You are on page 1of 4

QUEZON MEMORIAL ACADEMY

Progreso St., Poblacion West, Umingan Pangasinan

FILIPINO 5
UNANG MARKAHAN MODYUL - 1

PAKSA: Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Nabasang Teksto

MGA LAYUNIN:

1. Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.


2. Nasasagot ang mga tanong sa binasang kwento.

Pagbalik Aralan:

Pangngalan - salita o lipon ng mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at
pangyayari

Uri ng Pangngalanayon sa konsepto

1. Pantangi - ay ang natatanging ngalan ng partikular na tao, bagay, lugar,hayop at pangyayari.


Ito ay nagsisimula sa malaking letra.
Halimbawa:
Eliah Sales, Jose Rizal, Bantay, Sassy
Bagong Balarilang Filipino, Mongol 2, Lungsod ng Taguig
Bundok Banahaw, Araw ng Kalayaan, Bagong Taon

2. Pambalana - ay ang pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, lugar


hayop at pangyayari.
Ito ay nagsisimula sa maliit na letra maliban na lamang kung nasa simula ng
pangungusap.
Halimbawa:
mag-aaral, bayani, aso, pusa
Aklat, lapis, lungsod, bundok, piyesta, kasiyahan

Narito ang mga pangngalang naitala:

Pamahalaang Lungsod ng Taguig tao


Pulis Petron Gas Station
Mercury Drug Store agawan ng masasakyang dyip
Puno Jollibee
Kotse bisikleta
Taguig Medical City G. Robert Castro
banggaan ng sasakyan dyip
Paaralang Elementarya ng Ususan bahay
Mga halimbawa ng Pangbalana:

a. Tahas
 Ito ay pangngalang pambalanang tumutukoy sa mga bagay na nararamdaman ng
diwang pangangatawan
 Pagsalat, paningin,panlasa,pandinig, at pang-amoy

Halimbawa:
Tulay daan,pagkain at tubig.

b. Basal
Ito ay pangngalang pambalana tumutukoy sa anumang bagay na hindi nararamdaman ng
limang diwang pangangatawan.

Halimbawa:
Diwa, isip, wika,yaman, buhay.

c. Hango
 Ito ay tumutukoy sa mga payak na pangngalan na may panlapi.

Halimbawa:
Kabataan, kababayan, katapangan, at iba pa.

d. Lansak
 Ito ang pangngalang nangangahulugan ng karamihan o kalipunan ng marami.

Halimbawa:
Lupon, tribu,batalyon, at iba pa.

e. Patalinghaga- ito ay pangngalang pambalanang di tuwirang tumutukoy sa pinaguukulan ng


salita kundi sa katulad halimbawa nito.

Halimbawa:

Buwaya imbis na kurakot


Langit imbes na ligaya
Paruparo imbes na dalaga
Bubuyog imbes na lalaki

Aktibidad 1.
Paggamit ng wastong Uri ng pangngalan.
Sagutan lamang ang A sa pahina 11.
A. Basahin ang balita sa ibaba:

Natatanging mga Guro ng taon:

Pinarangalan ang sampung natatanging guro ng taon kahapon, setyembre


5,2019 sa isangbhapunan sa Hotel pilipinas. Mula sa ibat ibang paaralang
pampubliko at pampribado abg nagwaging mga guro.

Taon taon isinasagawa ito upang makapili ng mga magagaling na guro


mula sa elementary, sekundarya at kolehiyo. Mat pagsubok, panayam, at
pakitang turo ang ilang kriteryo sa kompetisyong ito.

Tanong:
1. Ilarawan ang balita.
2. Ano-ano ang inilahad sa balita?

Balita
 Ay isang ulat.
 Naglalahad ito ng kasalukuyang kaganapan sa loob at labas ng bansa.
 Tulong ito sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan

Sinasagot nito ang mga tanong na:


 Sino ang bahagi nito?
 Ano ang pangyayari?
 Kalian nangyari ito?
 Bakit ginawa o nangyari ito?
 Paano nangyari ito? Paano nalutas ang suliranin

Mga bahagi ng balita:

1. Ulo ng balita o Headline


 Pamagat ito ng balita na binubuo ng hindi hihigit sa sampung salita
o mas mababa pa. malalaki at mariin ang pagkakalimbag ng mga
letra nito. Layunin nito na ilahad ang paksa at pangganyak sa mga
mambabasa.
2. Placeline
 Inilahad nito kung saan nangyari o nagmula ang balita.
3. Patnubay o lead
 Ito ang unang talata sa balita na may isa o dalawang pangungusap
na inilalahad ang pinakamahalagang impormasyon.sumasagot ito
sa tanong na ano, sino, saan, kalian, at bakit.
4. Byline
 Pangalan ito ng nagsulat ng balita at minsan ang kanyang
katungkulan
5. Katawan
 Karagdagang detalye ito ng balita na nahahati sa maliliit na mga
talata,
6. Sinabi o Quatation
 Ilang tao ang naglalahad ng kaalaman at sariling opinion o
nagdaragdag ng ibang makatotohanang detalye na nagpapatibay
sa balita.
AKTIBIDAD 2.
GAWIN ANG MAGPALAWAK SA PAHINA 18.

You might also like