You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO

FILIPINO SA PILING LARANGAN

Pangalan ______________________________________ Baitang ____________________

Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung wasto ang pahayag. Kung MALI, iwasto ang
pahayag sa pamamagitan ng pagguhit ng maling salita at pagsulat ng tamang salita sa patlang.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
_______1. Pamuhatan ang tawag sa adress ng pinadadalhan ng liham pangnegosyo. M
_______2. Nagtatapos sa kuwit ang pamitagang pangwakas. T
_______3. Personal ang tono ng isang liham pangnegosyo. M
_______4. Ang bating pambungad ang nagtataglay ng titulo ng padadalhan ng liham. T
_______5. Elektronikong liham ang tawag sa liham na isinusulat para sa mga taong nasa loob ng
isang organisasyon. M
_______6. Maaaring gamitin ang liham pangnegosyo sa pangangalap ng pondo. T
_______7. Anyong may indensyon ang pormat ng isang liham kung ang lahat ng mga bahagi nito
ay nasa kaliwa. M
_______8. Kailangang mahaba ang liham pangnegosyo. M
_______9. Pormal ang pagsulat ng liham pangnegosyo. T
_______10. May limang bahagi ang isang liham pangnegosyo. M

Panuto: Isulat sa dayagram na matatagpuan sa kasunod na pahina kung saang hanay nabibilang
ang mga sumusunod na impormasyon.

1. G. Cristobal Perez
Punong Barangay
Baranggay 373, Sona 38

2. Mahal na G. Perez:

3. Lubos na gumagalang,

4. Hinihiling ko po, sampu ng mga kaibigan naming ditto sa aming pook, na kung maaari ay
magtayo kayo ng isang Center para sa mga kabataang huminto na sa pag-aaral.

5. Salvador Villanueva
Pangulo, Samahan ng mga kabataan

6. Kami po ay umaasang inyong pa uunlakan ang aming kahilingan.

7. Maraming salamat po.

8. 2005 Tayuman St.,


Sta. Cruz, Manila

9. Agosto 20, 2005


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO

10. Naniniwala kami sa proyektong ito na malaki ang maitutulong nito sa mga kabataan at
mabigyan sila ng isa pang pagkakataong makapag-aral.

Bating Pamitagang
Pamuhatan Patunguhan Pambungad Katawan Pangwakas Lagda

Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na impormasyon upang makabuo ng isang liham
pangkalakal na liham pag-aaplay. Isaalang-alang ang pagtatalata at gumamit ng anyong
Block (Block Form).

1. Teresa’s Flower Shop


P.O. Box 1020
Manila
2. 24 Dalaga Street
Balut, Tondo, Manila
Agosto 20, 2005
3. Ako po ay labing-anim na taong gulang at nasa ikaapat na taon ng mataas na paaralan.
May karanasan po ako sa pagtatanim at pag-aalaga ng iba’tibang uri ng halaman noong
ako’y nakatira pa sa probinsya. Sa palagay ko po’y makatutulong ang karanasan kong ito
sa pakikipag-usap sa mga taong na bibili sa inyong shop.
4. Lubos na gumagalang,
RIZA POLISON
5. Nabasa ko po sa pahayagan ang inyong anunsyo hinggil sa pangangailangan ninyong
isang receptionist na tatao sa inyong shop kung Sabado at Linggo. Nais ko pong
magpresinta sa trabahong iyon.
6. Ginang:
7. Makatitiyak po kayong magiging mabuti akong receptionist. Hinggil sa aking magiging
kakayahang makisalamuha sa ibang tao, makapagtatanong po kayo sa principal ng aming
paaralan, si G. Teofilo del Mundo, at aking gurong tagapayo na si Bb. Emerlita Bulacan
ng Mataas na Paaralang Gregorio Perfecto.
8. Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Nakahanda po akong makipanayam sa inyo sa
anumang oras na inyong naisin.
9. Maraming salamat.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag
at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

_______1. Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, gawin itong kaakit-akit. T


_______2. Inilalagay sa deskripsiyon ng produkto ang detalyadong paglalarawan dito. T
_______3. Kolokyal ang ginagamit na wika sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto. M
_______4. Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang higit na masuri ang at makilatis ang
isang produkto. T
_______5. Ang deskripsiyon na gagawin ay kailangang tugma sa target na mamimili. T

Panuto: Sumulat ng sariling deskripsiyon ng mga sumusunod na produkto.

Produkto Deskripsiyon
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO

You might also like