You are on page 1of 28

A.Y.

2020-2021

Filipino 6
G. Johnny V. Abalos Jr.
Pang-araw-araw na Gawain :
Pambungad na Panalangin

Ating alalahanin na tayo ay nasa kabanal-banalang


harapan ng Diyos.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo Amen.

Personal na Panalangin (A-C-T-S)


La Salyanong Panalangin

Sabay-sabay nating dasalin ang Lasalyanong panalangin.


Ipagpapatuloy ko O Panginoon ko ang
lahat aking mga gawain, alang-alang
sa pag-ibig ko sa Iyo.
Nuestra Senyora de La
Salette, tagapagkasundo
ng sanlibutan.
Ipanalangin Mo kaming walang
humpay na nananalig sa
Iyo.
San Juan Bautista ng La Salle

Ipanalangin Mo kami.
Hesus manatili ka sa aming
mga puso.
Magpakailanman.
Pagsasaayos ng silid

Pagtsek ng lumiban

I-update ang PATH


Pagbibigay ng LAS
Isulat ang iyong Control Number
Isulat ang iyong Pangalan:

(Apelyido, Unang Pangalan, Gitnang Inisyal)


Isulat ang Baitang:

6-St. John Baptist de La Salle


Isulat ang Petsa:
_______, ____, ____
___________
Gawain Bilang:
2
Itsek ang sabjek:

Filipino
Uri ng Gawain:

Konseptong
Pangkaisipan
Dril/Pagsasanay
Pamantayang Pangnilalaman:

Pangngalan
Pamantayan sa Pagkatuto:

natutukoy ang uri ng pangngalan ayon


sa katangian.
F6WG-Ia-d-2
Sanggunian:

Marasigan, Emily V., (2013), Pinagyamang


Pluma 6 Phoenix Publishing House
Quezon City, pp.273-276.
Pangngalan - Ito ay salitang tumutukoy sa
ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, o
pangyayari.

Dalawang Uri ng Pangngalan:


1) Pantangi – tiyak at tanging ngalan ng tao,
hayop, bagay, pook o pangyayari
na nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Lolo Pering, Bagong Taon, Hanna,
CSI
2) Pambalana – karaniwang ngalan ng tao,
hayop, bagay, pook o
pangyayari na nagsisimula sa maliit na
titik.

Halimbawa: lola, kalabaw, pagdiriwang, puno,


plato
Mga uri ng Pangngalan ayon sa tungkulin

1) Tahas - Ito ay uri ng pangkaraniwang


pangngalang na nakikita at nahahawakan.

Halimbawa: timba, libro, manok


 
2) Basal - Ito ay di-nakikita o di-
nahahawakan pero nadarama, naiisip,
nagugunita, o napapangarap.

Halimbawa: kaligayahan, karangalan,


pangarap, pag-ibig
3) Lansakan- Ito ay uri ng pangkaraniwang
pangngalan na nagsasaad ng
kaisahan sa kabila ng dami o bilang.

Halimbawa: grupo, organisasyon, pangkat,


komite
 
  Gawain 1 21st Century Skills-Creative Thinking
Bumuo ng apat pangungusap. Salungguhitan
ang ginamit na pangngalang pantangi at
bilugan naman ang pangngalang pambalana.

1)
2)
3)
4)
 
Gawain 2 21st Century Skills-Critical Thinking
Panuto: Isulat sa patlang kung ang
pangngalan ay tahas, basal o lansakan.

____________ 1) katapangan
____________ 2) baso
____________ 3) asosasyon
____________ 4) upuan
____________ 5) pagmamalasakit
Ipasa ang papel

You might also like