Pambatang Panitikan 4-5

You might also like

You are on page 1of 5

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 4
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 12 – PAMBATANG PANITIKAN___________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: TUGMANG “MOTHER GOOSE”


LEARNING TARGETS: a. makapagbalik-tanaw sa mga tulang pambata na nabigkas nating mga
kabataan noon
REFERENCE(S) Panitikang Pambata: Kasaysayan at Halimbawa, Rivera, Crisanto, pp.13-26
(Title, Author, Pages)

Tugmaang “Mother Goose” o Tugmang Pambata

Charles Perrault
 nagpasimula ng kauna-unahang Mother Goose ng siya ay maglathala ng munting aklat
tungkol sa kuwentong engkanto.
 ang aklat ay pamagat na “Contes de Ma Mere l’ Oye” (Ang mga Kuwento ng Aking
Mother Goose) na tumutukoy sa kuwento at hind isa tugmang pambata na batid natin
sa kasalukuyan
 naisalin sa Ingles mula 1719 at 1729

John Newberry
 inilathala ang “Mother Gooses’s Melody o Sonnet for the Cradle”,
 si Oliver Goldsmith ang pumatnugot ng aklat na ito.
 ang aklat ay naglalaman ng mga pambatang tugma at ilang awit buhat sa mga dula ni
William Shakespeare
 inilimbag muli ito sa Masachussetts noong 1785 at ibinilang sa panitikan ng Amerika

Tulad ng tugmang Mother Goose ang mga Pilipino ay mayroon ding tinatawag na tugmang-
bayan. Ito’y hindi nakasulat at nagpapasalin-salin bibig ng ating mga ninuno. May sariling
indayog at maaaring itumbas sa tugmang walang kabuluhan.

Katangian ng Tugmaang “Mother Goose” o Tugmang Pambata


 Nakalilibang sa mambabasa
 Nasasanay nito ang bata sa pagbabasa
 Nakakapagyaman ng talasalitaan
 Nakakalinang sa pakikinig
 Nakakatulong sa pagbibilang
 Nakakapagbigay halaga sa makulay na paglalarawan

Kabutihan ng Tugmaang “Mother Goose” o Tugmang Pambata


 Nagtataglay ng magkakatulad na tunog sa hulihan ng bawat taludtod
 Nakakapagtawa
 Tumatalakay sa iba’t ibang paksa at naglalhad ng magandang paglalarawan
 Ito’y mapanukso at mapagpatawa

Mga Gamit ng Tugmang-Pambata


 Ginagamit upang masiyahan ang mga bata sa gawaing bahay
 Tumutulong na alisin ang simangot at hapis
 Tumutulong sa pagsasalita at pagbabasa
 Ginagamit na intermisyon sa mga aralin o Gawain
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
Kahalagahan ng Tugmang Pambata
 Nililinang ang sining ng pagsasalita
 Napapalawak ang talasalitaan
 Napupukaw ang imahinasyon
 Nababatid ng mga bata ang mga ugali, tradisyon, gawain, pamumuhay, kalinangan ng
bansa
 Nahihilig ang bata sa pagbabasa

GAWAIN. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng tugmang pambata na iyong kinalakihan o


naririnig ng kayo’y bata pa. (DRAWINGBOOK)
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 5
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 12 – PAMBATANG PANITIKAN___________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: PAGBIGKAS NG MGA TULANG PAMBATA


LEARNING TARGETS: a. makapagsaliksik ng iba’t ibang halimbawa ng tugmaang pambata
REFERENCE(S) Panitikang Pambata: Kasaysayan at Halimbawa, Rivera, Crisanto, pp.13-26

URI NG TUGMANG-PAMBATA
GAWAIN: Magbigay ng iba pang mga halimbawa ng uri ng tugmang pambata . (GOOGLE
CLASSROOM)

1. Tugmang Mapanukso
Magbigay ng iba pang halimbawa:
Tutubi, tutubi
Huwag kang magpahuli
Sa batang mapanghe.

2. Tugma sa Kalikasan
Magbigay ng iba pang halimbawa:

Ulan ulan pantay na kawayan


Bagyo, bagyo pantay kabayo.

