You are on page 1of 2

ARALIN 1

Kahulugan at Katangian ng Teknikal – Bokasyonal na Sulatin

Gawain #1
Ano ang Teknikal - Bokasyonal? At ano ang pinakaiba nito sa Teknikal na sulatin sa
Akademikong sulatin? Saliksikin at ipaliwanag.

Sagot:
Ang Teknikal - Bokasyonal ay pinagsamang pagsulat ng mga akda kaugnay sa piling
larang na nagmula sa personal at natamong edukasyon pangteknikal tulad ng agrikultura,
pangangalakal at iba pa. Layunin nitong magbigay kaalaman, puna, at iba pa gamit ang mga
tiyak na salita para sa tuwirang pagpapahayag. Saklaw rin nito ang paggawa ng mga fliers,
brochures, magazine o anumang bagay na na makakatulong sa ating pag unlad sa hinaharap.
Saklaw nito ang Feasibility Study at ng mga korespondensyang mangangalakal

Ang Akademikong sulatin ay may sinusunod na particular na kumbensyon. Ang layunin


nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay maaaring maging
kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, termpaper o pamanahong
papel, thesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin
nitong pataasin ang antas at kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

Sa kabuuan, ang nilalayon ng Teknikal na sulatin na ipaliwanag ang pagtatrabaho ng


isang produkto, trabaho o serbisyo sa isang sunud-sunod na proseso. Samantalang ang
Akademikong sulatin ay umiikot sa mga resulta ng akademikong pagsasaliksik.

Gawain #2
Sa iyong trak/kurso sa Senyor Haiskul, gaano kahalaga ang pag-aaral ng Teknikal – Bokasyonal
na sulatin?

Sagot:
Para saakin na kinuha ang TVL track, ang kahulugan ng teknikal-bokasyonal na sulatin
ay pag-aaral ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat. Isa rin itong pag-aaral sa filipino na
naaayon sa iyong kursong kinuha. Mahalaga ang Teknikal – Bokasyonal na sulatin dahil mas
matututukan at matutulungan ang mga Studyante na gawin ang mga kasanayang nakapaloob sa
Specialized Subjects sa TVL

Gawain #3
Ano ang pagsulat, ano ang pakinabang ang naidudulot ng pagsulat sa tao?

Sagot: Ang pagsulat ay isa sa mga pangunahing paraan ng pakikipagtalastasan sa iba't ibang uri
ng tao at komunidad. Sa pamamagitan ng pagsulat, maipaparating ng isang tao ang kanyang mga
kaisipan, mga impormasyon, at iba pang mga mensahe sa kanyang mambabasa nang malinaw at
organisado.
Gawain #4
Bakit sinasabing ang pagsulat ay behikulo ng pakikipagtalastasan? Ipaliwanag.

Sagot:
Dahil nagbibigay ito ng mas malawak na saklaw sa pagpapalitan ng mensahe.
Nagbibigay ito ng mas malaking oras at pagkakataon para mapag-isipang mabuti ang mensahe
bago ito ipadala, kaya naman maaring maging mas mabisa ang pagpaparating ng mensahe sa
kausap. Sa ganitong paraan, nagiging mas mahusay at epektibo ang pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng pagsulat.

Gawain #5
Sa pamamagitan ng ilustrasyon, ilahad ang ugnayan ng pagsulat at pagbasa.

PAGBASA PAGSULAT
pagtanggap sa pamamagitan ng Pagsasaling sa papel o sa
pagtugon ng damdamin at anumang kasangkapang maaring
kaisipan sa mga titik at magamit na mapagsasalinan ng
simbolong nakalimbas sa mga nabuong salita, simbolo, at
pahina. Isa itong pagtuklas sa ilustrasyon ng isang tao o mga
iba't ibang larangan. tao na layuning
makapagpahayag ng kanilang
kaisipan.

You might also like