You are on page 1of 6

Mindanao State University

SIAWADATO COMMUNITY HIGH SCHOOL


Maguing, Lanao Del Sur
FILIPINO 11(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)
IKATLONG MARKAHAN
Modyul 1 / Bilang ng Sesyon: 2 linggo

Teacher’s Name: Prof. Jamalia M. Hadi Samad


Contact Number: 09977456562
Aralin 1: Ang Wika

I. TALAKAYAN

A. Mga Depinisyon ng Wika:


1. “Ang wika ay kaisipan ng mamamayan.” (Rizal), Sa wika iniluluwal ang iniisip ng tao. Ito’y tulay sa
kanyang iniisip at ng gusto niyang sabihin.

2. “Kung ano ang wika mo, ‘yon ang pagkatao mo.” (Prof. Virgilio Almario), Isa itong pundamental na
pangangailangan ng tao para sa kanyang self-ekspresyon.

3. “Malaki ang nagagawa ng wika sa paghuhugis ng kamalayan – ng kaisipang Pilipino at ng


karunungang Pilipino.” (Bayani Abadilla, 2002), Ang kamalayan (consciousness) na siya’y Pilipino
ay namamamlaging buhay kapag wikang sarili ang ginagamit sa pakikipag-usap. Nabibigyan ng
identidad ang lahing kanyang pinagmulan kapag sariling wika ang kanyang ginagamit. Nabubuo ang
kanyang pagkatao spagka’t hinughugisan ng mga salita ang lman ng kanyang utak at pag-iisip. Ang
kanyang mga atamong karunungan na pinoproseso ng kanyang utak ay nirerelayt, inaaplay, ginagamit
sa pag-ugit ng kanyang buhay.
4. “Wika ang gamit ng tao sa kanyang pag-iisip, sapagkat ito ang katulong ng utak sa
pagpoproseso ng kanyang kaalaman.” (Lev Semyonovich Vygotsky, 1978), kung wala siyang
wika, wala siyang masasabi. Wala siyang gagamitin upang ipahayag ang kanyang ideya, saloobin,
nadarama, iniisip.

5. “Ang wika ang nagpaging sa tao.” (Mario L. Miclat, 2001), hindi na kailangang muli at muling
magsimula sa simula ang mga sumusunod na henerasyon. Maaari na lamang nilang ipagpatuloy ang
karanasan ng nakaraan, isaayos ang pag-iisip at hubugin ang kaisipan. Sapagka’t ang tao ay may
wika, ito ang ikinaiba niya sa hayop.

B. Mga Pilosopiyang Pangwika:


Mahalagang kasangkapan ng tao ang wika, kaya lumitaw ang ilang batayang pilosopiya rito.
a. Ang wika ay nakabatay sa pagpapakahulugan ng tao sa kanyang kapaligiran. Benjamin Lee
Whorf, 1996. Ang sabi nga ni Whorf “galling sa binuo nating kahulugan o larawan ng kapaligiran ang
mga salitang ating binibitiwan.”

b. Ang wika ay nakabatay sa kakayahan at kagalingan sa pakikinig. Noam Chomsky, 1968.

Kapag marunong making sa kausap, mabilis na makabubuo ng mga salitang sasabihin ang tao. Mas
naitatala ng utak ang anumang napakinggan kaysa nabasa.
c. Ang wika ay nakabatay sa kasarian. Ronald Wrdhaugh, 1986. May istiryotayping at leybelling na
salita para sa lalaki at babae; pro/anti (male at femalr); salitang negatibo, restriktibo, at ekslusibo para s
alalaki at babae. May distinksyon ang pagiging lalaki at babae dahil sapagkakaiba sa papel (role);
kapangyarihan (power); at Gawain (duties/responsibilities).

d. Ang wika ay nakabatay sa karaniwang karanasan. Hudson, Liam (1967). Dahil sa mga karanasang
malimit maranasan ng tao, nakabubuo siya ng salita na hango sa mga karanasang ito. Para sa kanya,
medaling matandaan ang salita base sa karanasan na maiuugnay sa kasalukuyan.

