You are on page 1of 14

FsPL TVL Grade 12 -Q2

Filipino sa Piling Larang TVL-Week 1-2 (Quarter 2)

ARALIN 5: LIHAM PANGNEGOSYO

LEARNING COMPETENCY
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal- bokasyunal
CS_FFTV11/12PB-0g-i-106

Ang Liham Pangnegosyo o Pangangalakal ay ay sinusulat upang makapag-ugnayan sa mga


tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito ay mahalagang instrumento ng komunikasyon sa
pagitan ng mga mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o iba pang taong nais
makipagkalakalan sa kanila. Ang ganitong uri ng liham ay kailangan ang mga katangiang malinaw,
maikli, magalang, tapat, mabisa, maayos, malinis at makinilyado o encoded.

MGA URI NG LIHAM PANGANGALAKAL


1. Liham ng Aplikasyon - Isinusulat upang humanap ng trabaho.
2. Liham Pagpapakilala - Isinusulat upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o ang isang
bagay / produkto na iniendorso.
3. Liham na Nagtatanong - Isinusulat upang humingi ng impormasyon
4. Liham na Nagrereklamo - Isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing
5. Liham ng Subskripsyon - Isinusulat upang maglahad ng intensyon sa subskripsyon ng
pahayagan, magasin at iba pang babasahin
6. Liham ng Pamimili - Isinusulat upang bumili ng paninda na ipinadadala sa koreo

Bahagi ng Liham
1. Pamuhatan- nagsasaad ito ng tinitirhan ng sumulat
Halimbawa: #120 Poblacion Street, Sta Maria
Minalin, Pampanga.
2. Petsa – araw, buwan, at taon kung kalian isinulat ang liham.
Halimbawa : ika-20 ng Hunyo, 1998
3. Patunguhan – Ito ang tumatanggap ng liham
Halimbawa: Gng. Virginia Q. Tizon
Geng’s Flower Shop
Brgy. Lourdes, Minalin, Pampanga
4. Bating Panimula-ito ay magalang na pagbati na maaaring pinangungunahan ng Ginoo, Ginang,
Mahal na Ginang o Mahal na Binibini. Mahalaga na angkop sa taong padadalhan ang liham ang
bating panimula o ginagamit.
Halimbawa: (Gng.) Ginang:
5. Katawan ng Liham – ito ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais ipabatid ng
sumusulat sa kanyang sinusulatan.
Halimbawa: Magandang araw!
Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na mga bulaklak
na aming kailangan sa pagtatapos sa Abril 19, 2020.

4 na dosenang Daisy (pink)


4 na dosenang Rosas (puti)
2 dosenang Gladiola (dilaw)
6. Bating Pangwakas –Ito ay bahagi ng pamamaalam ng sumulat at nagtatapos sa kuwit (,)
1
FsPL TVL Grade 12 -Q2
Halimbawa: Sumasainyo,
7. Lagda – pirma ng sumulat sa liham
Halimbawa: isang lagda
Juan dela Cruz
GAWAIN 1: Ang gawain sa ibaba ay higit na magpayayaman sa kaalamang iyong natuklasan.
Pumili sa mga uri ng liham pangnegosyo at maglalahad ng pagsusuri sa napiling
liham gamit ang graphic organizer.

Anyo

Layunin Uri ng Liham Nilalaman

Wika

GAWAIN 2: Buuin ang AKROSTIK sa ibaba,batay sa inyong natutuhan sa tinalakay na aralin


L-
I -
H–
A–
M-

GAWAIN 3: Ilahad ang mga dapat at di dapat gawin sa pagsulat ng Liham

DAPAT LIHAM ‘DI DAPAT


GAWIN GAWIN
PANGNEGOSYO

1. 1. _

2. 2.

3. 3.

4. 4.

2
FsPL TVL Grade 12 -Q2

GAWAIN 4: Sumulat ng isang liham Pangnegosyo. Ang mga uri at magiging paksa ng iyong liham ay
makikita sa mga pagpipilian sa kahon. Ang iyong awtput ay mamarkahan gamit ang
• Liham Kahilingan para sa punongguro ng inyong paaralan.
• Liham na Nagtatanong para sa Admission Office ng Don Honorio Ventura State University.
• Liham Pamimili sa isang malaking Grocery store
• Liham na Nagrereklamo para sa Punong Barangay.
• Liham ng Subskripsyon sa Cosmopolitan Magazine.

