You are on page 1of 1

Ang SANAYSAY ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

Ang SANAYSAY naman sa Filipino ay salitang likha ni Alejandro G. Abadilla. Pinagsanib niya ang mga salitang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ang sanaysay ay isang malayang pagpapahayag ng karanasan, damdamin, kuro-kuro ng isang manunulat at itoy inilalahad sa isang malinaw, lohikal at nakakahikayat na pamamaraan.

Pormal o Maanyo
Ang sanaysay na pormal o baguhan - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. katulad ng Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong tangang pagbibiro.

Impormal o Di-pormal
Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-lungkot, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiin nito dito ang mga bagaybagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

You might also like