e. Ang wika ay nakabatay sa gamit ng lipunan (Codes) Basil Bernstein, 1971 . Batid ng tao ang
kahulugan ng salitang kanyang ginagmit base sa lipunang kanayang ginagalawan. Isa itong pagtasa sa
katalinuhan niyang maintindihan ang salita ng kausap bukod pa sa wikang kanyang sinasalita.
C. Paglikha ng Salita:
1. Akronim/ Paggamit ng Letra – Ginagamit ang mga letra na nagrerepresenta sa isang salita o
tumatayo bilang kapalit ng salita.
Halimbawa: AWOL - absence without leave , LGU – local government unit
ASAP - as soon as possible , OA - over-acting
OHP - overhead projector , KKB – kanya-kanyang bayad
PC - Personal computer , TH - trying hard o nagpipilit

2. Pagpapalit sa mga Arkayk (archaic) sa Salita – Mga salitang gamit sa nakaraang panahon na kung
hgagamitin sa panahong kasalukuyan ay totoong luma na at papag-isipin ang babasa o nakikinig sa
kahulugan ng mga salitang ito lalo’t di kilala ang salita.
Halibawa: sipnayan (isip+hanay+an) - Matematika , minindal - merienda
taburaw- katumbas ng araw, buwan at taon , plaka – compact disc
anuang- tawag sa kalabaw ng katutubong Pilipino , pluma – pen
kalupi - wallet , kasilyas – C R
burador – saranggola, kite , estrelya - bituin
gargantilya – kuwintas , likmuan – upuan
karsonsilyo - salawal na panloob ng lalaki , eskaparate / estante

3. Jargon - mga salitang particular lamang o identifayd sa isang grupo o sa mga tao na nasa parehong
propesyon na di sinasadya ay nahihiwalay ang iba dahil ispesipiko lamang ang gamit nito sa partikular
na grupo o propesyon.

Halimbawa: Para sa IT : byte – sukat ng karakter sa kompyuter , CPU – pinakapuso ng kompyuter


Sa Inhinyera :T-square - panukat ng mga inhinyero na may korteng letrang T
INFRA - infrastraktura , teach pen – espesyal na panulat ng mga inhinyero
Sa Medisina : CT Scan – Kagamitan sa pagsusuri ng karawan ng tao
Generic name – batayang ngalan ng isang gamut , OR – operating room
Sa Politika : political butterfly – papalit-palit ng partido , detention center – kulungan
Sa Manedjment / Bisnes: 24 X 7 working hours – 24 na oras, 7 araw na pagtratrabaho
TQM – total quality management , ISO Standard – tatak/trademark na ibinibigay sa
mga sebisyo, negosyo na nakapasa sa sukatang istandard ng kwaliti
4. Mix –mix na Lengguwahe
a. Pagsasama ng Ingles at Tagalog (Filipino) sa loob ng parirala o pangungusap.
Halimbawa: (mula sa text messages)
Saan na you? Ingat you Miss you na. D2 na me. Wer u na?
b. Pagsasama ng dalawa o higit pang salita upang makabuo ng isang bagong salita.
Halimbawa: Chinoy – Chinese – Pinoy avionics – aviation at electronics
Tapsilog – tapa, sinangang at itlog artivist – art at activist
5. Mga salitang nalikha dahil sa mga pangyayari o pangangailangan ng panahon.
Halimbawa: Counter terrorism – mga panangga/panlaban kontra sa terorismo
Blitzkrieg – intensibong paggamit ng puwersa sa panahon ng giyera
6. Eupemismo – Paggamit ng malumanay na salita sa halip na maanghang, may tonong sekswal at
pangit sa panlasa/pamndinig ginagawa upang maging magaan ang pagtanggap.
Sa halip na : comfort room/kubeta – powder room; ladies room; wash room
Poor – disadvantaged; economically challenged; marginalized people
7. Eponims (eponyms) – ito ang mga salitang nalikha mula sa ngalan ng isang tao. Dala ng salitang
nalikha ang katangian o particular na pagkakakilanlan sa pinaghanguang pangalan.
Halimbawa: Rizalista Platonic Corysta Brangelina Vilmanian
8. Salitang Nanganganak ng Salita (Word Metamorphism) - Ang isang punong salita ay napararami at
nanganganak. Halimbawa:
 Sama (salita): samahan, sinamahan. Nagsama, kasa-kasama, magsasama, kasama,nagsisama
 Buhay(salita):buhay-buhay, nabuhay, nabubuhay, nagkabuhay, binuhay, hanabuhay,kabuhayan
9. Paggamit ng Numero – May mga ibig sabihin/kahulugan ang numero kapag ginamit na
pasalita/pasulat sa pagpapahayag.
Halimbawa: 123 – naloko-naisahan 5-6 – tubo sa pautang 11 – naonse/naloko
50-50 – agaw-buha 8 – swerteng numero para sa mga intsik,’pag isinusulat ito’y pataas at di bumababa
10. Paglikha ng mga Balbal
Halimbawa: longgacious - maganda/glamoroso etchos – kasinungalingan, walang kwenta
Eclaver, eclavou- kung anu-anong bagay che-che bureche- kaartihan, maligoy

