You are on page 1of 9

Filipino 6

Talasalitaan :
nagrereklamo – nagpapahayag ng pagtutol o di nagkubli - nagtalo
pagsang-ayon karatula - paskil
karatula - paskil imulat - idilat
konsentidor - kumakampi kahit mali marahas - drastic, tigib sa dahas
pagkalam - pagkulo ng tiyan sanhi ng gutom mang-asar - mang-inis
nakadipa - pantay balikat na pag-uunat ng mga
kamay

pumapailanlang - umaangat sa hangin


magtusak - maging masagana o dumami
salaula - lubhang marumi ang katawan at pabaya sa kalusugan
kaskasero - tao na lubhang matulin
magpatakbo ng sasakyan
insureksiyon - pag-aalsa laban sa isang matatag na awtoridad

labanggan - malaking kahoy o batong inuka nang malaki sa itna at ginagamit na kainan ng mga alagang
hayop
pinaratangan - mali at mapaghinalang paninira o hinala
lungga - pook na kublihan ng mga masasamang-loob, lagalag at iba pa
kural - kulungan ng hayop
tala - maningning na bituin
pag-ingit - tunog ng pagkasira
sumasagitsit - tunog ng pagprito sa kawali, ng malakas na puslit ng tubi sa gripo o tubo, o ng biglang preno
umungol - ingay na nagmumula sa bibig ng tao o hayop kapag may dinaramdam o galit
sakuna - kalamidad
pahayagan - diyaryo
nakaamba - nakaposisyong tila nagbabanta
mapahamak - malagay sa masamang sitwasyon
pakikipagsapalaran - isang kakaiba at nakasisiya,karaniwang mapanganib na karanasan o gawain
dagundong – ugong o tunog na napakalakas,gaya ng kulog
dalubhasa - taong magaling sa isang larangan
pasinaya - pagkakaroon ng pormal na pagsisimula
piging - isang malaking kainan, karaniwan upang ipagdiwang ang isang bagay.
umungos - nauna nang bahagya
dikitan - napakahigpit
kumikiwal-kiwal - pumapasag-pasag/ pahampas-hampas
sumibad - humagibis ng takbo
angkang bughaw - pamilyang royal ng hari
debutante - anak na dalagang iniharap ng kaniyang mariwasang pamilya sa publiko sa unang pagkakataon
meta - huling hantungan ng karerahan
karera ng buhay - labanan na buhay ang taya

dumamba - paglundag ng pagdagan


sinisiyasat - sinusuri
tumataghoy - himutok
hikbi - iyak na pabugso-bugso
halinghing - huni ng kabayo
taksil - lilo ; ahas
hukuman - korte
pagtitimpi - pagpipigil sa sarili
marahas - agresibo
makatwiran - malinaw mag-isip
payapain - alisin ang takot at pangamba
bayuhin - durugin o pukpukin
hamak - alipustahin
mabuwal - matumba
iahon - iangat
mapanlinlang - mapanloko

Pahayagan - babasahing inilalathala araw-araw. Dito mababasa ang mahahalagang balitang lokal at
pandaigdig.
A. Pang-unang Pahina - dito matatagpuan ang pangalan ng pahayagan at ang mga pangunahing balita.
B. Editoryal- ito ang bahagi ng pahayagan kung saan mababasa ang opinyon, kuro-kuro ng editor at ng
patnugot
tungkol sa mga napapanahong isyu.
C. Balitang Lokal - ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangn o tinitirhan ng
mambabasa.
D. Balitang Pandaigdig - Ito ang napapanahong isyu na kinakaharap sa labas ng bansa.
E. Pitak - ito ay bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga personal na pagmamasid ng isang palagiang
manunulat ng pahayagan.
F. Balitang Isports - balita tungkol sa mundo ng palakasan o isports.
G. Anunsiyo Klasipikado - dito makikita ang mga anunsiyo para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa,
sasakyan,
at iba pang kagamitang ipinabibili.
H. Panlibangan - balita hinggil sa palabas sa telebisyon, artista at pelikula. Matatagpuan din ang iba’t ibang
gawain panlibangan.

