You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

(UNANG BAITANG, PANGALAWANG BAITANG AT PANGATLONG BAITANG)

I. MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:

Unang Baitang
a) Malaman ang kahulugan ng salitang pangngalan;
b) matukoy ang iba’t ibang pangngalan ng bawat bagay o tao at;
c) mapagpangkat-pangkat ang bawat pangngalan.

Pangalawang Baitang
a) Magbalik-tanaw sa ngalan, bagay, hayop at pook;
b) matukoy ang mga dalawang uri ng pangngalan at;
c) maintindihan ang gamit ng pangngalan.

Pangatlong Baitang
a) Maipaliwanag ang ibig sabihin ng pangngalan;
b) magamit ang mga uri ng pangngalan pantangi at pambalana at;
c) malaman ang mga pangngalan sa tulong ng mga pananda.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Gintong Diwa 3
Libro: Pahina 119-120
Pamagat: Uri ng Pangngalan
Ugali: Matutong pahalagahan at igalang ang bawat pangngalan ng tao o
bagay.

III. MGA KAGAMITAN:


Plakards ng mga salita
Materyales para sa pangkatang gawain
Mga tunay o larawan ng tao o bagay.

IV. PAMAMARAAN:
Panimulang Gawain:
1. Pangunahing Dasal
2. Pagtatala ng Lumiban sa klase.
3. Pagsusuri sa kaayusan ng silid-aralan.

A. Motibasyon: Kumusta kayong lahat


B. Paghahanda
 Isipin niyo kayo ay napadpad sa isang lugar na walang nakakakilala
sa inyo. yung walang pumapansin sa iyo kahit anong gawin o
sabihin mo. Ano ang mararamdaman mo?

C. Paglinang sa Aralin
 Pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,
pangyayari, at gawa. May dalawang pangunaging uri ang
pangngalan.

 Pagkahati-hati ng pangngalan
Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan
sa tao, bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o
pantangi.
 Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na
tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar,
kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng
pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba.

Halimbawa: Jose Rizal, Luneta, Rodrigo Duterte, Bathala.

 Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na


tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar,
pangyayari at iba pa. Kasama rin and kabuuan ng mga basal na
salita.

Halimbawa: bayani, aso, katamisan, pagdiriwang, pusa.

Ang pangngalang pambalana ay mat tatlong uri:

 Tahas o kongkreto - pangngalang nararanasan ng isa sa mga


limang pandamdam ( paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam
at pang-amoy) at may katangiang pisikal.
Halimbawa: tubig, bundok, pagkain.

 Basal o di-kongkreto - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o


konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang
pisikal na katangian. Nasa anyong payak and lahat ng pangngalan
basal.
Halimbawa: wika, yaman, buhay.

 Lansakan - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o


karamihan. Maaaring maylapi ito o wala.
Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan.

Ang mga pangngalan sa tulong ng mga pananda.


1. Pantukoy - ang, ang mga, si, sina, kay, kina, ni, nina.

Halimbawa: Ang mga bayani ay huwaran.

2. Pang-uring Pamilang - marami, isa, dalawa.

Halimbawa: Maraming kabataan ang sumusunod sa yapak nila.

3. Pang-ukol - sa, tungkol sa, ayon kay, galing kina, para sa mga, at iba
pa.

Halimbawa: Tungkol sa kabayanihan ng mga Pilipino ang usapan ng


magkakaibigan.

V. Pagbubuod:

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan


ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng
pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. May dalawang pangunahing uri
ng pangalan. Ito ang pangngalang pantangi na tumutukoy sa tiyak na
pangalan ng tao, bagay, hayop at pook samantala ang pangngalang
pambalana ay tumutukoy sa ‘di tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop at
pook.

VI. Aplikasyon:

Unang Baitang
May sasabihing salita ang guro, kailangan malaman kong ito ba ay
pangalan ng tao, bagay, hayop, o pook.

Pangalawang Baitang
Masabi kung sa hanay ng pangngalang pantangi o pambalana
nararapat ilagay ang babanggitin ng Guro.

Pangatlong Baitang
Magbigay ng pangungusap na halimbawa ng pangngalang pantukoy,
pang-uring pamilang at pang ukol.

VII. Ebalwasyon

Unang Baitang
I. Isulat sa ibaba kong saang pangkat kabilang ang bawat salita.

Bb. Jeehan Suleik Aklat Mall of Asia Kalabaw Salamin

Ben Lapis Luneta Marina Agusto Palaka pambura

Dingdong Dantes Bahay Eskwelahan Tuta kwaderno

Kuting Loro Suklay Rodrigo Duterte Opisina

Pangalan Bagay Hayop Pook

Pangalawang Baitang
I. Salungguhitan ang mga pangngalan ginamit sa pangungusap.
1. Sadyang matalino at matapang si Dr. Jose Rizal.
2. Ipinamalas nila ang hindi matawarang pag-ibig sa isa’t-isa.
3. Sina Marina at Angela ay dumalaw dito.
4. Bayani ang tawag sa nagbubuwis ng buhay para sa bansa.
5. Si Andres Bonifacio ay nagsikap para matuto sa buhay.
6. Si Raha Sulayman ay kabilang sa usapan.
7. Jeehan P. Suleik ang aking pangalan.
8. Kabilang si Juan Dela Cruz sa aming pangkat.
9. Taglay nila tapang at determinasyon.
10. Magiting na lider at mapagmahal na pangulo si Rodrigo Duterte.

Pangatlong Baitang
I. Ikahon ang pananda sa pangungusap na tumutugon sa uri na nasa panaklong.
(Pantukoy) 1. Ang mga bayani ay ipinagmamalaki sa ating bansa.
(Pang-ukol) 2. Kapwa silang naging matatag para sa prinsipyong
ipinaglalaban.
(Pang-ukol) 3. Ayon sa tala, uulan sa araw na ito.
(Pantukoy) 4. Ama ng katipunan ang naging taguri kay Andres Bonefacio.
(Pang-ukol) 5. Tungkol sa mga bayani ang pinag-uusapan ng mga
magkakaibigan.
(Pang-uring pamilang) 6. Ang daan-daang kabataan ay nagtipon-tipon.
(Pang-uring pamilang) 7. Si Lapu-Lapu ay isa sa mga bayani ng ating
bansa.
(Pantukoy) 8. Ipinagpatuloy ni Andres Bonefacio and pakikipaglaban para sa
kalayaan ng bansa.
(Pantukoy) 9. Nakipaglaban si Andres ng walang pag-aalinlangan.
(Pantukoy) 10. Sa mga bayani ang makikita ang tunay na kahanga-hangang
katapangan at pag-ibig sa bayan.

VIII. Takdang Aralin

Unang Baitang
Gumupit ng larawan ng tao o bagay na mayroong pangalan at idikit sa
inyong kwaderno.

Pangalawang Baitang
Magbigay ng sampung halimbawa ng pangngalang pantangi at
pambalana. Isulat ito sa inyong kwaderno.

Pangatlong Baitang
Magsulat sa kwaderno ng tig-limang halimbawa ng mga pangngalang
pantukoy, pang-ukol at pang-uring pamilang.

You might also like