3. Tugma sa Pagbilang
Magbigay ng iba pang halimbawa:
Isa, dalawa, tatlo
Nasan ang eroplano
Apat, lima, anim
Lumilipad ng matulin
4. Tugma sa Gawain
Halika na Neneng Magbigay ng iba pang halimbawa:
Tayo’y manampalok
Dalhin mo ang buslo
Sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo
Lalamba-lambayog
Kumakapit ka, Neneng
Baka ka mahulog
5. Tugma sa Kagandahang asal
Saan ka nanggaling? Magbigay ng iba pang halimbawa:
Sa kunggang malalim
Anong ginawa mo?
KUmain ng saging
Bakit di moa ko tinirhan?
Kinain ng daga
Bakit di mo tinaga?
Ako ay naawa.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
6. Tugma sa Kulisap jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph

Paru-parong bukid Magbigay ng iba pang halimbawa:


Na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan
Papaga-pagaspas
Sandangkal ang tapis
Isang bara ang manggas
Ang saya de ko;a’y
Isang metro ang sayad
7. Tugma sa Titik ng Alpabeto
Magbigay ng iba pang halimbawa:
A, B, C, Lutong gabi
Kinain kagabi

8. Tugma sa Kalusugan
Ang gukay na pipiliin Magbigay ng iba pang halimbawa:
Ay hindi ang mamahalin
Kangkong, upo at ampalaya
Sa katawa’y masustansiya
9. Tugma sa Paglalaro
Pung, pung pumagapong Magbigay ng iba pang halimbawa:
Nanganak sa haligi
Ano ang anak
Buto’t balat
Bali bali ang pakpak
10. Tugma sa Araw at Buwan
Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo
Hunyo, Hulyo, Agosto
Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
Lubi-lubi.
11. Tugma sa Bungang-kahoy at Gulay
Magbigay ng iba pang halimbawa:
Ang dalaga’y lakatan
Ang binata’y bungulan
Ang mag-asawa’y latundan
At ang lolo ay Butuan.
12. Tugma sa Alagang Hayop
Mayroong isang hari Magbigay ng iba pang halimbawa:
May alagang pusang bungi
Ang buntot ay bali-bali
Hintay ka muna
Uullitin ko sandal
13. Tugmang Matalinhaga
Magbigay ng iba pang halimbawa:
Buwan, buwan sa langit
Naulog sa pusali
May premyo kang salapi

14. Tugma sa Ukol sa Tao


Duon po sa amin Magbigay ng iba pang halimbawa:
Maraming baluga
Mabuti pa sa inyo
Marunong pumana

15. Tugma sa Pampilipit Dila


JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
Bituka botika Magbigay ng iba pang halimbawa:
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
Botika bituka
Bituka botika
Botika bituka
16. Tugma sa sasakyan
Magbigay ng iba pang halimbawa:
Bapor dito, bapor doon
Bapor maski na saan pumaroon

17. Tugma sa Bahagi ng Katawan


Sampung mga daliri Magbigay ng iba pang halimbawa:
Sa kamay at paa
Salawang tainga
Dalawang mata
Ilong na maganda
18. Tugma sa mga gamit
Inday, inday sa Balitaw Magbigay ng iba pang halimbawa:
Kahoy nakahapay
Sandok nakasuksuk
Palayok nakataob
Sinigang na matabang
Kulang sa sampalok
19. Tugma sa Pag-ibig
Ang dalaga kung maganda
Parang hinog na papaya
Nakakanlong man sa sanga
Inukit di maya.
20. Tugma sa Paghahambog
Ako’y ibigin mo
Lalaking matapang
Ang baril ko’y pito
Ang sundang ko’y siyam
Ang lalakarin ko
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang aking kalaban.
21. Walang Kabuluhan
Espadang bali-bali
Nahulog sa pusali
Kunin mo sandal
UUpahan ka ng salapi.

You might also like