You are on page 1of 27

A.Y.

2019-2020

Filipino 10
G. Johnny V. Abalos Jr.
Pang-araw-araw na Gawain :
Pambungad na Panalangin

Ating alalahanin na tayo ay nasa kabanal-banalang


harapan ng Diyos.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo Amen.

Personal na Panalangin (A-C-T-S)


Lasalyanong Panalangin

Lider: Sabay-sabay nating dasalin ang Lasalyanong panalangin.

Tugon: Ipagpapatuloy ko O Panginoon ko ang lahat ng aking mga magagandang gawain alang-alang sa pag-ibig ko sa Iyo.
Lider: Nuestra Senyora de La Salette,
tagapagkasundo ng sanlibutan.

Tugon: Ipanalangin Mo kaming walang


humpay na nananalig sa Iyo.
Lider: San Juan Bautista ng La Salette

Tugon: Ipanalangin Niyo kami.


Lider: Hesus manatili ka sa aming mga
puso.

Tugon: Magpakailanman.
Pagsasaayos ng silid

Pagtsek ng lumiban

I-update ang PATH


1) Pagdedistribyut ng mga namarkahang
LAS.

2) Ilakip ang LAS sa portfolio folder.


I- update ang iyong talaan ng nilalaman

LAS # Petsa Pamagat ng


Gawain

Paalala: Huwag magsulat ng anuman sa iskor. Ang guro na


ang mag-a-update nito.
 Pagbibigay ng bagong LAS.

Tala: Tupiin ang papel sa kaliwang bahagi nito


upang magkaroon ng isang pulgadang
puwang/palugit.
Isulat ang iyong Control
Number
Isulat ang iyong Pangalan:

(Apelyido, Unang Pangalan,


Gitnang Inisyal)
Isulat ang Baitang:

10- St. Ignatius of Loyola


Isulat ang Petsa:

Setyembre__ , 2019,
________
Gawain Bilang:
16
Itsek ang sabjek:

Filipino
Uri ng Gawain:

Konseptong
Pangkaisipan
Dril/Pagsasanay
Pamantayang Pangnilalaman:

Matalinghagang Pananalita (Akda)


Pamantayan sa Pagkatuto:

Natutukoy ang mga matatalinghagang pananalita sa


akda.
Sanggunian:

Collado, J. C.(2013). Bukal 10. Brilliant Creations


Publishing, Inc.;Quezon City,pp. 329-330
Matalinghagang Salita
Mga pahayag na may di-tahasang pagpapakahulugan.
 
May ilang uri ng matalinghagang salita:

1) Pahayag na idyomatiko- Ito ay mga salita o parirala na


ang kahulugan ay hindi mahahango sa
alinmang bahagi ng pananalita.
Halimbawa:
Natunaw ang kanyang puso sa kuwento ni Huli.
(nahabag)
Sakit ng ulo lamang ang pagbili mo ng bagong sasakyan.
(problema)
2) Patayutay- Ito ay mga salita o parirala na may
kahulugang ipinahihiwatig sa di-tahasang
pamamaraan tulad ng sukdulang
paglalarawan.
Halimbawa:
Pagkaganda-ganda ng malamakopang kutis ni
Belinda. (mamula-mula)
Mapakla ang lasa ng saging na hinog sa pilit.
(di pa hinog)
 
3) Eupemistikong pananalita- Ito ay mga
pahayag na ipinapalit sa mga salita o pariralang
nagpapahayag ng nakalulungkot o
nakaririmarim na damdaming hindi kaaya-
ayang marinig.
Halimbawa:
Binawian na ng buhay ang biktima ng aksidente kahapon.
(namatay)
Gagapang kang ahas kapag ginawa mo iyan.
(magdurusa)
 
4) Makulay na pananalita- Ginagamit upang
mailarawan ang kaaya-ayang paksang
tinatalakay.
Halimbawa:
Sa loob ng limang taon, tinahak ni Erlie ang landas
na mabulaklak.
(masayang buhay)

Kainggit-inggit ang kanyang paraisong paligid.


(masaya)
 
Gawain 1
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na
idyoma. Isulat sa patlang ang sagot.

________1) Huwag sanang ikatangos ng iyong


ilong ang aking sasabihin.

________2) Iyon nga ang batang halos pinakain


na niya sa kanyang palad.
 
Gawain 2
Ipaliwanag sa sariling pananalita ang ibig sabihin ng
matalinghagang salita na may salungguhit.
______________ 1) Parang kinain ng dilim si Ibarra
pagkaraang pumasok sa kagubatan.
______________ 2) Matamis ang dila ni Juanito Pelaez, isang
katangiang agad na nagustuhan ni Donya Victorina.
______________ 3) Parang suntok sa buwan ang kanyang
ibinigay na mga panukala.
______________ 4) Ipinagtaas ng noo ni Ibarra ang mga
Pilipinong hindi nagpaalipusta sa dayuhan.
______________ 5) Pautal-utal na naglubid ng buhangin ang
mga tao sa kubyerta.
 
Ipasa ang LAS

You might also like