You are on page 1of 3

IKATLONG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan:_______________________________________________ Marka: _________/ 50___


Grade 5 – St. Gabriel Nobyembre _____, 2017

I. WIKA
 Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Ikaw ba ay magalang na bata? Anong kaanyuan ng pang-uri ang may salungguhit?
a. Maylapi c. Inuulit
b. Tambalan d. Payak
_____ 2. ( ) masakit ang kagat ng putakti kaysa kagat ng langgam. Ano ang angkop na
pang-uri?
a. Di-gaanong c. Magkasing
b. Mas d. Di-gasinong
_____ 3. Kamakailan ay hinagupit ng dalawang mapanirang bagyo ang Luzon. Ang mapanira
ay pang-uring naglalarawan ng –
a. pook c. tao
b. pangyayari d. bagay
_____ 4. ( ) bilis ng kidlat ang pagputok ng posteng elektrisidad. Ano ang nawawala?
a. Mas c. Sim
b. Sing d. Sin
_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa pangkat?
a. Makinis na makinis c. Ubod ng tamis
b. Higit na mayaman d. Napakahusay
_____ 6. Ano ang kaantasan ng sagot sa bilang 5?
a. Lantay c. Pasukdol
b. Pahambing d. Patulad
_____ 7. Magkasintaas ang kanyang kapatid na kambal. Anong uri ng pang-uring pahambing
ang may salungguhit?
a. Palamang c. Pasukdol
b. Pasahol d. Patulad
_____ 8. Ilang pang-uri mayroon ang pangungusap na: Talagang, napakatalino at
napakasipag ng isang anak ni Aling Dolor.
a. Dalawa c. Apat
b. Tatlo d. Lima
_____ 9. ( ) ng leon ang tigre. Ano ang nawawalang pang-uri sa panaklong?
a. Kasingbangis c. Kasimbangis
b. Kasinbangis d. Magkasingbangis
_____10. Anong uri ng kaantasang pahambing ang sagot sa bilang 9?
a. Patulad c. Pasahol
b. Palamang d. Pasukdol
_____11. Aling pangungusap ang HINDI ginagamitan ng wastong pang-uri?
a. Mas mainit sa buwan ng Disyembre at Enero kasya Marso at Abril.
b. Ang Bulkang Taal ay di-gaanong mataas na tulad ng Bulkang Mayon.
c. Magsimputi ang sampaguita at rosal.
d. Sintatag ng acacia ang narra.
_____12. Anong uri ng kaantasang pahambing ang sagot sa bilang 11?
a. Patulad c. Pasahol
b. Palamang d. Pasukdol
_____13. Aling pangungusap sa ibaba ang may naiibang kaantasan?
a. Talagang napakaliit ng tarsier. c. Nakakuha ako ng mababang marka.
b. Mabait pala ang mga flying lemur. d. May malaking mata ang kuwago.
_____14. Ano ang kaantasan ng sagot sa bilang 13?
a. Lantay c. Pasukdol
b. Pahambing d. Patulad
_____15. Aling pangungusap ang ginagamitan ng pahambing na palamang?
a. Higit na matagal ang biyahe sa Bicol kaysa sa Baguio.
b. Magkasingganda ang Baguio at Bicol.
c. Ang Bicol ay di-gaanong pinapasyalan na tulad ng Baguio.
d. Kasinsariwa ng hangin sa Baguio ang hangin sa Bicol.
 Piliin ang pinakaangkop na kaantasan ng pang-uri. Titik lamang.

_____16. Dalawang palabas na ( ) ang napanood ko sa telebisyon.


a. maganda c. kapwa maganda
b. mas maganda d. napakaganda
_____17. Tungkol sa ( ) na magkaibigan ang una.
a. matalik c. pinakamatalik
b. mas matalik d. lalong matalik
_____18. Ang ikalawa ay kwento ng isang inang ( ) pagkat iniligtas niya ang kanyang anak sa
sunog. Wala nang katulad niya.
a. napakadakila c. di-gasinong dakila
b. mas dakila d. dakila
_____19. Sa dalawang napanood kong pelikula, ang isa dito ay ( ).
a. malungkot c. kasinlungkot
b. pinakamalungkot d. mas malungkot
_____20. Alin ang ( ), ang magbasa ng libro o manood ng pelikula?
a. mabuti c. pinakamabuti
b. mas mabuti d. ubod ng buti

 Biluga
Bilu ang pang-uri sa pangungusap at tukuyin ang kaantasan nito. Isulat sa patlang ang
titiknng sagot.

