag-aaral ay inaasahang


makabuo ng isang patalastas na pasulat.

Pamantayan sa Pagmamarka

a. makatotohonan 4 puntos
b. masining 5 puntos
c. kaalaman sa paksa 6 puntos
d. maayos ang paglalahad 5 puntos
Kabuoan 20 puntos
C. Pag-uugnay ng mga Inquiry Based Approach
halimbawa sa bagong aralin Mag-aral Tayo!
Pagbibigay ng Input

Alam mo ba na…
ang maikling kwento o maikling katha ay nililikha nang masining
School ID: 301102
Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa


ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na
pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari? Taglay nito ang
pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang pangunahing
tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng
solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay;
(4) may mahalagang tagpuan; (5) may kawilihan hanggang sa
kasukdulan na agad susundan ng wakas.
Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng
tauhan- ang binibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan.
Ang maikling kuwentong iyong binasa ay nakatuon sa katangian
ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumilos ayon sa kaniyang
paligid.
Elemento ng Tula:
1. Panimula- dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga
tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin- ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng
tauhan o mga tauhan sa kwento.
4. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
 Tao laban sa tao
 Tao laban sa sarili
 Tao laban sa lipunan
 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
5. Kasukdulan- dito nakakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan- ito ang tulay sa wakas ng kwento.
7. Wakas- ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8. Tagpuan- ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga
insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang
kwento.
9. Paksang Diwa- ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan- ito naman ang mensahe ng kwento.
11. Banghay- ito ay ang mga pangyayari sa kwento.

Mga Uri ng Maikling Kwento


1. Kwento ng Tauhan- Inilalarawan dito ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng
kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay- Binibigyang diin dito ang
kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
3. Kwentong Bayan- Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-
uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan- Dito pinag-uusapan ang mga
salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Kwento ng Katatakutan- Naglalaman naman ito ng mga
pangyayaring kasindak-sindak.

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

6. Kwento ng Madulang Pangyayari- Binibigyang diin ang


kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba
o nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko- Ito ang uri ng maikling kuwentong
bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng
kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran- Nasa balangkas ng
pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan- Ito ay nagbibigay-aliw at
nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kwento ng Pag-ibig- Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng
dalawang tao.
D. Paglalahad ng bagong Inquiry based Approach
Konsepto Checklist
Kasanayan #1 Lagyan ng tsek (/) ang patlang bago ang bilang na may
kaugnayan sa maikling kuwento. Mula sa naging sagot, bumuo ng
isa o dalawang pangungusap na magpapahayag tungkol sa
maikling kwento.

_____1. naglalahad ng mahahalagang kaisipan


_____2. maaaring pormal at di-pormal
_____3. banghay
_____4. wakas
_____5. simula
_____6. suliranin
_____7. tunggalian
_____8. may mga kabanata
_____9. kasukdulan
_____10. mga tauhan

E. Paglalahat ng Aralin Constructivism Approach


Ating Alamin!
Paano napayayaman ng maikling kwento ang ating kaalaman
o isipan?

F. Paglalapat ng Aralin sa Reflective Approach


Pang-araw-araw na Buhay Self-Reflection

Bilang isang mag-aaral,

G. Pagtataya ng Aralin Constructivism Approach


Fact or Bluff!

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Isulat ang fact kung ang mga pahayag ay tama, at bluff


naman kung mali.
1. Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
2. Talumpati ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng
saknong o taludtod na binubuo ng saknong o taludtod.
3. Ang tula ay ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang
kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda.
4. Ang tugma ay ang tunog ng mga huling pantig sa bawat
taludtod.
5. Kariktan ay ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang
ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.

Susi sa Pagwawasto:
1. Fact 2. bluff 3. bluff 4. Fact 5.Fact
H. Karagdagang Gawain para Takdang Aralin:
sa Takdang-Aralin at
Remediation Basahin at unawain ang tulang Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?


2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang
mga ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?

Sanggunian: Filipino 10 Modyul para sa mga Mag-aaral pp. 279-


281, www.google.com

IV. MGA TALA/PUNA

V. REPLEKSIYON

Inihanda ni:

JEMIAH ANDREA M. CAMSON

Binigyang pansin:

LORELYN M. VILLOSTAS
Dalubguro 1

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Pinagtibay:

JOCELYN R. UMALI
Puno VI, Kagawaran ng Filipino

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas

You might also like