You are on page 1of 59

Father Saturnino Urios University

Arts and Sciences Program

Bahagi ng pananalita, simuno at panaguri, parirala


at sugnay
GE 114: Balarila ng Wikang Filipino

RYAN V. BALOLOT, MAPF


HUMANITIES DIVISION
rvbalolot@urios.edu.ph
I. MGA SALITANG
PANGNILALAMAN

2
I. MGA SALITANG PANGNILALAMAN

▰ Sa panlahat na katuturan, ang salitang nominal ay


nangangahulugang pangalan o anumang salitang
nauukol sa pangngalan. Sa balarilang ito, ang
tinutukoy na mga nominal ay ang mga pangngalan
at ang mga panghalip. Angkop na tawaging nominal
ang dalawang ito sapagkat kapwa tumutukoy sa ngalan
ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atbp.

3
A. MGA PANGNGALAN

4
A. MGA PANGNGALAN

▰ Isang pasalitang simbolong ang tinutukoy ay tao, hayop,


bagay, pook, pangyayari, atbp.

▰ Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook,


pangyayari, atbp.

*Ang unang katuturan ay gumagamit ng katawagang


pansemantika, pasalitang simbolo; ang ikalawa ay ang
karaniwang katuturang ibinibigay ng balarilang tradisyunal.
5
HALIMBAWA

a. Mga Pangngalang Ngalan ng Tao Manolo, ama, guro


b. Mga Pangngalang Ngalan ng Hayop Tagpi, aso, tandang
c. Mga Pangalang Ngalan ng Bagay Mongol, lapis, pagkain
d. Mga Pangngalang Ngalan ng Pook Pilipinas, lungsod, kaparangan
e. Mga Pangngalang Ngalan ng Katangian bait, kabaitan, pagkamabait
f. Mga Pangngalang Ngalan ng Pangyayari Ikalawang Digmaang Pandaigdig
kasalan, pulong

6
B. MGA PANGHALIP

7
B. MGA PANGHALIP

▰ Sa dating balarila, ganito ang katuturan ng


panghalip:

▰ “Ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa


pangngalan.”

8
HALIMBAWA

MGA PANGHALIP NA PANAO - ISAHAN

Panauhan/Kailanan Anyong ang Anyong ng Anyong sa


(palagyo) (paukol) (paari)
Isahan Una ako ko akin
Ikalawa ikaw, ka mo iyon
Ikatlo siya niya kanya

9
HALIMBAWA

MGA PANGHALIP NA PANAO - DALAWAHAN

Panauhan/Kailanan Anyong ang Anyong ng Anyong sa


(palagyo) (paukol) (paari)
Dalawahan Una *(kata), kita, *(nita), natin *(kanita), atin
tayo
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila

10
HALIMBAWA

MGA PANGHALIP NA PANAO - MARAMIHAN

Panauhan/Kailanan Anyong ang Anyong ng Anyong sa


(palagyo) (paukol) (paari)
Maramihan Una kami namin anim
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila

11
B.1. Mga Panghalip na
Pamatlig

12
B.1. Mga Panghalip na Pamatlig

▰ Ang tawag sa mga panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay,


atb., na itinuturo o inihihimaton. Halimbawa, sa pangungusap na:
“Giya ng mga turista ang kapatid nito.”
▰ Ang nito ay may hinahalinhang pangalan at gayundin, nagpapahiwatig
na ang tinutukoy ay itinuturo ng nagsasalita.

13
Iba pang halimbawa ng Panghalip na
Pamatlig

I. Pronominal
A. Anyong ang (Paturol); 1. *re (ibang anyo: yari), 2. ito, 3. iyan (ibang anyo:
yaan) 4. iyon (ibang anyo:yaon)

B. Anyong ng (Paari) 1. *nire (ibang anyo; niyari), 2. nito, 3. niyan, 4. noon


(ibang anyo: niyon, niyaon)

B. Anyong sa (Paari); 1. *dine, 2. dito, 3. diyan, 4. doon

14
Iba pang halimbawa ng Panghalip na
Pamatlig

II. Panawag-pansin o Pahimaton


1. *(h) ere, 2. (h) eto, 3. (h) ayan, 4. (h) ayun

III. Patulad
1. “ganire, 2. ganito, 3. ganyan, 4. ganoon (ibang anyo: gayon)

IV. Panlunan
1. *narini (ibang anyo: nandini), 2. narito (ibang anyo: nandito), 3. nariyan
(ibang anyo: nandiyan), 4. naroon (ibang anyo: nandoon)

15
C. MGA PANG-URI

16
C. MGA PANG-URI

▰ Pang-uri ang mga salitang-ugat na


nagpapahayag ng katangian o mga salitang
naglalarawan. Maaari itong salitang-ugat at
panlaping makauri at salitang-ugat.