Hukuman o korte - isang lugar kung saan dinidinig ang mga hinaing ng isang tao o grupo ng tao. Dito
pinakikinggan ang mga hinaing at ebidensiya laban sa isang akusado

Kayarian ng pang-uri
A. Payak – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng salitang-ugat lamang Ilan sa mga
halimbawa nito ay bilog, hinog, at pandak.

Halimbawa:
1. Bilog ang buwan noong gabing biglang nawala si Monica.
B. Maylapi – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng mga salitang-ugat na dinudugtungan
ng mga panlaping ma-, ka-, kasing-, sim-, at marami pang iba. Halimbawa ng mga ito ay matapang, simbilis, at
malakas.

Halimbawa:
1. Tinuloy pa rin ni Dante ang panghaharana sa kabila ng takot niya sa matapang na ama ni Consuelo.

C. Inuulit – ang kayarian na ito ay matutukoy dahil inuulit nito ang buo o bahagi ng salita katulad ng pulang-
pula, araw-araw, at puting-puti

D. Tambalan – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng dalawang salitang pinagtambal
katulad ng ngiting-aso, kapit-tuko, at ningas-kugon.
Halimbawa:
1. Ngiting aso ang nakita ni Mario kay Tonyo kaya hindi agad siya nagtiwala rito.

Tukuyin ang anyo ng pang-uri sa bawat bilang.


1. isip-bata
2. sobra
3. abot-kamay
4. tuloy-tuloy
5. antukin
Pangngalang
Kaanyuan ng Pangngalang
A. Payak – mga pangngalang binubuo ng salitang-ulat lamang. Wala itong kasamang panlapi o katambal na
salita, at hindi rin inuulit ang kabuuan o bahagi nito. Ang pangngalang payak ay binubuo ng salitang morpema
lamang.
Halimbawa:
Proyekto, produkto, bansa, probinsya, byahe
B. Maylapi – mga pangngalang binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan
Halimbawa:
Pamahalaan, magsasaka, mangingisda, pagkain

C. Inuulit – mga pangngalang ang kabuuan o bahagi ay inuulit


Halimbawa: Sali-salita,bala-bala, bayan-bayan, buhay-buhay

D. Tambalan – binubuoo ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa


May dalawang uri ng tambalang pangngalan.
Halimbawa: Taumbayan, alay-kapwa

Pangngalan at mga Uri nito


Pangngalan- ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari

Uring Pansemantika ng Pangngalan

1) Pantangi – pangngalang tumutukoy sa tangi o particular na tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari
Halimbawa:
Baguio, Boracay, Bohol, Tagyatay

2) Pambalana – pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan


Ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
Halimbawa:
Lungsod, baybayin, pook, bayan

Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto

1) Basal – pangngalang tumutukoy hindi sa material kundi sa diwa o kaisipan


Halimbawa:
Kagandahan, bui, kasamaan, pag-asa
2) Tahas- pangngalang tumutukoy sa bagay na material
Halimbawa:
Tao, hayop, pagkain, gamit, bulaklak

3) Palansak – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay


Halimbawa:
Buwig, kumpol, tumpok, hukbo, lahi
Kasarian ng Pangngalan
A. Panlalaki - tumutukoy sa mga pangngalang panlalaki.
Halimbawa: abogado ama doctor duke
B. Pambabae – tumutukoy sa mga pangngalang pambabae
Halimbawa: abogada ale doktora dukesa
C. Di –tiyak - tumutukoy sa mga pangngalang di sigurado kung babae man o lalaki
Halimbawa: bata kaibigan kalaro kapatid
D. Walang Kasarian - tumutukoy sa mga pangngalang walang- buhay
Halimbawa: aklat baso damit eroplano