II. MGA GAWAIN

Gawain I. Panuto: hanapin ang pinakamalapit na kahulugan o ideyang isinasaad ng mga salitang nasa
kolum I sa kolum II. Isulat ang titik sa blangkong espasyo.
Kolum I Kolum II
____ 1. Jose Rizal a. Benjamin Lee Whorf
____ 2. Batay sa karaniwang karanasan b. “Wika ang nagpaging sa tao”
____ 3. Vgostsky c. “kung ano ang wika mo, ‘yon ang pagkatao mo”
____ 4. Virgilio Almario d. Hudson
____ 5. Bayani Abadilla e. “wika ang gamit ng tao sa kanyang pag-iisip”
____ 6. Batay sa kapaligiran f. Noam Chomsky
____ 7. Batay sa kagalingan g. Naghuhugis ng kamalayan
____ 8. Batay sa gamit sa lipunan h. “ang wika ay kaisipan ng mamamayan”
____ 9. Maro Miclat i. Basil Bernstein
____ 10. Ronald Wrdhaugh j. “ang wika ay nakabatay sa kasarian”

Gawain II. Isulat kung akronim, arkayk, eponym, jargon, mix-mix na lengguwahe, metamorfismo,
eupemismo o pangyayari ang mga sumusunod:
__________ 1. Aphrodisiac _________________ 11. Maoism
__________ 2. Memalooose _________________ 12. Platonic love
__________ 3. SMS _________________ 13. gawgaw
__________ 4. WAP _________________ 14. Ingat you
__________ 5. Alhzeimer’s disease _________________ 15. Kasal, kasal-kasalan, kinasal
__________ 6. Blog _________________ 16. Caesarian delivery
__________ 7. CALABARZON _________________ 17. ARMM
__________ 8. Kalupi _________________ 18. tapsilog
__________ 9. Fahrenheit scale _________________ 19. bytes
__________ 10. Darwinism _________________ 20. Pa-kodak naman tayo.

Gawain III. Gumawa ng sariling dayalogo/usapan ng dalawang tao. Gamitan ng mix-mix na


lengguwahe.

Aralin 2: ANG PAGBASA MGA PRINSIPYO AT KONSEPTO

I. TALAKAYAN

Kahulugan ng Pagbasa:

Ang isang kumpletong pagbasa ay binubuo ng persepsyon, pag-unawa, interpretasyon at


aplikasyon o paggamit.
 Nangangahulugan ito na ang isang efisyenteng mambabasa ay nakakikilala ng mga titik na
bumubuo sa salita; naiintindihan ang relasyon ng salita sa iba pang salita at sa kaligiran
nito; bagrereak sa bagong kaalaman na may kaugnayan sa kanyang mga nakaraang
karaanasan; at nagagamit ang kanyang mga kaalamang natamo mula sa pagbasa sa iba’t
ibang sitwasyon.

Ang pagbasa ay isang kognitibong proseso ng pagkuha, pagkilala, pag-unawa sa mga


nakaimbak, nakasulat na informasyon o ideya. Ang mga ideyang ito ay representasyon ng wika
bilang simbolo na maeeksamen ng mata o mahahawakan. Halimbawa,
 Ang sistemang Braille sa pagbasa ng mga bulag.
 Ang iba pang uri ng pagbasa ay maaring hindi nakabase sa lengguwahe tulad ng mga
notasyon o pictogram (mga signs o simbolo).
 Sa kompyuter, ang pagbasa ay pagkuha ng datso sa mga nakaimbak na tala sa loob ng
CPU na nagproproseso sa lahat ng pinasok na imformasyon.