Pamantayan 20 15 10 5
NILALAMAN
Ang nilalaman ng liham Ang nilalaman ng Ang liham na
ay angkop, kumpleto, at liham ay may sapat Ang liham na ginawa ay may
maayos ang mga at angkop na ginawa ay may kulang at maling
nilalamanat nilalaman at kaunting impormasyon g
impormasyon. impormasyon. impormasyon. inilahad.
PAGLALAHAD Maayos, malinaw at Maayos ang Hindi gaanong Mahina at hindi
Malakas ang proseso ng maayos ang maayos ang
Proseso ng paglalahad Ngunit paglalahad ng mga paglalahad ng
paglalahad ng mga may iilang ideyang ideya. May mga ideya. May
ideya at konsepto. hindi nailahad nang dalawang bahaging tatlo at higit pang
Kumpleto ang mga malinaw. May isang nawawala msa Bahagi ang
bahagi ng liham bahaging nawawala liham. nawawala sa
sa liham. liham.
BALARILA Maayos at wasto ang Maayos ngunit may Hindi gaanong Mahina at
paggamit ng mga ‘di wastong nagamit nang maraming
rehistro ng wika at paggamit ng salita wasto ang mga kamalian sa
bantas. at bantas sa rehistro salita at may balarila.
ng pagkakamaling
wika pambalarila.

Mga Gabay na Tanong para sa Pagsusuri:

3
FsPL TVL Grade 12 -Q2

Filipino sa Piling Larang TVL-Week 3-4 (Quarter 2)

ARALIN 6: DESKRIPSYON NG PRODUKTO AT FEASIBILITY STUDY

LEARNING COMPETENCY
Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng
paggamit ng angkop na mga termino
CS_FTV11/12PS-0j-l-93
GAWAIN 1: Sagutan ang sumusunod na mga tanong.
1. Saan mo kadalasang nakikita ang deskripsiyon ng produkto
2. Ano ang deskripsiyon ng produkto?
3. Ano ang feasibility study?
4. Bakit kailangang magsagawa ng feasibility study?

Ano angang
Ano nakikita momo
nakikita sa sa
larawan?
larawan?

DESKRIPSIYON NG PRODUKTO AT FEASIBILITY STUDY

Ang deskripsiyon ng produkto ay nagtataglay ng paglalarawan sa isang produkto.


Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa mga
katangiang ilalahad sa deskripsiyon. Mahalaga ring panatilihin ang
pagiging payak, tiyak, makato tohanan, at akma sa aktuwal na produkto ang
pagkakabuo ng deskripsiyon nito upang maiwasan ang kalituhan ng mambabasa.
Kalimitang binubuo ang deskripsiyon ng tuwiran at detalyadong paglalarawan sa mga
produktong inaasahan ng mga ibig bumili o gumamit nito. Pormal ang paggamit
ng wika sa pagsusulat ng deskripsiyon ng produkto at maaaring kakitaan ng mga salitang
teknikal
na kinakailangan sa isang partikular na trabaho.

Kahalagahan ng Deskripsiyon ng Produkto


1. Naipahahayag ang mga katangian ng isang produkto gamita ang mga salitang
naglalarawan; at
2. Nakapagbibigay ng biswal na paglalarawan sa isang produkto na nakatutulong upang
maging pamilyar ang mga gumagamit nito.

4
FsPL TVL Grade 12 -Q2
Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsiyon ng Produkto
1. Maikli lamang ang deskripsiyon ng produkto.
2. Magtuon ng pansin sa ideal buyer .
3. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepisyo.
4. Gumamit ng mga paglalarawan na magbibigay ng impresyon sa kalidad ng produkto.
5. Maging malikhain sa paglalarawan.
6. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto.
7. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama.
8. Gumamit ng mga testimonya o patunay mula sa social media.
9. Maglagay ng kaakit -akit na larawan ng produkto.
10. Gumamit ng mga simpleng salita na mauunawaan ng lahat.

