You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Fil. 323 – Filipino Epics (Epikong Pilipino)

GENALYN L. MOSCAYA, Ph. D.


Propesor

Panimula

Kaligirang Kasaysayang ng Epiko

Tauhan:

Ang Epiko ay may pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa


karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Paksa:

Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang


paglalakbay at pakikidigma.
Pangkalahatang Layunin:

Gumising sa mga damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan.


Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao.

Pinakamahalaga sa layunin:

1. Ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning nakakaharap,

2. Lalong magaling kung magkakaroon ng ganap na pagtatagumpay laban sa matinding mga


suliranin, sapagkat ito’y lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tulang ito.

Pangkalahatang Uri ng Epiko

1. Epikong Sinauna

- Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang panahon.

- Kilala rin sa taguring Epikong Pambayani – na naglalahad ng isang sambayanan o


bansa sa pagtataguyod ng isang pambansang layunin o mithiin.

- Ito’y karaniwan nang may katangiang pangunahing tauhang nag-aangkin ng mga


katangiang kahima-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang bansa.

- Ang tulang ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga salinlahi at unti-unting nabuo sa


mga anyo nito ngayon.

- Ang Beowulf ng Inglatera, Siegfried ng Alemanya, Ibalon ng Pilipinas ay mga


halimbawa ng epikong sinauna.

2. Epikong Masining

- Tinatawag din itong epikong makabago o epikong pampanitikan.

-Nahahawig sa epikong pambayani, nasusulat sa isang marangal na kabuuan at


nahihinggil sa lunggati at tahakin ng isang lipi, lahi o bansa.

- Ngunit naiiba sa pangyayaring ang makata sa isang pampanitikang panahon ay


sumulat ng tulang may pagkakahawig sa epikong pambayani.

- Ang epikong Iliad at Odyssey ni Homer, ang Paradise Lost ni Milton, ang Florante at
Laura ni F. Balagtas; Mutya ng Silangan ni Patricio Mariano, Malolos ni Benigno Ramos ay
halimbawa ng epikong masining.

3. Epikong Pakutya

- Kabalangkas ng epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad at naglalayong


na kutyain ang gawing walang kabuluhan at pag-aaksaya lamang ng panahon ng tao.
Halimbawa: Ang Pangginggera ni Lope K. Santos.
Gabay sa Pag-aaral ng Epiko
1. Pagsasalaysay ang buod ng epiko.

2. Pagtatalakay sa papel mga tauhan sa kwento.

3. Paglalarawan ang mga katangiang taglay ng mga tauhan sa kwento.

4. Pagtukoy sa mensaheng ipinapahiwatig sa epikong binasa.

5. Pag-uugnay sa mga pangyayari sa epiko sa totoong buhay, sa lipunan,

at pamahalaan.

You might also like