Ito ay isang mental na interpretasyon ng mga nakasulat na simbolo.

Ayon kay Goodman(1967-1973), Isang “psycholinguistic guessing game” ang pagbasa kung
saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong
binasa. Sa ganito’y nagbibigay ang mambabasa ng sariling paghahaka o paghuhula, pagtataya,
pagpapatunay, pagrerevisa, o kaya’y ibayo pang pagpapakahulugan.

Inilaboreyt ni Coady (1979) ang sinabi ni Goodman. Para sa kanya, upang lubusang maunawaan
ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng
mga konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga naiprosesong informasyon sa binasa.
Ayon naman kay G. James Lee Valentine (2000) na ang pagbasa ang pinakapagkain n gating
utak (mental food).

Ayon kay Hank (1983) ang pagbasa bilang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at
pagbibigay interpretasyon dito.

Ayon naman kina Bond at Tinker (1967), ang pagbasa ay recognisyon ng anumang nakasulat o
nakalimbag na mga simbolo na nagiging “stimuli” upang maalala ang kahulugan ng mga
nakalimbag na kaalaman/karunungan mula sa karanasan ng mambabasa.

Mga katangian ng Pagbasa:


Pinaniniwalaang ang pagbasa ay ……
 Kakayahang mabasa ng indibidwal ang bawat titik at salitang nakalimbag.
 Mahalaga ang hagod ng mata sa pagbasa.
 Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe ng teksto.
 Ang pag-unawa sa teksto ay matatamo kung nauuawaan ang wikang ginamit sa teksto. Mahirap
unawain ang tekstong nasulat sa iba pang wika (Pranses, Nihonggo, Aleman, atbp) kung hindi alam
ang kahulugan ng mga salitang ginamit ditto, bukod pa sa di ito kayang basahin (may mga
panunutunan sa pagbigkas ang mga nasabing wika at kailnag itong pag-aralan).
 Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-isip
 Nagbibigay ng kahulugan (meaning ang tagabasa sa tekstong binasa. Nagpapakahulugan,
naghihinuha, nanghuhula, nagbubuo ng konklusyon, nag-iisip hinggil sa nilalaman o isinasaad
ng teksto. Ang pagbasa’y isang intelektwal na proseso.
 Isang interaktibong proseso sa pagian ng manunulat at mambabasa
 Sa pagitan ng manunulat at mambabasa ay may interaksyong nagaganap. Nakukuha kaya ng
mambabasa ang ibig / gustong sabihin ng awtor? Nadarama kaya niya ang awtor?
Nakapagrereleyt kaya siya sa kanyang binasa?
 Bahagi rin ng pagbasa ang paggamit ng dating alam at pag-ugnay nito sa bagong kaalaman.

Mga Teorya ng Pagbasa:

1. Teoryang Bottom-Up( nakabatay sa teksto)


 Tinatawag ding “pagkilala sa salita” ang teoryang ito, kung saan ang teksto ang pinakafocus
ng pagbasa. Sa teksto (bottom) patungo sa tagabasa (up) nagsisimula ang pag-unawa.
Tinawag ito ni Smith (1983) na “outside-in” o “data driven” dahil nagmumula sa teksto ang
informasyon sa pag-unawa at hindi sa nagbabasa.
 Sa teoyang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala sa mga serye ng mga nakasulat na simbolo
bilang stimulus upang maibigay ang katumbas nitong tunog bilang tugon o “response”. Ayon pa
rin sa teoryang ito, ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala sa
mga titik, salita, parirala, pangungusap bago ang pagpapakahulugan sa teksto.

Komprehensiyon ng teksto

Pagbasa sa Kabuuan ng Teksto

Pagbasa sa mga Talata

Pagbasa sa mga Pangungusap

Pagbasa sa mga salita

Pagbasa ng mga Letra

2. Teoryang Top-Down( nakabatay sa mambabasa)


 Sa teoryang ito, ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa (top) bilang
aktibong partisipant sa proseso ng pagbasa na may dati nang kaalaman na nakaimbak sa
kanyang isipan patungo sa teksto (down). Ang mga nakaimbak na kaalaman ng mambabasa
ang ginagamit niya sa pagpapakahulugan sa teksto.
 “inside-out” o “conceptually driven” ang isa pang katawagan sa teoryang ito sapagkat
angmumula sa mambabasa ang pag-unawa sa teksto gamit ang kanyang mga dating kaalaman
nainuugnay sa konseto ng awtor.
Mga kaalaman at karanasan