17
HALIMBAWA

1. Mga Salitang-Ugat

banal pula bago


dakila puti luma

2. May Panlaping Pang-uri

maganda masintahin palangiti

18
Ilang Panlaping Makauri

a. -an – nangangahulugan ng labis ang laki o higit na dami sa


karaniwan. Halimbawa: pangahan, bibigan, uluhan

b. ka- - nangangahulugan ng kaisa. Halimbawa: kakulay, kalahi,


katulad
c. kay – nangangahulugan ng paghanga. Halimbawa: kaybuti, kay-
inam, kaylayo

d. ma – nangangahulugan ng pagtataglay ng katangiang sinasabi ng


salitang-ugat at pagkarami. Ito ang karaniwang panlapi ng pang-uri.
Halimbawa: malusog, matalino, madamo

e. maka – nangangahulugan ng mahilig, kampi o tagapagmalasakit.


Halimbawa: makabayan, makatao, makaluma 19
Ilang Panlaping Makauri

f. mala – nangangahulugan ng tila, para o halos. Halimbawa:


malausog, malakanin, malasebo
g. mapag – nangangahulugan ng may ugaling taglay ng salitang-ugat.
Halimbawa: mapagbasa, mapagbiro, mapaglaro
h. mapang- / mapam- / mapan – nangangahulugan din ng may ugaling
taglay ng salitang-ugat.
i. pala – nangangahulugan din ito na may ugaling taglay ng salitang-
ugat ng mapang- .Halimbawa: palabasa, palabiro, palasigaw
j. -in – nangangahulugan ng may hugis o uri ng bagay na sinasabi ng
salitang-ugat at kapag may gitlapi ng pagkamahilig o palagian kapag
hulapi. Halimbawa: sinampalok, binalimbing, antukin
20
D. MGA PANDIWA

21
D. MGA PANDIWA

▰ Binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa


ang pandiwang nagsasaad ng kilos.

Salitang-ugat Panlapi + salitang-ugat


basa um- + awit = umawit
lakad mag- + puti = magputi
takbo mang- + isda = mangisda

22
Ilang Panlaping Makadiwa

1. [ um- ] – karaniwang panlapi ng pandiwa ang um, nangangahulugan ito


ng likas na pagkaganap o sadyang pangyayari. Halimbawa: umulan,
lumindol, umaraw
2. [ mag- ] – nagsasaad ng pagganap ng isang hanapbuhay, pagganap
sa sarili, pagganap ng madalas, pagbungkal o likas na pagganap.
Halimbawa: magtinda, mag-ahit, mag-usbong
3. [ ma- ] – nagsasaad ng pagkakaroon ng bagay na sinasabi ng salitang-
ugat, pagganap ng sariling hilig. Halimbawa: magalit, malungkot,
maligo
4. [ ma- ] – nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap. Halimbawa:
mapikit, malason, madapa
5. [ mang- ] – nagsasaad ng paghahanap-buhay, nagsasaad ng
damdamin ng katawan.
23
Ilang Panlaping Makadiwa

6. [ maka- ] – nagsasaad ng paghahanap-buhay, kakayahang maikilos


ang katawan. Halimbawa: makabuti, makagaling, makahiga
7. [ naki- ] – nagsasaad ng pangung-utang ng loob, pagsuyo. Halimbawa:
makisakay, makiinom, makabili
8. [ in- ] – nagsasaad ng pagiging simuno. Halimbawa: tuwirang layon
tulad ng suklayin, sulatin, lutuin, sakahin
9. [ i- ] – nagsasaad ng pagiging simuno ng di-tuwirang layon.
Halimbawa: itahi, ibili, igawa
10.  [ -an ] – nagsasaad ng pagiging simuno ng lokatib o lugar.
Halimbawa: higaan, bakuran, bilihan

24
E. MGA PANG-ABAY

25
E. MGA PANG-ABAY

▰ Kabilang sa mga panuring ang tinatawag na


pang-abay. Nahahati sa apat na mahahalagang
uri ang mga pang-abay: pamanahon,
panlunan, pamaraan, panggaano.

