You are on page 1of 1

D A G D A G K A A L A M AN- (FOR YOUR INFORMATION)

KATUTURAN NG ALAMAT
Ang salitang alamat o legend ay mula sa salitang Latin na legendus na nangangahulugang “upang mabasa”. Isang
mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mg alamat. Ang mga ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga
bagay-bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari. Ang
karaniwang paksa ng alamat ay ang ating katutubong kultura, mga kaugalian at kapaligiran.

MGA ELEMENTO NG ALAMAT

Tauhan- ang mga taong gumaganap sa kuwento. May dalawang uri ng tauhan, ang protagonista na siyang
itinuturing na bida at ang antagonista na itinuturing na kontrabida sa akda.
Tagpuan- ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda.
Buod/ Banghay- ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda. Nahahati ito sa mga pangyayari. Ang
simula, pataas na aksyon, kasukdulan, pababang aksyon at wakas.
Mensahe- ang aral na nais ipabatid ng akda.

Paglinang ng Talasalitaan

Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit.
1. Ang ilang butil ng buhangin ay kanyang isinabog kaya’t lumitaw ang isang pulo dahil sa ikinalat na ito.
2. Isinakay sa duyan ang anak ng datu at naging maingat ang paglululan dito.
3. Sundin ang lahat ng tagubilin para sa maysakit at laging isaisip ang mga paalalang ito.
4. Uminog ang ulap at tinangay nang papaitaas ang pagong.
5. Tinakpan ng masamang anak ng makakapal na kaliskis ang mga isda.

You might also like