Ang feasibility study naman ay isang pag -aaral na ginagawa upang malaman ang
posibilidad na mabuhay ang isang business plan at masagot ang pangunahing tanong -
Magiging mabisa ba ang isang business idea at maaari ba itong ituloy?
Ito ay isinasagawa upang malaman kung paano, kung saan, at kung kanino
magbebenta ng isang negosyo o produkto.
Mahalaga ang feasibility study upang makapagdesisyon ang kompanya sa
pinakamainam na aksiyong dapat gawin. Sa pagdedesisyon ng isang negosyante kung
magpapakilala ng bagong produkto sa merkado, kailangan munang pag -aralan kung
may tiyak na kosyumer ang produktong ito.
Samakatuwid, tungkulin nito na pag -aralan o suriing mabuti ang pangkalahatang kalagayan ng mga
bagay, tao, o sitwasyong nakakaapekto sa negosyo o sa kompanya
bago magpatupad ng anomang proyekto o magsagawa ng anomang aksiyon upang matiyak ang
tagumpay.
Kailangan ding masuri ang mga kumpetisyon at malaman kung magkano ang perang kakailanganin
upang simulan ang isang negosyo at panatilihing tumatakbo hanggang sa ito ay itinatag.
Tulad ng isang pro posal, ang feasibility study ay isang dokumentong
nangangailangan ng pananaliksik. Sinasaliksik dito ang lugar ng negosyo, ang mga taong magiging
bahagi nito, ang merkado, at ang kaangkupan ng produkto o serbisyong
ihahain sa tao.
Sa pamamagitan din ng pa nanaliksik, madidiskubre ng isang tao o organisasyon ang mga hadlang sa
kanilang ideya at mga balak, gayundin ang mga solusyon para
harapin ang mga ito.

Mga Uri ng Feasibility Study


1. Deskripsiyon ng proyekto – tinutukoy nito ang kalidad at uri ng produkto o
serbisyong inihahain at kung maaari itong isagawa para sa isang partikular na larangan,
grupo, o negosyo.
2. Market feasibility – binibigyang- pansin sa pag -aaral na ito ang merkado (mga posibleng
costumer), ang laki at lawak nito, potensiyal nito, at/o a ccess dito.
3. Technical feasibility – sinusuri sa pag -aaral na ito ang laki at uri ng mga pasilidad
pamproduksiyon, mga gusali, kagamitan, teknolohiya, at hilaw na material na
kailangan ng negosyo.
4. Financial/Economic feasibility – tinataya sa pag -aaral na it o ang kakayahan ng puhunan,
mga pangangailangan sa pag -utang, mga hal agang kailangan upang makabawi ang
negosyo, at iba pang aspektongb pinansiyal.
5. Organizational/Managerial feasibility – ang tuon dito ay ang pamamahala at legal na
estruktura ng negosyo.
5
FsPL TVL Grade 12 -Q2

Mga Hakbang sa Paggawa ng Isang Plano


Mga hakbang sa plano ng benta at gastusin ( sales and cost plan) sa iyong maliit na negosyo:
1. Pag-forecast ng mga gastusin na hindi direkta ginagamit sa produksiyon (indirect cost) para sa
isang buwan sa susunod na tao n;
2. Pag-forecast ng mga gastusin para sa materyales na direktang ginagamit sa produksyon
(direct cost) para sa bawat aytem;
3. Pag-forecast ng benta sa bawat buwan;
4. Pagkuwenta sa kabuoang gastusin para sa materyales na direktang ginagamit sa produksyon.
5. Buoin ng plano ng benta at gastusin.

GAWAIN 2: Paghambingin ang deskripsiyon ng produkto sa feasibility study.


A. Pagkakaiba (Deskripsiyon ng Produkto)
B. Pagkakaiba (Feasibility Study)
C. Pagkakatulad (Deskripsiyon ng Produkto at Feasibility Study)

A C B

GAWAIN 3: Mabuti at may naisip ka nang negosyo.


Ano-ano ang mga hakbang sa iyong
business plan? Isulat ang mga ito sa
hagdan.

6
FsPL TVL Grade 12 -Q2

GAWAIN 4:Gumupit ng isang larawan ng produkto sa diyaryo o magasin. Idikit ito sa maikling
bond paper. Sa ibabang bahagi ng larawan, sumulat ng sariling deskripsiyon nito.

Pamantayan sa Pagbibigay Puntos


Malinaw ang deskripsiyon – 10
Malikhain ang disenyo 10
Wastong paggamit ng wika 10
Kabuoan =30

GAWAIN 5: Sumulat ng isang feasibily study ayon sa inilahad na sitwasyon.

