You are on page 1of 30

Hello!!!

Mga Salitang
Pangnilalaman
Pangngalan
Panghalip at
Pandiwa
Pangngalan- Ito ay mga pasalitang
tumutukoy sa pangalan ng tao, hayop,
bagay , pook,pangyayari. (Santiago at
Tiangro,2003)

Mga Halimbawa:
Tao Hayop Bagay Pook Pangyayari
Pilipino Aso Aklat Pilipinas Ikalawang Digmaang
pandaigdig
Dalawang Klasipikasyon ng
Pangngalan

1. Batay sa kung ang pangngalan ay may diwang panlahat o hindi panlahat.


2. Batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang bagay na tahas o hindi tahas.
Ayon sa unang batayan ang mga pangngalan
ay may maaaring1.) pangngalang pantanngi
o2.) pangngalang pambansa.
Pantangi ang pangngalan kung tumutukoy
ito sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook at
pangyayari.
Halimbawa:
1.Pangngalang Tanging Ngalan ng Tao.
2.Pangngalang Tanging Ngalan ng Hayop.
3.Pangngalang Tanging Ngalan ng Bagay.
4.Pangngalang Tanging Ngalan ng Pook.
5. Pangngalang Tanging Ngalan ng Pangyayari.
Pambalana- Ang mga pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang diwa ng Tao, hayop, bagay, pook at
pangyayari.
1. Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Tao.
bata guro lalaki abogado
2. Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng hayop.
aso baka pusa kalabaw
3. Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Bagay.
Loptop radio bahay relo
4. Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Pook.
ilog bulubundukin kapatagan lungsod
5. Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Pangyayari.
sayawan gulo banggaan digmaan
Ang ikalawang batayan ng pangngalan ay tumutukoy sa isang bagay o tahas o bansa.
Tahas ang pangngalan kung tumutukoy sa bagay na materyal.
Mga halimbawa.
tao puno pagkain
hayop gamit kasangkapan
Ang mga pangngalang tahas ay maiuri pa rin dalawa 1.) palansak at 2.) di-palansak. Ang palansak ay
tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay. (Santiago at Tiangro,2003)
Mga Halimbawa:
buwig hukbo tumpok kumpol tahi tangkal
Ang di-palansak ay tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa.
Mga Halimbawa:
saging sundalo kamatis bulaklak tao manok
Basal ang pangngalan kung ang tinutukoy ay hindi materyal kundi diwa o kaisipan.
Mga Halimbawa:
buti sama pag-asa ganda bait kaligayahan
Kasarian ng pangngalan
May apat na kasarian ang pangngalan. Ito ay panlalaki, pambabae, di-tiyak at walang kasarian (Ronda, 2009).
Mga Halimbawa:
Panlalaki: Bicolano, lolo, bayaw, G. Cruz
Pambabae: Bokana , ate, Inday, Gng. Chan
Di-tiyak: guro, bata, anak, nars
Walang kasarian: bundok, ilog, halaman, buwan
2. Panghalip- Ang panghalip ay salitang panghalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
Si Manuel L. Quezon ang kanilang “Ama ng Wikang Pambansa”
Ang panngalang Manuel L. Quezon ay maaring palitan ng salitang siya. Ganito ang magiging pangungusap.
Siya ang kinilalang “Ama ng Wikang Pambansa.”
May tatlo itong panauhan, unang panauhan na tumutukoy sa taong nagsasalita gaya ng (ako, ikaw, tayo ),
ikalawang panauhan na tumutukoy sa taong kausap sa pangungusaap (ikaw, ka, kayo, inyo, ninyo); at ikatlong
panauhan na inahalili sa taong tumutukoy sa pangungusap (niya, sila, kanya, kanila).
Mga Halimbawa:
1. Unang Panauhan
Ako ay magtatayo ng maliit na negosyo.
Ipapadala ko sa ibang bansa si Pedro upang magmasid tungkol sa makabagong pagsasakahan.
Kami ay mamamasyal sa katimugan ngayong darating na bakasyon.
Ang mga panghalip na ako, ko, at kami sa mga pangungusap sa itaas ay tinataguriang nasa unang panauhan dahil
ang mga ito ay nagsisilbing tagapagsalita.
2. Ikalawang Panauhan
Ikaw ay minamahal nang labis ni Rudolf.
kalian ka magpapadala ng pera sa iyong mga anak?
Kayo ay magbasa ng mga aklat tungkol sa industriya at ekonomiya ng bayan.
Ang mga panghalip na ikaw, ka at kayo sa pangungusap ay tinataguriang nasa ikalawang panauhan dahil ito ang taong
kausap.
3. Ikatlong Panauhan
Bumili siya ng relo kay Aling Milay para kay James Sotillo.
Sila ay lumigaya dahil sa iyong pagmamalasakit.
Sa kanila ang bagong bahay na itinayo.
Nsasa ikatlong panauhan ang mga panghalip na siya, sila at kanila dahil ang mga ito ang tumutukoy.
Pandiwa- Ang pandiwa ay salitang tumutukoy sa kilos o galaw ng salita o mga salita saloob
ng pangungusap. Kakaiba ang pagbabago ng mga panlapi sa pandiwa sa wikang Filipino dahil
ito ay naaayon sa aspekto, pokus, kaganapan, at iba pa.
Bumubuo ang pandiwa ayon sa pagsasama-sama ng salitang-ugat at isa o higit pang
panlaping pandiwa. Ang salitang-ugat ang nagbibigay ng kahulugan ng pandiwa samantalang
ang panlapi ay naghahayag ng pokus ng pandiwa sa paksa. (Ronda,2004)
Halimbawa:

Pandiwa Salitang-ugat Salitang pandiwa


umiiyak iyak ?
kumakanta kanta ?
lumalangoy langoy ?
nagtatanim tanim ?
maglalakad lakad ?
aakyat akyat ?
uupo upo ?
umiinom inom ?
sumasayaw sayaw ?
mag-aaral aral ?
THE END!!!

You might also like