26
Uri ng Pang-abay

1. Ang Pamanahon
▰Nagsasaad ng panahon ng uring ito, may salita at may mga kataga
lamang na nagsasaad ng panahon. Sumasagot ito sa tanong na kailan.

Kataga na – nangangahulugan ng tapos na


pa – nangangahulugan ng ginaganap o
gaganapin pa noon
Salita bukas, linggo, hapon, ngayon, umaga,
gabi
Panlapi+salitang-ugat ka+gabi = kagabi
Inuulit gabi-gabi, araw-araw, linggu-linggo
27
Uri ng Pang-abay

2. Ang Panlunan
▰Nagsasaad ng pook o lunang kinaroroonan o
pinaggagampanan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na
saan o nasaan. Nagkakaroon lamang ng kahulugan ang
mga kataga kapag kasama ng ibang salita tulad ng sa o
nasa (sa ibabaw ng mesa, sa ilalim ng silya, sa
harap ng bahay, sa likod ng garahe).

▰Halimbawa: Saan ka pupunta? Sa Baguio.

28
Uri ng Pang-abay

3. Ang Pamaraan
▰Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos at
sumasagot sa tanong na paano. Panlapi + salitang-
ugat na ang anyo’y pang-uri kaya lamang tinatawag na
pang-abay sapagkat ang binibigay-turing ay mga pandiwa
o pang-uri, tulad ng mahusay siya (pang-uri dahil
tinuturing ang siya) mahusay lumangoy (pang-abay
dahil tinuturing ang langoy).
▰Halimbawa: Nakatulog siya nang padapa,
maari rin itong sabihing padapa siyang
nakatulog.
29
Uri ng Pang-abay

4. Ang Panggaano
▰Nangangahulugan ito ng kalidad ng ipinahahayag ng
kilos, sumasagot ito sa katanungang gaano. Bagama’t
masasabi ring ang malamang ipakahulugan dito’y ang pagiging
pang-uri. Halimbawa ang katamtaman lamang iyan
(pang-uri ito dahil tumuturing sa iyan), kapag sinabing
katamtamang kumain ang taong iyan. (Pang-abay na
ito dahil kumain na ang tinuturingan.)
▰Sa masusing pag-aaral ang mga pamaraan at
panggaano’y may istruktural ng pang-uri kaya hindi magkaiba
ang istruktura, lamang ay naiiba ang tinuturingan.
30
II. MGA SALITANG
PANGKAYARIAN

31
II. MGA SALITANG PANGKAYARIAN

▰ Nahahati sa dalawang bahagi ang mga pangkayariang


bahagi ng pananalita: ang mga pang-ugnay at ang
mga pananda. Ang mga pananda’y tinatalakay na sa
unang bahagi kaugnay ng mga pangalan at panghalip.
Ang hindi na lamang natatalakay ay ang tinatawag na
pananda ng predikeyt na walang iba kundi ang ay.

32
A. ANG MGA PANG-
UGNAY

33
A. ANG MGA PANG-UGNAY

▰ Nahahati sa pang-angkop o linker, pangatnig at


pang-ukol ang mga pang-ugnay. Mahalaga sa
pagbubuo ng mga pangungusap ang mga ito
sapagkat ito ang nag-uugnay-ugnay sa mga
nilalamang ipinahahayag sa unahan. Higit na
naging malinaw at maluwag ang pagbigkas ng mga
pangungusap kapag may mga pang-ugnay.

34
Uri ng mga Pang-ugnay

1. Ang Pangatnig
▰Pangatnig ang mga katagang nag-uugnay sa mga
salita, parirala o sugnay. Maaaring panimbang o
pantulong ang mga pangatnig.
▰Ang Panimbanng – nag-uugnay ng magkatimbang
na mga salita, parirala o sugnay. Binubuo ito ng at,
pati, ngunit, datapwat, subalit, o, ni man,
maging.

