You are on page 1of 3

GRADE 6 School STA.

CLARA CENTRAL SCHOOL Grade Level VI


DAILY LESSON Teacher MARIA THERESA S. TUGA-ON Learning Area FILIPINO
LOG Teaching Dates JANUARY 20, 2023 Quarter 2nd QUARTER
and Time
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman  Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
unawa sa napakinggan
 Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
 Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t- ibang uri ng teksto at
naplalawak ang talasalitaan
 Napuunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t- ibang uri ng sulatin
 Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t- ibang
uri ng media.
 Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika
sa komunikjasyon at pagbasa ng iba’t- ibang uri ng panitikan.
B. Pamantayan sa Pagganap  Nkapagsasagaw ng isahang pagsasadula tungkol sa isang isyu o
paksang napakinggan
 Naiuulat ang isang isyu o paksang napakinggan
 Napapahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali
sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento,
pagsulat ng tula at kuwento.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto. Nagagamit nang wasto ang pang- uri sa paglalarawan sa iba’t- ibang
Isulat ang code ng bawat sitwasyon.
Kasanayan (F6OL-IIa-e-4)
II. NILALAMAN Pang- uring Panlarawan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Saggunian
1. Mga Pahina ng Gabay ng Guro
2. Mga Pahina ng Kagamitang 50- 55
Pang- mag- aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan ng
Learning Resources (Portal)
B. Iba pang Kagamitang Panturo Telebisyon, Manila Paper, larawan, mga kahon
IV. PAMAMARAAN
A. Balik- Aral sa nakaraang aralin A. Ikembot ang bewang kung ang salita ay tambalan at ipadyak ang paa
at/o pagsisimula ng bagong kung hindi.
aralin 1. Bahaghari 4. Bahay- bahayan
2. Balat- sibuyas 5. balikbayan
3. Araw- araw

B. Pagkatang Gawain
- Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.
- Ang bawat pangkat ay pipili ng lider na mamumuno.
- Ipaayos sa bawat pangkat ang puzzle upang mabuo ang larawan.
B. Paghahabi sa Layunin ng Pagsagot sa mga Tanong:
Aralin Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang tawag sa larawan na nabuo ng mga nasa unang pagkat?
Ikalawang pangkat? Ikatlong pangkat? Ikaapat na pangkat?
2. Ano ang masasabi ninyo sa larawan ng karagatan? Kakahuyan?
Plasa? Pagkain?

Pangkatang Gawain
- Ang bawat pangkat ay gumawa ng pangungusap ayon sa
larawang nabuo gamit ang mga salita na nakasulat sa labas ng
kahon. Isulat ito sa mahabng papel at idikit sa pisara.
C. Pag- uugnay ng mga Paghahawan sa mga Balakid:
Halimbawa sa Bagong Aralin

Pangkatang Gawain (Sabayang Pagbasa)


- Ang bawat miyembro ng pangkat ay bibigyan ng kopya ng tulang
“Ang Bayan ng Kalamansig” upang ipabasa ng sabay- sabay.
- Bigyan sila ng limang minuto upang magsanay.

Ang Bayan ng Kalamansig


Maria Theresa S. Tuga-on

Kalamansig ang bayang aming pinagmulan


Masagana kami sa mga likas na yaman
Magagandang tanawin dito’y matatagpuan
Malawak na karagatan na tila walang katapusan.

Iba’t- iba man ang tribong aming kinagisnan


Mga tao rito’y nagkakaisa’t nagtutulungan
Maunawain ang lahat at nagbibigayan
Labis na pagmamahal ang aming sandigan.

Halika’t pagmasdan mo ang bayang aming sinilangan


Pasyalan mo kami’t iyong matutuklasan
Kabigha- bighani ang taglay nitong kagandahan
Na sa Poong Maykapal aming pinapasalamatan.
D. Pagtalakay ng Bagong Pagsagot sa mga tanong:
konsepto at paglalahad ng - Sagutin ang mga tanong.
bagong kasanayan #1 1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Saan matatagpuan ang bayang inilalarawan sa tula?
3. Ano- ano ang katangian ng mga taong nakatira rito?
4. Bakit kailangang pasyalan ang bayan ng Kalamansig?
5. Totoo bang mayaman tayo sa mga likas na yaman?
6. Sa papaanong paraan natin ito mapanatili at mapangalagaan?
E. Pagtalakay ng bagong Paglalarawan:
konsepto at paglalahad ng - Ilarawan ang bayan ng Kalamansig? Ano ano ang taglay na
bagong kasanayan #2 katangian ng ating lugar ayon sa tula?
- Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa mga pangngalan
at panghalip?