Mahusay! Binabati kita sa hindi pagsuko sa mga gawain, Gayundin sana sa mga
pagsubok sa buhay. Kaya naman ang susunod na gawain ay may kinalaman sa ating kinakaharap na
pandemya. Ang senaryo, nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang, paano mo mailalapat o
maibabahagi ang iyong natutunan sa deskripsiyon ng produkto at feasibility study?

7
FsPL TVL Grade 12 -Q2

Filipino sa Piling Larang TVL-Week 5-6 (Quarter 2)

ARALIN 7: PAUNAWA / BABALA / ANUNSYO AT MENU NG PAGKAIN

LEARNING COMPETENCY
Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
CS_FTV11/12WG-0m-o-95
Ang mga palatandaan ay napakahalagang tulong sa buhay ng tao. Nakatutulong ito upang
mapaghandaan at maiwasan ang anumang balakid o pangamba sa ating buhay.

Patalastas ang pangkalahatang katawagan sa anumang paunawa, babala, o anunsiyo. Nagsasaad


ang mga ito ng mahalagang impormasyon sa tao.

Minsan, kumakain ang Pilipino sa restawran. Ginagawa ito ng mga Pilipino kapag may mahalaga o
espesyal na pangyayari sa kanilang buhay gaya ng kaarawan, anibersaryo, atbp. Upang magkaroon ng
kaalaman ang isang taong kakain sa restawran, mahalaga ang menu.

PAUNAWA/BABALA/ANUNSIYO AT MENU NG PAGKAIN


Ang isang paunawa ay isang mensahe na nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistula din
itong magsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin. Maaari ding pumaksa ang paunawa tungkol
sa anumang pagbabago ng naunang nabanggit na impormasyon.

PAUNAWA:
Inaabisuhan ang lahat na mula ngayong Lunes, ika-30 ng Marso ay hindi muna magpapapasok ng mga tao sa building
na ito.

Samantala, ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado, o nararanasan ng tao.
Maaaring sa pamamagitan ng salita o larawan maisaad ang babala.

Halimbawa:

BABALA:
Nahuhulog na bato.

Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na makapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang


tao. Maaari din itong isang panawagan sa ilang importanteng gawain o aktibidad.

Halimbawa:

ANUNSIYO:
Iniimbitahan ang lahat na dumalo sa pagtitipon ng mga kilalang manunulat. Gaganapin ang pagtitipon sa Claro M.
Recto Hall, Bulwagang Rizal, UP Diliman sa ika30 ng Mayo 2016 mula ika-4 hanggang ika-6 ng gabi.

Ang menu ay isang mahalagang kagamitan sa restawran. Maliban sa pangalan ng kainan, ang menu ang nagsisilbing
pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga tao kung nais nilang kumain sa isang napiling restawran.

8
FsPL TVL Grade 12 -Q2
GAWAIN 1: Ipaliwanag ang mga sumusunod na sulating teknikal-bokasyonal batay sa aralin at
magbigay ng halimbawa gamit ang graphic organizer

Sulating Teknikal-Bokasyonal

Paunawa Babala Anunsyo Menu

Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag:

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:

GAWAIN 2: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng paunawa, babala, at anunsyo?
2. Ano ang kahalagahan ng menu sa mga restawran?
3. Bakit mahalahang malaman ang mga sulating teknikal-bokasyonal katulad ng
paunawa, babala, anunsyo at menu?
4. Paano makatutulong ang mga sulating teknikal-bokasyonal na ito sa:
a. Mag-aaral
b. Komunidad
c. Bansa
d. Daigdig
5. Bilang isang Kabataang Pilipino, paano ka magiging instrument sa paghahatid ng
mga mahahalaga at makabuluhang impormasyon?

GAWAIN 3: Saliksikin at kuhanan ng larawan ang mga sumusunod na sitwasyon at suriin batay sa:
a. Nilalaman
b. Paggamit ng wika
c. Paggamit ng imahen o simbolo
d. Kabuuang anyo
Sitwasyon A (paunawa) – Mayroong bagyo at inabisuhan na lahat ng
klase ay suspendido.
Sitwasyon B (babala) – Babala dulot ng labis na paggamit ng
cellphone sa kalusugan
Sitwasyon C (anunsyo) – Panawagan para sa pakikilahok sa Brigada
Eskwela 2020
Sitwasyon D (menu) – Menu ng pagkain ng Cabalen Restawran
9
FsPL TVL Grade 12 -Q2

