You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Surigao del Sur
SOLOMON P. LOZADA NATIONAL HIGH CHOOL
Amag, Bayabas, Surigao del sur

THIRD SUMMATIVE TEST IN THIRD QUARTER


FILIPINO SA PILING LARANG (TECH-VOC)
Multiple Choice Basahin at unawain ng mabuti at piliin ang tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kalimitang ipinamumudmud ang mga flyer/leaflet at
promotional material maliban sa isa, alin sa mga ito?
a. Upang makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo
b. Upang siraan ang isang kakompetensyang produkto
c. Upang maipakilala ang isang produkto o taong ikinakampanya
d. Upang maipabatid ang mga okasyon o talaan ng mga impormasyon tungkol sa isang bagong kainan o
pasyalan
2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng promotional material MALIBAN sa:
a. Brochure
b. Leaflet/flyer
c. Poster
d. Manwal
3. Ano-ano ang karaniwang makikita sa mga promotional materials?
a. Pangalan ng produlto, paglalarawan sa produkto, tagline, larawan o ilustrasyon, impormasyon o akses sa
produkto
b. Flyer/Leaflet
c. Detalyadong paglalarawan ng produkto, espisipikong pagbanggit sa mga katangian ng produkto
d. Mga sagot sa mga katanungang katulad ng: ano ang katangian ng produkto, saan nabibili ang produkto,
kalian maaring gamitin ang produkto, sino ang maaring gumagamit sa produkto
4. Ito ay kadalasang inililimbag sa isang pahina lamang na ginagamit bilang handout at ipinamimigay upang
maipakilala ang isang produkto o taong ikinakampanya, atbp.
a. Brochure
b. Leaflet/flyer
c. Poster
d. Magazine
5. Ito ay kadalasang inililimbag sa isang pahina lamang na ginagamit bilang handout at ipinamimigay upang
maipakilala ang isang produkto o taong ikinakampanya,atbp.
a. Poster b. Leaftlet/Flyer c. Brochure d. Magazine
6. Bakit mahalagang makatawag-pansin ang mga flyers at iba pang promotional material?
a. Upang mas pagtuunan ng pansin ang biswal na paglalarawan sa produkto
b. Nang sa gayon ay makamit ang layunin nitong makapagbigay impormasyon hinggil sa isang produkto at
makahikayat ng mga taong tatangkilik sa mga ito.
c. Dahil nagsisilbi itong gabay tungkol sa isang produkto o serbisyo.
d. Hindi mahalagang makatawag pansin ang flyer o promotional material.
7. Ito ay isang promotional material na kalimitang mas mahaba sa isang pahina, nagsisilbing gabay sa mga
mamimili dahil naglalahad ito ng higit sa detalyadong paglalarawan sa isang produkto:
a. Flyer b. Brochure c. leaflet d. poster
8. Isang promotional material na naglalaman ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa larawan o ibig
iparating na mensahe sa biswal na paraan:
a. Poster b. flyer c. leaflet d. brochure
9. Saan kadalasang matatagpuan ang sapat na pagpapakilala at pagbibigay katangian sa isang produkto o
serbisyo?
a. Pabalat b. website ng gumawa nito c. magazine d. lahat ng nabanggit
10. Bakit kailangang madaling maunawaan ng mga mamimili ang deskripsyon ng isang produkto?
a. Sapagkat ito ang maaaring magtakda kung ito ay tatangkilikin o hindi ng mga mamimili
b. Ano ang kahalagahan ng isang mahusay na deskripsyon ng isang bagay
c. Upang mailahad kung paano ito gagamitn ng tama
d. Lahat ng nabanggit
11. Ano ang kahalagahan ng isnag mahusay na deskripsyon ng isang produkto?
a. Naipapahayag ang mga katangian ng isang produkto gamit ang mga salitang naglalarawan at
nakapagbibigay ng biswal na paglalarawan sa isang produkto upang maging pamilyar ang mga gagamit
nito
b. Ito ay daan ng komunikasyon at mas madaling magkakaunawaan ang mga mamimili kung alam ang
deskripsyon ng produkto
c. Ito ay repleksyon ng ating tradisyon at makakatulong upang mapanatili ang kaugalian at tradisyong
maipapasa sa susunod na henerasyon
d. Upang magkaroon ang mga mamimili ng ideya sa pagproseso ng pagbuo at paglikha ng produkto
12. Ang mga sumusunod na katanungan ay nagbibigay kasagutan sa pagbanggit ng katangian ng isang produkto,
MALIBAN sa:
a. Saan nabibili ang produkto?
b. Sino ang maaaring gumamit sa produkto?
c. Kalian maaaring gamitin ang produkto?
d. Ano ang kulang sa produkto?
13. “Ang deskripsyon ng produkto ay nagtataglay ng pangangatwiran sa isang produkto”
Ano ang nararapat na salita ang ipapalit sa salitang may salungguhit upang maging tama ang nasa itaas na
pangungusap?
a. Paglalarawan b. pagbuo c. pagsasagawa d. pagsulat
14. Ano ang dapat tandaan upang maiwasan ang kalituhan ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng deskripsyon ng
isang produkto?
a. Panatilihing ang pagiging payak, tiyak, makatotohanan at akma sa aktuwal na produktyo ang pagbibigay
ng deskripsyon
b. Kailangang matalinghagang salita o paglalarawan ang gamitin sa pagbibigay deskripsyon upang
mapahanga ang mga mamimili
c. Komplikado at gumagamit ng simbolismo ng wika ang pagbibigay deskripsyon sa isang produkto upang
mapukaw ang interes ng mga mamimili
d. Maaaring magdagdag ng mga salitang hindi naglalarawan sa aktwal na produkto upang makainganyo ng
mas maraming mamimili
15. Sa isang dokumentasyon, mahalagang panatilihin ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang
bagay upang makahatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa. Ano ang ibig sabihin ng salitang
“kronolohiya”
a. Pagkakasunod-sunod ng mga bagay
b. Pagkakabaliktad ng mga bagay
c. Paatras na pagkakasunod ng mga bagay
d. Paurong na sekwins ng mga bagay

You might also like