Pang- uring Panlarawan- ay pang-uri na maaaring maglalarawan sa


katangian, itsura o anyo, lasa, amoy, tunog, kayarian at hugis ng pangngalan
at panghalip.
F. Paglinang ng Kabihasanan Ikahon ang mga pang-uring panlarawan na ginamit sa pangungusap.
(tungo sa Formative 1. Ang ating karagatan ay sagana sa mga isda, kabibe, hipon, alimango
Assessment) at iba pang lamang dagat.
2. Malawak ang mga sakahang matatagpuan sa aming bayan.
3. Kay linis- linis ng aming paaralan ngayon.
4. Ang Kalamansig ay bayang mapayapa.
5. Kabigha- bighani ang mga tanawin dito.
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Pagpapakita ng mga larawan:
araw- araw na buhay Set A.
1. Maruming ilog
2. Kalbong Kagubatan
3. Payat at masakiting mga bata
4. Lugmok sa Kahirapan

Set B.
1. Malinis na Kapaligiran
2. Matatayog na mga punongkahoy
3. Malulusog at masayahing mga bata
4. Maunlad na pamayanan

Pagsagot sa mga Tanong:


1. Ano ang mga pang- uring panlarawan ang pwedeng gamitin sa mga
larawan na nasa set A? set B?
2. Ano ang maging resulta sa patuloy na pagkasira ng ating kalikasan?
3. Anong set ng mga larawan ang gusto ninyong magiging tirahan?
Bakit?
4. Ano ang magiging resulta kung patuloy nating inaalagan ang ating
kalikasan?
5. Ibigay ang inyong opinyon sa mga naranasang pagbaha at pagguho
ng lupa sa ating lugar. Dapat ba tayong mabahala rito? Ano ang mga
solusyon na pwede nating gawin upang maiwasan ang mga ito?
H. Paglalahat ng Aralin Pagsagot sa mga tanong:
1. Ano ang pang- uri?
2. Ano ang tawag sa pang-uring maaaring maglalarawan sa katangian,
hitsura o anyo, kulay, lasa, amoy, tunog, kayarian at hugis ng
pangngalan at panghalip?
3. Mahalaga ba ang pang- uri sa ating pang- araw- araw na buhay?
Bakit?
4. Kung ikaw ay isang pang- uri? Ano ka? Bakit?
I. Pagtataya ng aralin Isulat sa ptlang bago ang bilang ang pang- uring panlarawan na ginamit sa
pangungusap.
__________1. Kay linis- linis ang aming kapaligiran.
__________2. Ang mga mag- aaral ay may malulusog na pangangatawan.
__________3. Ang aming ina ay nagtatanim ng mga magagandang bulaklak.
__________4. Malawak ang palaisdaan na inaalagaan ng aking ama.
__________5. Luntian ang mga punongkahoy sa kagubatan.
__________6. Ang Sta. Clara ay isang maunlad na barangay.
__________7. Sariwa ang mga nabibiling gulay at isda sa palengke.
__________8. Malamig ang simoy ng hangin tuwing Disyembre.
__________9. Si Gng. Ilao ay isang masinop na guro.
__________10. Kaming lahat ay mga matatalinong bata.
J. Karagdagang Gawain para sa Gumuhit ng isang sitwasyon sa loob ng inyong klasrum na hindi mo
takdang- aralin at remediation malilimutan sa isang buo at malinis na papel. Gumawa ng maikling talata
mula rito gamit ang mga pang- uring panlarawan.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag- aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag- aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag- aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ng aking
naranasan na solusyonan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong Kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa iba pang mga
guro?

Inihanda ni:

MARIA THERSA S. TUGA-ON


Guro I

Binigyang Pansin Ni:


DAYLENE GRACE A. ACIELO
Punongguro I

You might also like