GAWAIN 4: Manood o makinig ng anumang paunawa, babala o anunsyo sa telebisyon o radyo kaugnay
sa pagbubukas ng klase ngayong panuruan taon. Alamin at suriing mabuti ang nilalaman nito at sagutin
ang mga sumusunod na tanong.
1. Ang napanood o napakinggan ba ay paunawa, babala, o anunsiyo? Ipaliwanag ang sagot.
2. Ano ang sinasabi ng napanood o napakinggan?
3. Kung iyong tatasahin ang napanood o napakinggan, ano-ano ang impormasyong nakuha?
4. Makabuluhan ba ang mga nakuhang impormasyon? Bakit? Bakit hindi?
5. Kung ikaw ay ang gagawa ng isang babala gaya ng ukol sa pagsabog ng Bulkang Mayon gamit ang
infographics, paano mo ito lilikhain?
GAWAIN 5: Ang inyong baranggay ay naglunsad ng isang paligsahan sa pagsulat/paggawa ng isang
adbertisement tungkol sa COVID-19. Ang mapipili ay siyang gagamtin upang magbigay ng paunawa, babala
o anunsyo hinggil lumalaganap na pandemya. Bibigyan lamang kayo ng 1 linggo upang tapusin ito.
Ang mga sumusunod ay ang pamantayan sa pagsulat

10
FsPL TVL Grade 12 -Q2

Filipino sa Piling Larang TVL-Week 7-8 (Quarter 2)

ARALIN 8: ETIKA SA BINUBUONG TEKNIKAL BOKASYONAL

LEARNING COMPETENCY
Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal-bokasyunal na sulatin
CS_FTV11/12PU-0m-o-99

ETIKA sa LARANGAN NG AKADEMYA

Ayon kay Chris Newton (www.ehow.com) ang etika tumutugon sa mahalagang moralidad, konsepto
ng tama at mali, mabuti at masama, pagpapahalaga at pagwawalang bahala, pagtanggap at di- pagtanggap
ng lipunan na siyang nagdidikta ng mga batayan para sa sangkatauhan. Ang mga batayang ito ang nag-
uudyok sa mga tao na gawin ang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran at halaga sa mundong kaniyang
ginagalawan. Ilan sa mga inaasahan sa alinmang lipunan o indibidwal ang pagiging makatao, matapat, at
mapagkakatiwalaan.

Kaya naman sa larangan ng akademya partikular sa Piling Larang (Tech-Voch) sa pagsulat ng iba’t ibang
sulatin, kinakailangang ang pagsunod sa tamang etika upang maging katanggap-tanggap sa pamantayan ng paaralan,
edukasyon, at lipunan. Ngunit sa pagdating ng makabagong teknolohiya nanatiling napakalaking hamon ang
pagsunod sa mga batayang ito lalo pa’t napakalawak ng impluwensiya nang paggamit sa world wide web sa ating
mga mag-aaral na siyang pangunahing sors ng mga impormasyon lalo na ngayon sa panahon ng pandemya COVID-
19.

Kaugnay nito, ilang isyu o paglabag na may kinalaman sa etika ng pagsulat sa mga iba’t ibang sulatin ang
mahalagang bigyang-pansin:

a. Copyright (karapatang-ari) - Sa Pilipinas, nakasaad sa ating Saligang Batas ang R.A.No. 8293 o Intellectual
Property Code of the Philippines ang mga karapatan at obligasyon ng may-akda (manunulat, iskolar, tagasalin,
editor, mananaliksik atbp.), pati na ang paggamit sa kanilang mga akda. Ang sapat na kaalaman sa pagsisipi
at pagbubuod ay kinakailangan upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan lalo na sa larangan ng akademya.
Mahalagang tukuyin ang may-akda, kung saan nanggaling ang datos, petsa, nanlimbag, at iba pang
impormasyon.

b. Plagiarism (plagyarismo) – ito ang pagnanakaw ng isang tao sa ideya, pananaliksik, lengguwahe, at
pahayag ng ibang tao upang magmukhang sa kaniya. Ayon kay Diana Hacker (
www.newworldencyclopedia.com), may tatlong uri ng paglabag ang maituturing na plagiarism: 1) hindi
pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya; 2) hindi paglalagay ng panipi sa hiniram
na direktang salita o pahayag; 3) hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod
(summary) at hinalaw (paraphrase).

