You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Learning Area Filipino


Learning Delivery Modality Face to Face Learning Modality
Paaralan Gov. Feliciano Leviste Memorial National Baitang 10
TALA SA High School
PAGTUTURO Guro Jemiah Andrea M. Camson Asignatura Filipino
Petsa Marso 13, 2024 (Miyerkules) Markahan IKATLO
Oras 6:10-7:00 G10-Kabalyero Bilang ng Araw 1
7:50-8:40 G10-SSC
9:50-10:40 G10-Apitong
10:40-11:30 G10-Cipres
12:50-1:40 G10-Lanite
TUKLASIN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng
alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan.
C. Pinakamahalagang Kasanayan
sa Pagkatuto (MELC) (Kung Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay
mayroon, isulat ang sa napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81)
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC.)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Aralin 3.7

A. Panitikan: Paglisan (Buod)


Nobela mula sa Nigeria
ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
B. Gramatika at Retorika:
Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag
C. Uri ng Teksto: Naglalahad

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng


Filipino 10: Panitikang Pandaigdig, pp.110-120
Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag- Filipino 10: Panitikang Pandaigdig, pp.319-334
aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Filipino 10: Panitikang Pandaigdig, pp. 319-321
d. Karagdagang Kagamitan
tambol clipart black and white - Search Images (bing.com)
mula sa Portal Learning
`
Resource
e. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo
bidyu klips, slide deck, powerpoint presentation,
para sa mga Gawain sa
laptop, telebisyon
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

IV.PAMAMARAAN
A. Balik-Aral/Paglalahad ng Constructivism Approach
Bagong Aralin Pagganyak
Scrambled Letter, Gawing Better
Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang
sinisimbolo ng mga bagay na tanyag sa bansang Africa.

1. KMOUINAKYSNO 2. EPSRIUTI

3. PGALLIIWNGAA 4. TARDISOYN 5. INGNN-BYANA

B. Paghahabi sa Layunin ng Inquiry based Approach


Aralin Paglalahad ng Aralin

A. Panitikan: Paglisan (Buod)


Nobela mula sa Nigeria
ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
B. Gramatika at Retorika:
Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag
C. Uri ng Teksto: Naglalahad

Pagbibigay ng Hinuha sa Mahahalagang Tanong

1. Ano-anong kultura at tradisyon ng mga taga-Africa ang may


pagkakatulad at pagkakaiba sa Pilipinas?
2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa paggawa
ng iskrip at gamit ng pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa pagbuo
ng panunuring pampelikula?

Pagbibigay ng Inaasahang Pagganap

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang


magpamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Africa sa tulong ng mga pang-ugnay na
ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri sa halaw ng
isang nobela.

Pamantayan sa Pagmamarka
A. Masining 6 puntos

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

B. Kawili-wili 3 puntos
C. Wasto ang pagkakasulat ng linya 7 puntos
D. Totoo ang impormasyong inilahad 4 puntos
Kabuoan 20 puntos

C. Pag-uugnay ng mga Inquiry Based Approach


halimbawa sa bagong aralin Mag-aral Tayo!
Pagbibigay ng Input

Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may malaking


ambag sa panitikan. Sa kasalukuyan, maraming akdang
pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat sa Ingles dahil na
rin sa impluwensiya ng mga bansa sa Kanluran.
Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang nakapagpataas ng
kamalayan ng mamamayan ng bansa pagdating sa isyu ng uri ng
pamumuhay, kultura, tradisyon, at suliranin sa politika. Gayundin
ang tungkol sa kasarian at kalagayan ng kababaihan sa lipunan.
Mga akdang pampanitikan din ang nakatulong upang maiangat
ang kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong
talakay sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng
pamumuhay ng mga taga-Nigeria. Sinasabing ang kakaunting
mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria ay mas
tumatalakay sa kung ano ang nakaraan, lumipas, o naglaho.

Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang sa Nigeria.


Gayunpaman, ang tuon ng kanilang panitikan ay sa mga prosa,
tulad ng drama at tula kung saan sadyang kinilala at nagbigay sa
Africa ng pagkakakilanlan pagdating sa panitikan.

Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall


Apart, ipinakita sa atin ang kumplikadong mga batas at gawi ng
angkang pinagmulan ni Okonwo, sa pagpapanatili ng maayos na
ugnayan. Halimbawa nito ay ang pagsasalo o pag-aalok ng
lambanog at kola nuts na binabanggit sa kabuuan ng nobela ang
isang paraan ng mga Igbo ng mapayapang pakikiharap sa sino
mang tatanggaping bisita sa tahanan o sino mang taong
pakikiharapan. Ang gayong gawi ay pagpapakita ng maayos na
paraan ng pagtanggap o pagtanggi sa kung ano man ang pakay o
layon ng paghaharap. Isang paraan ng pakikipagkapwa-tao ng
mapayapa para sa mga Igbo ang nasabing gawi. Kapag
nakapanghiram ng pera at sisingilin na, mahusay namang
hinaharap ng mga Igbo ang nasabing maniningil. Bumabanggit
sila ng mga sawikain na angkop sa nais nilang ipabatid na
mensahe. Tulad na lamang halimbawa kapag hindi sila
makababayad agad, sasambitin ang mga kasabihangf maaaring
makapagpabago ng isip ng maniningil upang ipagpaliban muna
ang paniningil. Malinaw na sinasabi ng mga kultura at
nakagisnang tradisyon ng mga Igbo ang kanilang pagiging
payapa sa pagharap ng ganitong suliranin.

D. Paglalahad ng bagong Inquiry based Approach


Konsepto Kahulugan ng Salita, Ilantad na
Kasanayan #1 Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat.

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Katapangan

E. Paglalahat ng Aralin Constructivism Approach


Ating Alamin!
Ano ang mga kultura ng Africa na nangibabaw?

F. Paglalapat ng Aralin sa Reflective Approach


Pang-araw-araw na Buhay Self-Reflection
Bilang isang mag-aaral, paano nakatutulong ang mga
kultura ng Africa sa pang-araw araw na pamumuhay

G. Pagtataya ng Aralin Constructivism Approach


Pang-angkop, Iangkop
Lagyan ng wastong pang-angkop ang bawat patlang.

Masaya ___ nag-aagahan ang pamilya___ Rivera isang


malamig ___ umaga. Nagluto ng ginisa ___ kangkong ang kanila
___ kasambahay. Nilagyan ito ng kaunti__ toyo upang magsilbing
pampalasa sa ulam. Naging tampok ng kanila___ kuwentuhan
ang nagdaan__ gabi. Sari-sari ___ katatawanan ang naganap
bago sila natulog. Nagbiruan, nagtawanan at nauwi sa
seryosohan ang usapan. Dahil sa nakalilibang na gabi, kinain ng
pusa ang tiea__ ulam sa mesa. Dapat sana ito ay kanila___
umagahan pa. Kaya naman nauwi sa ginisa__ kangkong ang
kanila__ umagahan. Sa kabila nito, batid nila ang sustansiya__
dulot ng ginisang__ kangkong.

H. Karagdagang Gawain para Takdang Aralin:


sa Takdang-Aralin at Basahin at unawain ang nobelang paglisan ni Chinua
Remediation Achebe at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.


2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo?
Ano ang sinisimbolo ng pagkakaroon ng asal-babae ng
kalalakihan para kay Okonkwo?
3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna?
Patunatyan.

Sanggunian: Filipino 10 Modyul para sa mga Mag-aaral pp. 323-


326, www.google.com

IV. MGA TALA/PUNA

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
GOV. FELICIANO LEVISTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

V. REPLEKSIYON

Inihanda ni:

JEMIAH ANDREA M. CAMSON

Binigyang pansin:

LORELYN M. VILLOSTAS
Dalubguro 1

Pinagtibay:

JOCELYN R. UMALI
Puno VI, Kagawaran ng Filipino

School ID: 301102


Address: District IV, Igualdad St., Lemery, Batangas
(043) 321-6046
301102@deped.gov.ph
DepEd Tayo Gov. Feliciano Leviste MNHS – Batangas

You might also like