Mga Layunin sa Pagbasa

Komprehensiyon ng Teksto
3. Teoryang Iskema (Schema)
 Ang teoryang iskema ay nagsasabing ang teksto (pasalita o pasulat) ay walang kahulugang
taglay sa kanyang sarili. Ito ay nagbibigay lamang ng direksyon sa tagapakinig o tagabasa kung
paano nila gagamitin at bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating alam. Ang dating
kaalaman (background knowledge) ang sanligang kaalaman ng mambabasa. Ang kayariang
balangkas ng dating kaalaman at tinatawag na iskema.
 Ito ay batay sa kanilang sari-sariling karanasan at sa paraan ng kanilang pag-iisip.
 Ang iskema ay patuloy na nadaragdagan, nalilinang, napauunlad at nagbabago. (Pearson
at Spiro, 1982). Tingnan ang dayagram sa susunod na pahina.

BAHAY INSTITUSYON
MAG-ANAK
TAHANAN
TIRAHAN PAGMAMAHALAN
 Pinatutunayan sa dayagram na bawat impormasyon ay napaparagdag sa dati nang iskema.

4. Teoryang Interaktibo
 Papaano ba nakasasagot ang mag-aaral sa tanong sa binasa? Papaano siya
nakapagfoformuleyt ng sagot? Paano niya pinoproseso ang kanyang sagot? Paano niya
nauunawaan ang kanyang binasa? Lahat ng ito ay produkto ng kanyang komprehensyon.
Samakatwid, ang pag-unawa sa kanyang binasa ay prinoseso ng kanyang utak – ang pag-
unawa sa wikang ginamit sa teksto, ang pagpasok sa isip ng orihinal na awtor uoang makuha
ang gustong sabihin (ano kaya ang ibig sabihin ng awtor). Sa ganitong sitwasyon, nagkakaroon
ng interaksyon sa paitan ng mambabasa at awtor.

 Ang kombinasyong ibaba – itaas at itaas – ibaba sa komprehensyon tulad ng sinabi sa top –
down at bottom – up na mga teorya ay kailangang mangyari upang lalo ng magkaroon ng
pagkatuto. Kapag nagawa ang kombinasyonng ito, matutulungan ng grupo ang mambabasa sa
kanyang pagbasa. Ang interaksyong namamagitan sa guro at mababasa ay tinatawag
nating interaktibo.

Mga Pamamaraan sa Pagbasa:

1. Iskiming - isang mabilis na proseso ng pagbasa na naghahanap ng mga klu para mabigyang-
kahulugan ang binabasa. Isang mabilis na pagbasang kumukuha ng higit pa sa 700 salita bawat minuto
(wpm) kaysa sa nakasanayang 200 – 230 wpm (normal na pagbasa0. Ang resulta ay mahinang pag-
unawa lalo’t higit sa makapal na material. Kinukunsidera ng mga eksperto na ang iskiming na pagbasa
ay maaaring ipagawa kung hindi gaanong ikukunsider ang komprehensyon.
 Para kay Canver (19192), mas mababa sa 50% ang resulta ng komprehensyon sa mga
istandardisadong eksamen kapag mabilis ang pagbasa. Nagiging mahina ang abilidad sa
pagkuha ng detalye mula sa teksto.
 Kinukuha nag overbyu ng nakasaad sa teksto at kung paano ito naorganisa. Kung mabilis ang
pagbasa at kaya namang unawain ang teksto, magiging magaling ang pagbasa lalung-lao na sa
eksamen.

2. Iskaning - kinukuha nito ang mga detalye sa binabasang material. Upang madaling magawa ag
iskaning, kailanganh naiskim na ang teksto para makuha ang overbyu nito, Makita kung paano ito
naorganisa, partikular ang talataan, mga katulong na heding o sabtaytel (sub-title) at ilang
mahahalagang informasyon sa teksto.

