You are on page 1of 5

Mati School of

Paaralan Baitang 11
Arts and Trades
Pagbasa at
MALA-MASUSING Pagsuri ng Iba’t
BANGHAY-ARALIN Guro Jasmin T. Morales Asignatura Ibang Teksto
Tungo sa
Pananaliksik
Mabait
(9:45-10:45 a.m.)
Malinis
(10:45-11:45 a.m.) Ikatlong
Petsa/Oras Markahan
Pebrero 19, 2024 Markahan
Masinop
(3:00-4:00 p.m.)
Pebrero 21, 2024
I. LAYUNIN
Sa animnapung (60) minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Naipapaliwanag ang kalikasan ng teksto;


b. Nabibigyang-halaga ang paglalarawan ng pagsulat; at
c. Nakasusulat at nakapagdurugtong ng paglalarawan na
maiuugnay sa sarili, pamilya, kumunidad/bansa.
II. NILALAMAN/
TEKSTONG DESKRIPTIBO: Makulay na Paglalarawan
PAKSA
Link: https://tekstongdeskriptibo3.design.blog/2020/02/13/tekstong-
Sanggunian:
deskriptibo/
Kagamitang Panturo: Mga larawan, pentelpen, PowerPoint, bidyu, kagamitang biswal.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain o Panalangin
o Pagbati
o Pagtala ng liban sa klase
o Pagpaaalala ng mga alituntunin sa silid-aralan
B. Paglinang na Gawain
a. Balik-Aral Pahapyaw na talakayan tungkol sa ”Tekstong Impormatibo”.
Pagbibigay ng ilang mga katanugan katulad ng;
1. Ano ang Tekstong Impormatibo?
2. Mahalaga ba ang pagbasa at pagsulat sa tekstong impormatibo?
b. Pagganyak EROPLANONG PAPEL

Panuto: Gumawa ng eroplanong papel, sa loob nito isulat ang sagot sa


mga katanungang;
1. Saan o anong lugar/bansa ang gusto mong mapuntahan?
2. Maari mo ba itong ibahagi sa pamamagitan ng paglalarawan?
c. Paglalahad HALINA’T MAGLAKBAY!

Sa paglalakbay na ito ay may dalawang ticket, ito ay ang pangkat


byahero at pangkat manlalakbay, upang malaman kung anong pangkat
ka nabibilang may mga perasong papel na ipapabunot ang guro na
naglalaman ng mga ticket na ito. Kapag ito ay itim na bulaklak o
malunggay ito ay ang pangkat byahero, kapag ito naman ay pula at
puso ito ay ang pangkat manlalakbay.

LINK: https://www.youtube.com/watch?v=woUr20qwhvw
d. Paglalapat Panuto: Ibahagi sa kapangkat ang mga nakita, ibabahagi ito ayun sa
mga sumusunod na mga yugto.

 Unang yugto – pagbibigay ng panuto bago ang pagtatalakay, at


virtual na pagtatalakay
 Ikalawang yugto – (4 minuto) pagtala ng bawat kasapi ng
pangkat ng mga nakita o namalas sa mga lugar na pinasyalan
 Ikatlong yugto – (1-2 minuto) pagbabahagi ng naitala at
karanasan mula sa virtual na paglalakbay.
e. Pagpapahalaga Ang paglalarawan sa teksto ay nakakatulong upang mas mapalawak
ang imahenasyon at maintidihan ng mambabasa ang mga imahe na nais
ipaisip o iparating ng mga mambabasa.
f. Paglalahat

paglalarawan pandama

Ano ang
deskriptibong
teksto?
Imahe katangian
Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng tekstong naglalarawan. Ito ay
mayaman sa paggamit ng mga pang-uri at pang-abay upang mag
larawan sa isang tauhan, tagpuan, mahahalagang bagay, at maging sa
emosyon o damdamin upang magbigay ng mga impormasyon sa mga
mambabasa.

Dalawang uri ng paglalarawan:


1. MASINING NA PAGLALARAWAN
 Ito ay nakabatay sa persepsiyon o sariling interpretasyon at
emosyon ng manunulat naginagamitan ng matalinhagang
pahayag kagaya ngmga tayutay o idyoma.
2. KARANIWANG PAGLALARAWAN
 ito ang uri ng paglalarawan na kung ano ang nakikita,
nadarama, nairinig, o di kaya'y nalalasahan, iyon ang ilalaman
sa ginagawang paglalarawan.
C. Pangwakas na Gawain
Pagsasanay Panuto: Tukuyin ang uri ng tekstong deskriptibo sa mga sumusunod
na pangungusap. Kung ang sagot ay Karaniwang Paglalarawan isulat
ang “KP” at “MP” naman kung ang sagot ay Masining na
Paglalarawan. Sagotan ito sa isangkapat na papel.

1. Ang sanggol ay malusog.


Sagot: KP
2. Ang kanyang daliri ay hugis kandila.
Sagot: MP
3. Siya ay kutis porselana.
Sagot: MP
4. Siya si Da Luisa at ang malungkot na dalagita ay anak nitong si
Dolores.
Sagot: KP
5. Ang kagandahan ng dalaga ay katulad sa isang bulaklak na bago pa
lamang bumubuka.
Sagot: MP
6. Nakakatakot ang pangitaing nabasa ko sa bibliya.
Sagot: KP
7. Ang bukid at mahihintulad sa kayamanan na dapat lamang
pahalagahan.
Sagot: MP
8. Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at
pagmumukha dahil sa katabaan.
Sagot: KP
9. Mahaba ang kanyang buhok umaabot hanggang baywang.
Sagot: KP
10. Alon-alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-
inggit niyang katawaan at taas.
Sagot: MP
IV. PAGTATAYA
Panuto: Gumawa ng tiglilimang halimbawa ng karaniwang
paglalarawan at masining na paglalarawan. Dalawang puntos bawat
bilang.
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay o halimbawa ng tekstong
deskriptibo ukol sa isang lugar na nais mong marating/mapasyalan.
Ano-ano ang mga katangian at magagandang tanawin na
nabalitaan/nasaliksik mo ukol rito na naging dahilan ng pagnanais mo
na mapuntahan ito. Isulat ito sa isang buong papel. (Malayang
pagsulat).

Pamantayang Nilalaman:
Kaugnayan sa paksa 5
Wastong paggamit ng mga salita 5
Kalinisan 5
Kabuuan 15

Inihanda ni: Nabatid ni:


Jasmin T. Morales Noreen Grace N. Egos
Estudyanteng Guro Gurong Tagapagsanay

You might also like