You are on page 1of 23

Panuto:

Ipabasa ang tula sa iyong kaibigan,


kapatid o di kaya sa magulang.
Pakinggan mo ito habang binibigyang
buhay. Pagkatapos ay sagutan ang
kasunod na mga gawain, sa isang
hiwalay na papel.
Maganda ba ang pagkakabasa ng tula ng iyong kaibigan?
Nagustuhan mo ba ang nilalaman nito? Kung gayon basahin
mo itong muli nang may buong damdamin upang mas lalo
mong maunawaan at maiintindihan ang nais iparating ng
may-akda. Ngayon sagutan mo ang mga tanong:
1. Sa tingin mo, ano ang pinagdidiwang ayon sa akda?

2. Bakit sinasabing pinagpala ang mga guro?

3. Paano ipinakita ng may-akda ang kanyang pagmamahal


sa mga kabataan?
Tula
Ang tula ay isang uri ng akdang
pampanitikang naglalarawan ng buhay,
hinango sa guniguni, pinararating sa
ating damdamin, at ipinahahayag sa
pananalitang may angking aliw-iw.
Isang uri ng panitikan na
pinagyayaman sa pamamagitan
ng paggamit ng tayutay, at
malayang paggamit ng mga
salita sa iba’t ibang estilo.
Kung minsan ito ay maiksi o mahaba.
Ito ay binubuo ng saknong at taludtod
na karaniwang wawaluhin,
lalabindalawahin, lalabing-animin at
lalabing-waluhing pantig.
Mga Uri ng Tula

Tulang pasalaysay - ito ay


nagsasalaysay, naglalarawan ng mga
mahahalagang pangyayari sa buhay
na matatagpuan sa mga linya o berso
na nagbabahagi ng isang kwento.
Tulang pandulaan - ito ay isang
patulang usapan ng isang
pagtatanghal na naglalarawan ng
mga tagpong lubhang madula na
maaring makatulad, makaparehas,
o maiba sa nagaganap sa pang
araw-araw na buhay.
Tulang liriko - ito ay ang pagtatampok ng
isang makata ng kanyang sariling
damdamin, iniisip at persepsyon.

Ang tulang liriko ay puno ng masisidhing


damdamin ng tao tulad ng kalungkutan,
pag-ibig, kaligayahan, kabiguan at iba pa,
ito ay maikli at payak na uri ng tula.
Tulang patnigan- ito ay kilalang
tulang sagutan sapagkat ito ay
itinatanghal ng mga nagtutunggaliang
makata ngunit hindi sa paraang
padula kundi sa paraang patula na
tagisan ng talino at katuwiran ng mga
makata.
Mga Elemento ng Tula

Ang Tula ay may anim na elemento


tulad ng mga sumusunod: sukat,
tugma, talinghaga, larawang-diwa,
simbolismo at kariktan.
Ang sukat ay tawag sa bilang ng
mga pantig sa bawat taludtod ng
saknong. Karaniwang gamitin ang
labindalawa, labing-anim, at ang
labingwalong pantig.
Ang tugma ay ang pagkakaroon ng pare-
pareho o magkakahawig na tunog sa dulo
ng mga panghuling salita ng taludtod.
Ang panghuling pantig sa dulo ng taludtod
ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig
at binibigkas nang mabilis, malumay, o may
impit sa lalamunan.
Ang talinghaga ay sadyang paglayo sa
paggamit ng mga pangkaraniwang salita
upang maging kaakit-akit at mabisa ang
pagpapahayag.

Halimbawa:
• Nanininggalang pugad na ang anak niya
• Bumaha ng dugo sa sandaigdigan
• Ang buong mundo’y umiiyak dahil sa
tanikalang dulot ng pandemya
Ang larawang-diwa o Imagery ay tawag sa
mga salitang binabanggit sa tula na nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa.
Halimbawa:
Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid,
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Ang simbolismo o symbolism ay mga
salita sa tula na may kahulugan sa
mapanuring isipan ng mambabasa.

Halimbawa:
krus – kamatayan/pananampalataya tinik
– pagsubok/hirap
kalapati – kalayaan ilaw – pag-asa
Ang kariktan naman ay ang paggamit
ng mga maririkit na salita sa tula. Ito
ang pagsasama-sama ng mga
katangiang nagpapatingkad sa
katangian ng tula at pumupukaw sa
mayamang imahinasyon ng
mambabasa.
Halimbawa
maganda - marikit
agos - daloy
mabango - mahalimuyak
Isang Punongkahoy

You might also like