You are on page 1of 12

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
MONDAY & TUESDAY @1:00PM-2:00PM

Prepared by: Ms. Remylyn Cadorna


Naganap ang Bataan Death March noong
Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigding
Francisco Domagoso ang tunay na
pangalan ni Isko Moreno. Naging tanyag
lamang siya sa kaniyang screen name kaya
ito na rin ang naging pangalan niya bilang
politiko.
Bumaba ang mga marka ni Leni dahil hindi
siya nakakuha ng pagsusulit.
Tekstong Dekripto
- Tekstong naglalarawan
- Mayaman sa mga salitang pang-uri o pang
abay
- Naglalayon
na makapagpinta ng imahe sa
hiraya ng mambabasa gamit ang limang
pandama: paningin, pang-amoy,
pandama,pandini at panlasa
ARALIN 2:
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
Tekstong Dekriptibo
- Sinasabingang teksto ay deskriptibo kung ito ay uri
ng tekstong naglalarawan. Naglalaman ito ng
impormasyong ginagamitan ng mga salitang
pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay, hayop,
lugar, o pangyayari. Mayaman sa mga salitang pang-
uri o pang-abay ang mga tekstong deskriptibo.
Nakatutulong kasi ito sa malinaw na pagtukoy sa
mga katangian.
Tatlong uri ng tekstong deskriptibo
1. Deskripsyong Teknikal
2. Deskripsyong Karaniwan
3. Deskripsyong Impresyonistiko
Deskripsyong Teknikal
• Itoay naglalayong magbigay ng paglalarawang
detalyado at gumagamit ng mga eksaktong salita
sa pagbibigay ng katangian

Halimbawa: Tatlong piraso na lamang ng tsokolate


ang laman ng pulang kahong ibinigay ni Benedicto.
Deskripsyong Karaniwan
• Ito
naman ay uri ng paglalarawan sa pamamagitan
ng pagbibigay ng impormasyong pangkalahatan at
maraming tao o bagay ang nagtataglay ng ganoong
katangian.

Halimbawa: Si Benedicto ay mapayat na


matangkad.
Deskripsyong Impresyonistiko
Ito ay pagbibigay ng paglalarawan sa pamamagitan ng
pansariling pananaw, opinyon o saloobin sa isang tao. Ito ay
karniwang iba sa kaniyang kapuwa at hindi itinuturing na
lubhang totoo dahil ito ay subhektibong pananaw lamang.

Halimbawa: Namamalditahan ako sa anak na panganay ni


Aling Marta dahil ramdam kong hindi totoo ang kanyang
pagngiti sa atin.
Layunin at Kahalagahan ng Tekstong
Deskriptibo
Layunin ng tekstong deskripto ay ang iparating ang katangian ng
isang tao, bagay, hayop, pangyayari , o lugar. Ang pagkilala sa
katangian ng mga ito ay nakatutulong upang ma matandaan ang
mga ito.

Mahalaga ring pag-aralan at mabasa ang tekstong deskriptibo


sapagkat malaking bahagi ng ating pag-unawa sa kapuwa ay pag-
alam sa mga katangian nito. Kapag nalaman o natukoy ang
katangian, magbubunga ito ng mas malawak na pag-unawa sa iba.

You might also like