_____21. Ang mga turista sa Baguio ay higit na marami sa buwan ng Mayo kasya Disyembre.
_____22. Ubod ng lakas ang hangin na dala-dala ng Bagyong Ruby sa Visayas.
_____23. Ang pananampalataya ng mga Pilipino sa Panginoon ay napakalaki.
_____24. Marami ang tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas.
_____25. Ang Pasko sa Pilipinas ay mas masaya kaysa sa ibang bansa.

II. PAGBASA

 Isulat sa patlang ang titik O kung opinyon ang ipinahahayag sa bilang o titik K kung katotohanan.

_____ 26. Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.


_____ 27. Kapag hindi kaya ay huwag pipilitin.
_____ 28. Lahat ng mga hayop ay umaasa nang direkta sa mga halaman para sa pagkain.
_____ 29. Ang lahat ng bahagi ng puno ng niyog ay mapapakinabangan.
_____ 30. Kayang protektahan ng mga halaman ang kanilang mga sarili.

 Piliin ang tamang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang titik sa
patlang.

_____ 31. Takipsilim na nang magsimulang maghapunan ang mag-anak.


a. Papaumaga c. Papagabi
b. Papatanghali d. Madaling araw
_____ 32. Parang mga aso’t pusa ang dalawang bata kahit sa harap ng pagkain.
a. alagang hayop c. magkaibigan
b. laging magkaaway d. nagbibigayan
_____ 33. Maraming humahanga sa kanyang kilos-reyna sa hapag-kainan.
a. mabini c. matiyaga
b. mabait d. magalaw
_____ 34. Sumakabilang-buhay na ang lalaking uugod-ugod at mahilig manigarilyo.
a. Nakabaon sa lupa c. Patay na
b. May sakit d. Matanda na
_____ 35. Kutong-lupa man siya’y matalino naman dahil malusog ang pangangatawan.
a. Taga-lupa c. Pandak
b. Pangit d. Mukhang kuto

 Unawain ang ipinahahayag sa patalastas. Sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Isulat sa patlang
ang titik ng sagot.

INANG KALIKASAN
Kung gusto mong

Isang  iligtas ang mundo,


 gawing malinis ito at iwasan ang polusyon,
 tumulong sa pagtatanim ng puno
Patalastas
Kung ganoon, maaari kang maging kasapi ng PANGKAT
LIGTAS-KALIKASAN.

Tara at sumali! Makipag-usap sa inyong tagapayo kung


paano sumali.
_____36. Tungkol saan ang patalastas?
a. Pagligtas sa mga puno c. Pagligtas sa kalikasan
b. Pagligtas sa mga hayop d. Pagligtas sa mga tao
_____37. Sino-sino ang maaaring sumali sa Pangkat Ligtas-Kalikasan?
a. Mga mag-aaral lamang sa ikalimang baitang
b. Mga mag-aaral na gustong maglinis ng paaralan
c. Mga mag-aaral na nais iligtas ang kalikasan
d. Mga mag-aaral sa ikaapat hanggang ikaanim na baiting
_____38. Sino ang kakausapin ng mga gustong sumapi sa pangkat?
a. Pinuno ng pangkat c. Ang punongguro
b. Ang guro sa agham d. Ang tagapayo
_____39. Anong pangkat ang sasalihan ng mga nagnanais na iligtas ang kalikasan?
a. Pangkat Inang Kalikasan c. Pangkat Ligtas-Mundo
b. Pangkat Ligtas-Kalikasan d. Pangkat Inang-Ligtas
_____40. Bakit mo kailangan sumapi sa pangkat na ito?
a. Upang makadagdag sa polusyon c. Upang makaputol ng puno
b. Upang makalabas ng bahay d. Upang makatulong sa kalikasan

 Pagtambalin ang mga salitang hiram at kahulugan ng mga ito. Isulat sa patlang ang titik ng sagot.
Salitang Hiram Kahulugan
_____41. Sea urchin a. malmag
_____42. Souvenir b. lumba-lumba
_____43. Tarsier c. kokang
_____44. Online d. salungo
_____45. Flying lemur e. karaniwang nakakonekta sa computer
f. bagay na itinatago bilang alaala

 Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod na salita ayon sa panlaping ikinabit dito.

46. makaluma ___________________________ 49. duguan ___________________________


47. malareyna ___________________________ 50. makulay ___________________________
48. antukin ______________________________
God Bless You, Little Icons!
T. Salie 

You might also like