You are on page 1of 25

Klase sa

filipino 10
Bb. Karen Joy D. Aliparo
PANIMULANG
PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin ang
mga sumusunod na
elemento ng tula
batay sa isinasaad ng
mga pahayag.
1. Tumutukoy ito sa paggamit ng
mga tayutay upang pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
TALINHAGA
2. Elemento ng Tula na
tumutukoy sa bilang ng pantig
ng bawat taludtod.
SUKAT
3. Ito naman ay tumutukoy sa
paraan ng pagbigkas ng
bawat taludtod ng tula.
TONO O INDAYOG
4. Isa mga elemento ng tula na
tumutukoy sa mga
magkakasingtunog na salita sa
huling pantig ng mga salita.
TUGMA
5. Ito ang mga salita sa tula na
may kahulugan sa mapanuring
isipan ng mga mambabasa.
SIMBOLO
TULA at MGA
ELEMENTO
NITO
TULA
Ang tula o panulaan ay isang
masining na anyo ng panitikan na
naglalayong maipahayag ang
damdamin ng makata o manunulat
nito. Kilala ito sa malayang
paggamit ng wika sa iba’t ibang
anyo at estilo.
TULANG LIRIKO
Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding
emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng
pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa.
Maikli at payak ang uring ito ng tula.

SONETO
Ang tulang ito ay may labing-apat na taludtod hinggil sa
damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao. Naghahatid ng
aral sa mambabasa.
ELEMENTO NG TULA

SAKNONG-
Pagpapangkat ng mga
taludtod ng isang tula
2 nataludtod – couplet
3 na taludtod – tercet
4 na taludtod – quatrain
5 na taludtod – quintet
6 na taludtod – sestet
7 na taludtod – septet
8na taludtod – octave
ELEMENTO NG TULA
SUKAT - Ito ay
tumutukoy sa
bilang ng pantig ng
bawat taludtod na
bumubuo sa isang
saknong.
ELEMENTO NG TULA
TUGMA
Ito ay isang katangian na hindi
angkin ng mga sumusulat ng prosa.
Ang tugma ay tumutukoy sa
magkakasintunog na huling pantig
ng huling salita ng bawat linya.
ELEMENTO NG TULA
TONO O INDAYOG
Ito ay tumutukoy sa paraan ng
pagbigkas ng bawat taludtod ng
tula. Ito ay karaniwang pataas o
pababa.
ELEMENTO NG TULA
KARIKTAN
Ito ay mga maririkit na salita para
mapasaya ang mambabasa at mapukaw
ang damdamin at kawilihan
Halimbawa
maganda – marikit
kuweba- yungib
ELEMENTO NG TULA
TALINGHAGA
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga
tayutay o matatalinhagang mga pahayag
upang pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa.
Halimbawa – nagbabanat ng buto –
nagtatrabaho o naghahanapbuhay
ELEMENTO NG TULA
SIMBOLISMO
Ito ang salitang kapag binabanggit sa tula ay
nag-iiwan ng kahulugan sa isipan ng
mambabasa;
araw o liwanag – pag-asa
Juan – Pilipino
krus – relihiyon o pagtukoy sa Diyos
Rizal – karunungan o kahinahunan
Ang pag-ibig ang
pinakadakila sa
lahat sapagkat ito
ang nagbibigay ng
kahulugan sa ating
buhay

You might also like