Isulat sa patlang ang B kung ang salita ay tumutukoy sa pangngalang pambabae, L kung pangngalang
panlalaki, D kung pangngalang di-tiyak, o W kung pangngalang walang kasarian.
_________1. itlog
_________2. guro
_________3. sastre
_________4. ginoo
_________5. binibini

Panghalip
Ang Panghalip ay ang salitang panghahalili o pamalit sa pangngalan.
Uri ng Panghalip
A. Panao ang tawag sa panghalip na pamalit o panghalili sa pangngalang tao. Ang panghalip na panao ay
ipinapalit sa taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan
Una ako, ko, akin, kata kita, amin, natin, atin tayo, kami, naming, atin
Ikalawa iyo, mo, ka, ikaw kayo, inyo, ninyo kayo, inyo, ninyo
Ikatlo kaniya, siya, niya nila, sila, kanila nila, sila, kanila
Kung saan ang:
Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita.
Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap.
Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan.
 B. Panaklaw – tawag sa mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng pangngalang
tinutukoy. Nahahati ito sa anyong walang lapi at nilalapian.

Walang Lapi : Balana, iba, ilan, isa, kapwa, lahat, madla, tanan, pawa

Nilalapian : Alinman, anuman, ilanman, kailanman, gaanuman, magkanuman, paanuman, saanman,


sinuman

                                                                              
C. Pananong – mga katagang ginagamit sa pagtatanong na maaring tungkol sa tao, bagay, panahon, lunan, at
pangyayari. Mapapangkat aang mga ito sa dalawang kailanan: isahan at maramihan.
Ano, Sino, Kanino,Kailan, Saan, Ilan Magkano
1.Ito ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar at pangyayari.
2. Ito ay salitang ginagamit na pamalit sa pangngalan.
3.Ito ay pangngalang pangkaraniwan, nakikita at nahahawakan.
4.Ito ay tumutukoy sa pangngalang di-nakikita o di nahahawakan, ngunit naiisip, nadarama, o napapangarap
Sa mga sumusunod na bilang bilugan ang titik ng tinutukoy sa bawat bilang na nakapaloob sa ().

5. Ang (lungsod) ng Baguio ang tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas.

A. walang kasarian B. panlalaki C. di-tiyak D. pambabae

6. .Ang (kuya) mo ang susundo sa inyo sa paaralan mamayang hapon.


A. walang kasarian B. panlalaki C. di-tiyak D. pambabae

7. Magandang regalo ito sa kaarawan ng (pinsan) ko.


A. walang kasarian B. panlalaki C. di-tiyak D. pambabae

8. Ang mga anyong tubig at anyong lupa ay mga (biyaya) ng Panginoon sa atin.
A. lansakan B. basal C. tahas

9. Ang Bundok Apo na matatagpuan sa Davao del Sur ay ang pinakamataas na (bundok) sa Pilipinas.
A. lansakan B. basal C. tahas

10. Ang mga Tsokolateng Burol ay isang (pangkat) ng mga burol na magkakalapit at kulay tsokolate kapag
tag-araw.
A. lansakan B. basal C. tahas

11. (Sina Andres at Amalia) ay naghahanda ng maganda at malaking pagdiriwang para sa anibersaryo ng
kanilang mga magulang.
A. Sila B. Kanila C. Kami

12. (Ikaw, si Amalia, at ako) ay maghahanda ng mga palamuti na magpapaganda sa okasyon.


A. Sila B. Kanila C. Kami

13.(_____ )ang paborito mo pagkain?


A. Ano B Kailan C. Sino
14. (_____ )ang kaibigan ng iyong kapatid na kaibigan mo rin?
15. (_____ )pagsubok ay kaya nating malampasan basta’t sama-sama at buo tayong pamilya.
A. Bawat B. Alinman C. Karamihan

You might also like