c. Paghuhuwad ng mga datos


1. Imbesyon o gagawang datos
2. Sinadyang di-paglalagay ng ilang datos
3. Pagbabago o modipikasyon ng datos
d. Pagbili ng mga papel o pananaliksik sa mga lugar gaya sa mga tindahan sa
Metro Manila at lagyan ng sariling pangalan upang ipasa sa guro.
11
FsPL TVL Grade 12 -Q2
e. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website at angkinin ang mga ito.
f. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang ipagawa ang papel, tesis, disertarsyon, report atbp.

Mga Pagpapahalagang Intelektuwal at Moral sa Akademya

Ayon kay Paul (1995), mahalagang isabuhay ng mga mag-aaral ang mga pagpapahalagang moral sa pagsulat
upang makabuo ng tunay na etikal, mapagpalaya, at kritikal na pag-iisip sa pagsusulat.
a. Kababaang-loob- huwag angkinin ang hindi sa iyo, aminin na hindi sa iyo ang ideya o datos.
b. Lakas ng loob- na harapin at tanggapin ang hamon ng pagsusulat.
c. Pakikiisa at pang-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba- paggamit ng mga salita na angkop sa paningin ng
iba upang di makainsulto.
d. Integridad- ang pagsusulat ng buong katapatan sa pagkuha at paggamit ng pagmamay-ari ng iba.
e. Pagsisikhay- ang hindi pagsuko sa hamon ng pagsusulat.
f. Paniniwala sa katuwiran.
g. Pagiging makatarungan, katapatan, at pagsunod sa mga alituntunin sa larangan ng pagsulat.
h.Kamalayang mapanuri- kailangan ang mapanuring kaisipin sa pagsulat upang mapalalim ang mga ideya,
kaisipan at Gawain.
i. Hiya- ang pag-aatubili na kuhanin ang ideya ng iba ay isang mekanismo upang palaging gawin ang tama.

GAWAIN 1: Basahin ang mga senaryo sa ibaba. Tukuyin kung etikal o hindi etikal ang mga sitwasyon.
Ipaliwanag ang sagot at ibahagi ang mga ito sa klase.

1. Nagsumit e ng m anwal ng isang produkto si Moira hinango niya ang mga larawan s a isang website . Nakalimutan
niyang banggitin ang sors ng mga larawan ito at sa sobrang galak ay agarang binigay ito sa kanilang guro.
Etikal o di-etikal?
Paliwanag:
Dapat sanang ginawa:

2. Tumatanggap ang simbahan ng malalaking donasyon mula sa kilalang politiko sa panahon ng kampanya.
Etikal o di-etikal?
Paliwanag:
Dapat sanang ginawa:

GAWAIN 2: AKROSTIK, punan ang bawat letra na makabubuo ng isang ganap na pagpapakahulugan sa
sa salitang ETIKA.

E-
T-
i-
k-
a-

12
FsPL TVL Grade 12 -Q2
GAWAIN 3: Bigyan ng sariling pakahulugan ang mga sumusunod na may kinalaman etika ng pagsulat.

Salita Sariling Pakahulugan


plagyarismo

copyright

moral

huwad

pagsisikhay

GAWAIN 4: Gamit ang speech bubble sa ibaba magbigay ng iba pang pagpapahalaga na dapat
taglayin ng isang mag-aaral sa pagbuo ng sulatin.

Mga
pagpapahalaga ng
isang
mabuting mag - aaral.

GAWAIN 4: Piliin ang kulay ng iyong antas tungkol sa iyong kaalaman ukol sa etika sa pagbuo ng sulatin.
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Luntian kung di pa sapat ang iyong kaalaman
Dilaw kung may konting kaalaman
Pula kung sapat naman ang iyong kaalaman

13
FsPL TVL Grade 12 -Q2
GAWAIN 5: Sagutin ang katanungan ng speech cloud.

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_____

GAWAIN 6: Pagsama-samahin ang mga sulatin na iyong nabuo sa Piling Larang Tech-Voch, gumawa ng
isang video at banggitin lahat ng mga sanggunian, pinagkuhanan ng mga larawan, ideya atbp. Ang pinal na
awtput ay ipapasa sa messenger at i-post sa inyong social media accounts.

14

You might also like