Professional Documents
Culture Documents
Pagpapahayag ng
Damdamin
Mga pangungusap na padamdam
Ito ay mga pangugusap na nagpapahayag ng matinding
damdamin o emosyon.
Gumagamit ng tandang padamdam (!).
HAL:
• Wow, ang suwerte mo naman! (saya)
• Ayan na sila, magtago na kayo! (taranta)
• Diyos ko po, nasusunog ang buong gubat! (takot)
• Subukan mong lumapit! (pagbabanta)
Mga sambitla o bulalas
Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahyag
ng matinding damdamin (pagkagulat, pagtutol o pag – sang-ayon.
Sinasalita ang mga ito nang pasigaw o kaya naman ay may diin.
HAL:
• Sus! (inis)
• Aray! (sakit)
• Naku! (gulat)
• Yehey! (galak)
• Huwag! (pagmamakaawa)
Mga salitang tumutukoy sa tiyak na
damdamin
Ito’y mga pangungusap na pasalysay kaya’t hindi nagsasaad ng
matinding damdamin, ngunit nagpapakita naman ng tiyak na
damdamin o emosyon.
HAL:
kasiyahan: Napakagalak na isipin na may pagkaing
naihanda na sa mesa.
pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga
taong hindi marunong rumespeto sa iba.
pagkalungkot: Masakit tignan ang mga batang
hubad sa kalye.