You are on page 1of 4

/

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V (Bikol)
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG KOMPREHENSIBO NG MASBATE
School ID: 302148
Lungsod Masbate
Tel: (056) 333-2255Fax: (056) 333-5353

LAGUMANG PAGSUSULIT BLG. 2


Filipino 7
KWARTER 4 – Modyul 3 at 4

Pangalan: ____________________________ Iskor: ____________


Taon at Seksyon: ____________________ Lagda ng Magulang: ____________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.

KAALAMAN

Mga mata’y napapikit


sa kirot na tinitiis
matagal ding di umiimik
hindi naman mapaidlip.

______ 1. Mula sa saknong sa itaas nais ipabatid ng may-akda ang _______________________ ng tauhan
a. pagtitiis sa sakit na nararanasan c. pagdurusa sa problemang nararanasan
b. labis na kapighatian sa buhay d. pagkakaroon ng karamdaman

“Narito’t nakalugmok
aagapang-gapang sa gulod
tumatawag ng kukupkop
walang sinumang dumulog.

______ 2. Anong damdamin ang ipinahahayag ng saknong sa itaas?


a. nagdaramdam b. nagagalit c. naguguluhan d. nalilito

______ 3. Sina Don Pedro at Don Diego ay naakit sa kinang at ganda ng puno ng Piedras Platas kaya’t sila’y nabiktima ng
taglay nitong panganib na nakakubli sa kagandahan.
(Ibong Adarna, saknong 175-179)
Ang bahagi ng akda ay nagtuturo na
a. pag-isipan ang gagawing desisyon sa buhay
b. huwag magpalinlang sa panlabas na kagandahan
c. pahalagahan ang nararamdaman .
d. mahalin ang angking kagandahan

______ 4. Si ___________________ang mapagmahal na pinuno sa kaharian ng Berbanya.


a. Don Juan b. Don Pedro c. Haring Fernando d. Haring Salermo

______ 5. Isang tusong ama at may taglay na itim na mahika na kanyang ginagamit upang subukin ang mga nagtatangkang
manligaw sa kanyang anak
a. Haring Fernando b. Haring Salermo c. Haring Cesar d. Haring Pedro
______ 6. Siya ay isang prinsesang ubod ng ganda at talino at ipinaglaban ang kanyang pag-ibig kay Don Juan
a. Donya Leonora b. Donya Juana c. Donya Maria d. Donya Valeriana
KOMPREHENSYON

______ 7. Sa gitna ng paghihirap dahil sa bugbog na natamo, ganito pa ang sinabi ni Don Juan:
289 “Sila nawa’y patawarin
ng Diyos na maawain
kung ako man ay tinaksil
kamtan nila ang magaling.”
Batay sa saknong sa itaas nais ipahayag ng may-akda ang ___________________ sa mga kapatid
a. paghahangad ng kabutihan c. ang taos pusong pagtulong
b. pagiging maawain d. labis na pagmamahal

______ 8. Ang damdaming mabubuo sa sinalungguhitang taludtod ay ______________


a. pagmamahal b. pagmamalaki c. paghanga d. pagkagiliw

Para sa bilang 9-11


Panuto: Suriin ang katangian ng tauhan batay sa pahayag na sinalungguhitan sa bawat saknong.
______ 9. “O Panginoong Haring Mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo’y mahabag na, ituro yaong landas.”
(Don Juan)

a. madasalin b. mapamahiin c. mabait d. masunurin

______10. Si Don Pedro’y tumalima


sa utos ng Haring ama,
iginayak kapagdaka
kabayong sasakyan niya.

a.maaasahan b. masunurin c. matapang d. mapamaraan

______ 11. “Mga mata’y pinapungay, si Leonora’y dinaingan, Prinsesa kong minamahal, aanhin mo si Don Juan?”
(Don Pedro)

a. mayabang b. mapagmataas c. madiskarte d. mang-aagaw

APLIKASYON
506 Nasimulan nang gawain
ang marapat ay tapusin,
sa gawaing pabinbin-binbin
na wala tayong mararating.

________12. Ang salawikaing angkop sa kaisipang nais ipabatid ng saknong sa itaas ay


a. Huwag mong gawin sa kapwa mo c. Madaling maging tao
Ang ayaw mong gawin sayo Mahirap magpakatao
b. Nasa Diyos ang awa d. Kapag may tiyaga
Nasa tao ang gawa. May nilaga

________13. Anong makatotohanang pangyayari sa buhay ng mga kabataan ang ipinapahayag ng saknong sa itaas?
a. maging masipag sa gawaing bahay c. sundin ang mga ipinag-uutos ng magulang
b. huwag ipagpaliban ang dapat gawin d. tumulong sa mga nangangailangan

________14. 082 Baon sa puso at dibdib ay makita ang kapatid,


Magsama sa madlang sakit sa ngalan ng amang ibig

Batay sa saknong sa itaas si Don Diego ay mailalarawan bilang _____________ na kapatid.


a. mahabagin b. maalaga c. mapagkalinga d. mapagmalasakit
ANALISIS

_________15. Piliin sa mga sumusunod na taludtod ang ngpapahayag ng pagpapahalaga sa patnubay ng matanda.
a. nang sila ay magpaalam
b. ay lumuhod si Don Juan
c. hiniling na bendisyunan
d. ng Ermitanyong marangal.
_________16. Alin sa mga sumusunod na saknong ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapatid?
a. 395 “Malaki man po ang sala c. 232 Nang sila ay magpaalam
sa aki’y nagawa nila, ay lumuhod si Don Juan
yaon po ay natapos na’t hiniling na bendisyunan
dapat kaming magkasama.” ng Ermitanyong
marangal.
b. 047 Si Don Pedroý tumalima d. 145 Sa lalagyaý dinukot na
sa utos ng haring ama, yaong tinapay na dala’
iginanyak pagkadaka iniabot na masaya
kabayong sinakyan niya sa matandang nagdurusa

EBALWASYON
20 Alam niyang itong tao
kahit puno’t maginoo
kapag hungkag din ang ulo
batong agnas sa palasyo.

________ 17. Inilalahad sa saknong sa itaas na mahalagang


a. may mataas na pinag-aralan ang mga namumuno c. maging matalino sa pagbibigay ng desisyon
b. walang laman ang ulo ng mga namumuno d. maging mapanuri sa ng mga bagay-bagay

________18. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang katangiang ipinakita ng mga prinsipe sa pagharap nila sa
panganib para sa ama.
a. wagas na pagmamahal sa magulang c. katapangan sa pagharap sa mga pagsubok
b. pagiging masunurin sa mga ipinag- uutos d. pagkakaroon ng angking lakas at kakisigan

PAGBUO

237 “Kaya ngayon ang magaling


si Don Juan ay patayin,
kung patay na’y iwan nati’t
ang Adarna nama’y dalhin.”

_______19. Ang damdaming ipinahahayag sa saknong ay__________________


Punan ng tamang titik ang patlang.
A T

008 Sa kanyang pamamahala


kahariaý nananagana,
maginoo man at dukha
tanggap na wastong pala
_______ 20. Batay sa saknong sa itaas si Haring Fernando ay inilarawan bilang ___________________ hari
Punan ng tamang titik ang kahon upang mabuo ang sagot.
K T M A U A A N N R G

Inihanda ni: Sinuri: Nabatid:

GURO SA FILIPINO NELIDA R. FORMAREJO MARITES C. CLEOFE


MT II Puno ng Kagawaran

You might also like