▰Halimbawa: Ang arkitekto at ang inhenyero.


35
Uri ng mga Pang-ugnay

2. Ang mga Pang-ukol/Preposisyon


▰Ang mga tinatawag na preposisyon ay mga kataga
lamang na masasabing iniuugnay sa lugar, direksyon at
kinauukulan. Kasama na ito ng mga pang-abay na
panlunan. Ang mga bumubuo sa mga pang-ukol na
kinabibilangan ng ayon sa, alinsunod sa, tungkol
sa, ukol sa, laban sa. Kapag tinutukoy ang tao, ang
sa’y napapalitan ng kay.

▰Halimbawa: Ayon sa nagsisiyasat ang gumawa ng


building ang maysala.
36
Uri ng mga Pang-ugnay

3. Ang mga Pang-angkop/Linker


▰Dalawa ang anyo ng linker: na at -ng. Ginagamit ang na kapag
ang salitang inuugnay ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Maaaring baligtarin ang salitang pinag-uugnay na hindi nababago
ang kahulugan ngunit ang linker ay laging nasa unang salita. May
ilang pagkakataong di maaaring pagbaligtarin.

▰Halimbawa: anim na piso hindi maaaring pisong anim. Ang


-ng ay ginagamit kapag ang salitang iuugnay ay nagtatapos sa
patinig. Kapag ang salita nama’y nagtatapos sa n kinakaltas ang n at
ginagamit ang -ng. Maaring pag-ugnayin ang iba’t ibang salitang
pangnilalaman.
37
B. ANG MGA PANANDA

38
 
B. ANG MGA PANANDA

▰ Dalawang uri ng pananda: mga marker – ang, ng, sa na


siyang tagapagpakilala ng relasyon ng pangngalan sa mga
bahagi ng pangungusap at ang ay na nagpapakita ng
kaayusan ng pangungusap sapagkat ito ang nagpapakilala
ng panaguri ng pangungusap kapag nauuna ang simuno sa
panaguri na siyang kabaligtarang ayos sa istruktura ng
pangungusap sa Filipino. Tatalakayin natin rito ang
panandang pampanaguri o predikeyt.

39
Ang Panandang Pampredikeyt

▰ ay ang panandang pampredikeyt. Matatagpuan lamang ito sa


pangungusap kung hindi normal ang ayos ng pangungusap. Sa
Filipino, normal ang ayos ng pangungusap kung ang panaguri
ang nauuna at ang simuno ang nahuhuli.

▰ Halimbawa:
Panaguri + Simuno
Gurang na + ang lolo ni Johnny
▰ Baligtad:
Simuno/Sabject+Panaguri/Predikeyt
Ang lolo ni Johnny ay gurang na.
40
Ang panandang Pampredikeyt

▰ Ang ay magiging ‘y kapag ang nauunang salitang


ikakabit sa predikeyt ay nagtatapos sa a, e, i, o, u, w.
Kapag nagtatapos naman sa n nawawala ang n at ‘y
ang inilalagay tulad ng:
▰ Halimbawa:
Ang baya’y inabot ng kalamidad.

41
PAGBUBUO

42
PAGBUBUO

▰ Sa pagbubuo, lahat ng mga salitang may


kabuluhan sa ganang sarili’y nabibilang sa mga
salitang pangnilalaman at lahat ng mga katagang
ang kahulugan ay depende lamang sa mga salitang
kasama’y panrelasyon lamang. Nililinaw lamang ang
relasyon ng mga sangkap ng pangungusap sa isa’t isa.

43
ANG SIMUNO

44
ANG SIMUNO

▰Napag-aralan na sa dakong una na ang “ang” ay nagpapakilala


sa simuno at ipinakita na rin ang mga panghalili sa mga iyon na
mga panghalip panao at pamatlig.

▰Maaaring pariralang nominal (pangngalan at panghalip), pang-


uri, pandiwa, pang-abay, eksistensyal o pang-ukol ang simuno.
Pinangungunahan ito ng marker na ang. Parirala ang tawag sa
lipon ng mga salitang walang simuno’t panaguri.