3. Interpreting - Nakatutulong ito upang unawain ang mga detalye, masabi ang kaibhan ng pangunahin
at sekondaryang ideya, malaman ang lahat tungkol sa teksto – ang rason ng pagkakasulat nito, ang
mga fanksyonal (functional) na salitang ginamit at iba pang bokabularyo. Mapaghuhusay ang
interpretasyong gagawin sapagkat mapagkukumpara ang kasalukuyang binabasa sa dati nang nabasa.

4. Predikting - Nakatutulong ito upang magamit ng mambabasa ang mga klu. Nagprepredik siya ng
maaaring kalalabasan ng binabasa.

II. MGA GAWAIN

TEST I. Gawain 1. Panuto: kilalanin kung sino ang nagpahayag ng mga sumusunod:
1. Ang mga nakalimbag ay nagiging stimuli upang maalala ang mga nakalimbag. _________
2. Ang pagbasa ang mental food ng ating utak. __________
3. Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game. __________
4. Kailangang maiugnay ang dating alam sa kakayahang bumuo ng konsepto/kaisipan. __________
5. Ang pagbasa ay pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon
dito. __________
Gawain 2. Panuto: hanapin ang kahulugan ng mga salitang nasa kaliwa sa kolum 2. Isulat ang
bilang ng piniling sagot.
Kolum 1 Kolum 2
___ Bottom-up 1. Organisasyon/pagkakaayos ng salita sa pangungusap; ng
pangungusap sa talataan
___Bakgrawnd knowledge 2. Mula sa utak papunta sa teksto
___Interaksyon ng awtor at mambabasa 3. Balarila
___Gramar 4. Ang dating kaalaman
___Iskema 5. Kahulugan ng salita
___Top-down 6. Kayariang balangkas ng dating alam
___pag-unawa sa teksto 7. Teksto
___nagiging tulay sa interaksyon 8. Interaktibong pagbasa
Ng manunulat at mambabasa 9. Komprehensyon
___semantiks 10. Mula sa teksto papunta s autak
___sintaks

Gawain 3. Panuto: Basahin ang teksto at kumpletuhin ang sumusunod na mga Gawain. Ito ay sipi sa
aklat pangwika at pampanitikan.

“SEE YOU in my cubicle after lunch.” Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kaninang matapos
ang klase. Si Mrs Moral Character ang teacher naming sa Social Science. Siya rin ang adviser namin.
Halaw sa : Utos ng Hari ni Juan Cruz Reyes

a) Sa iyong palagay, saan naganap ang pangyayari/ Bakit?


b) Snion ang kausap ng guro? Anong salita/pangungusap ang nagbigay pahiwatig sa talata upang ito ang
iyong maging sagot?
c) Bakit kaya siya nais Makita ng guro?
d) Anong iskema ang nakatulong upang ito ang iyong maging sagot?

*** Basahin ang talata upang malaman kung tama ang iyong kasagutan.

Para naman akong si gago na isip nang isip kung anon a naman ang sasabihin nito sa akin.
Nawalan tuloy ako ng ganang managhalian. Halostiyak ko nang sermung umaatikabo na naman
ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para ipakita kung gaano ako
“Katanga” ay kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking singko. Isinunod niya ang mga
absences ko at tapos ay ang aking mga lates. Hindi naman maikatwirang paano ko di masi-
singko, kung kalian ako absent ay sakya magbiigay ng quiz. Kung kelan tinatamad magrecite,
saka namimilit. Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin kakapain ‘yung pulang ball pen.
Halaw sa : Utos ng Hari ni Juan Cruz Reyes

e) Tama ba ang iyong mga sagot sa mga naunang tanong? Ano/Anu-ano ang mga pangungusap sa
ikalawang talata ang magpapatunay na tama ang iyong mga sagot?
f) Hanapin at basahin ang kabuuan ng maikling kwento. Anong pangyayari sa kwento ang hindi mo
inaaasahan? Bakit?
g) Anong pangyayari sa kwento ang nagbigay kakintalan sa iyo? Bakit? Paano mo ito maiuugnay sa iyong
mga naging karanasan?

TEST II. Panuto: Talakayin ang mga sumusunod ng tanong.

1. Bakit kailangan nating magbasa?


2. Ano ang kahalagahan ng dating kaalaman sa pag-unawa sa teksto?
3. Alin sa mga teorya sa pagbasa ang higit mong pinananaligan? Bakit?
4. Para sa iyo, alin ang mas mainam na paraan sa pagbasa ang iskaning o iskiming?

You might also like