45
Uri ng mga Parirala

Pariralang Nominal Nagkaisa ang mga taong-bayan.

Pariralang Pang-uri Kailangan ang matalino.

Pariralang Pang-ukol Awa ang nasa Diyos.

Pariralang Eksistensyal Mabuti rin ang may sasakyan.

Pariralang Pandiwa Madali ang magsalita

Pariralang Pang-abay Paghandaan natin ang bukas.


46
ANG PANAGURI

47
ANG PANAGURI

▰ Maaaring pariralang berbal o di-berbal


ang panaguri ng pangungusap.

48
Pariralang Di-berbal

▰ Tinatawag na pariralang di-berbal ang mga pariralang pangalan o


panghalip, pang-uri, pang-abay, pang-ukol at eksistensyal.

Pariralan Pangngalan Anawnswer si Rey Langit.


Pariralang Panghalip Ikaw ang may sala.
Pariralang Pang-uri Masinop si Deny.
Pariralang Pang-ukol Hinggil sa pag-ibig ang
kanyang pakay
Pariralang Pang-abay Patalikod ang lapit niya
Pariralang Eksistensyal Mayroon naman pala kayo.
49
PARIRALA

50
PARIRALA

▰ Lipon ng salitang walang buong diwa o kaisipan.


Maaaring ito ay may paksa ngunit walang panaguri, o
kaya’y may panaguri ngunit walang paksa.

▰ Halimbawa:
tungkol sa pelikula bagong bahay
ang aking gamit ang pangunahing suliranin

51
SUGNAY

52
SUGNAY

▰ Lipon ng mga salita na may paksa at panaguri na maaaring buo o


hindi ang diwa.

▰ Halimbawa:
nang nanalo sa paligsahan kahit hindi ako papansinin
dahil siya ay matulungin kami ay nagsisikap
naglalaro ang bunso bago umalis ng bahay

53
Mga Uri ng Sugnay

Sugnay na Makapag-iisa Halimbawa:


(punong-sugnay) – a. Ang mga Pilipino ay labis na nagtitipid
nagtataglay ng buong diwa o ngayon dahil sa mahal ng bilihin.
kaisipan. b. Ang pandararaya ay maiiwasan kung
maraming tapat sa paglilingkod.

Sugnay na Di-Makapag-iisa Halimbawa:


(pantulong na sugnay) – a. Ang mga Pilipino ay labis na nagtitipid
mayroon ding paksa at ngayon dahil sa mahal ng bilihin.
panaguri ngunit hindi b. Ang pandaraya ay maiiwasan kung
nagtataglay ng buong diwa o maraming tapat sa paglilingkod.
kaisipan.

54
MGA GAMIT NG SUGNAY SA PANGUNGUSAP

▰ Ang sugnay ay may tatlong gamit sa pangungusap. Ito


ay magagamit na (1) simuno kung ito ang pinag-
uusapan; (2) panaguri kung nagsasaad tungkol sa
paksa; at (3) panaguring kung ito ay tumuturing sa
isang pandiwa, pang-uri o pang-abay.

55
Ang Sugnay na Pangngalan

▰Sinasabing sugnay na pangngalan kung ito ay


ginagamit na paksa o panaguri ng pangungusap. Ito’y
karaniwang pinangungunahan ng kung o na.

▰Halimbawa:
Kung itutuloy niya ang pag-aabroad, iyon ay nasa kanya
na.

Hindi ako sigurado na siya’y dadalo sa miting.

56
Ang Sugnay na Pang-abay

▰Pang-abay ang gamit ng sugnay kung ito ay nagbibigay-


turing sa isang pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Ito
ay karaniwang pinangungunahan ng pag, kapag, kung,
sapagkat, sakali, nang, atbp.

▰Halimbawa:
Kung wala ang mga pulis, hindi mahuhuli ang magnanakaw.

Marami ang nawalan ng trabaho sapagkat bumagsak ang


kompanya.
57
SANGGUNIAN

Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu


City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book
Store: Manila City
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing,
Inc.: Malabon City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi
City.
_______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.

58
MARAMING SALAMAT!

59

You might also like