You are on page 1of 18

Filipino 4

Pangalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
Mga Paksa:
Modyul 9- Talambuhay at Liham
Modyul 10- Pawatas- Pautos na
Pandiwa
Aralin 1: Nakasusulat ng Saliring
Talambuhay at Liham Kapahintulutan
Mga Inaasahan

 Nakikilala ang kahulugan ng talambuhay


 Nalalaman ang bahagi kahalagahan ng liham
 Nakakasulat ng sariling talambuhay at liham
na humihingi ng pahintulot na magamit ang
silid-aklatan.
Talambuhay
Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga
salitang "tala" at "buhay" na may diwang "tala
ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng
panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng
buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
pangyayari at impormasyon.
Uri Ng Talambuhay Ayon Sa Paksa At May-akda
1. Talambuhay na Pang-iba- isang paglalahad ng mga
kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat ng ibang tao.

2. Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa


buhay ng isang tao na siya mismo ang may akda.

3. Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay


ng isang tao na naging sikat sa isang bansa, lalawigan,
bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga
tao dahil sa angking galing ng mga ito.
Uri Ng Talambuhay Ayon Sa Nilalaman
1. Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang
tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang
detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-
aaral, karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba pang
mahahalagang bagay tungkol sa kanya.

2. Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi gaanong sapat dito ang


mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may
kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-pansin dito ang
mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano
nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan.
Liham
Ang liham o sulat ay isang isinulat na
mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita, o
saloobin na pinapadala ng isang tao para sa
kanyang kapwa.
Mga Bahagi ng Liham:
1. PAMUHATAN- nagsasaad ng lugar kung saan nanggaling
liham at petsa na isinulat ito.
2. BATING PANIMULA- nagsasaad ng pangalan ng sinulatan.
Nagtatapos ito sa kuwit.
3. KATAWAN NG LIHAM- Dito nakasaad ang nais ipabatid ng
sumulat ng liham.
4. BATING PANGWAKAS- Kakikitaan ng relasyon ng sumulat sa
sinulatan.
Halimbawa:
Ang iyong kaibigan
Ang iyong anak
5. LAGDA- naglalaman ito ng pangalan ng sumulat ng liham.
Aralin 2
Aspekto ng Pandiwa
Pawatas- Pautos sa Pagsasalaysay
Mga Inaasahan
 Nakikilala ang aspektong pawatas-
pautos ng pandiwa
 Nagagamit ang aspekto ng pandiwa-
pawatas pautos sa pagsasalaysay ng
napakinggang usapan.
Ano ang pandiwa?
Pandiwa ang tawag sa salitang kilos. Ito ay nagsasaad
ng kilos o galaw ng isang tao, hayop o mga bagay.
Mabubuo ito sa pamamagitan ng mga salitang-ugat at
mga panlapi. Ang pagtambal ng salitang-ugat at panlapi
ay tinatawag na pawatas at dito makukuha angang iba’t-
ibang aspekto ng pandiwa.
Ano-ano ang halimbawa ng mga panlapi?
HALIMBAWA:
Salitang-ugat Panlapi Pawatas Pandiwa

kain um kumain kumain

kuha in kinuha kinuha

gulat na nagulat nagulat


Ang aspektong Pawatas-Pautos ng
pandiwa ay nabibilang sa anyong
neutral. Ginagamit ang pawatas sa
pagbibigay ng utos o pagbibigay ng
direksyon.
Pawatas
Binubuo ng makadiwang panlapi at salitang
ugat, walang panahon ni panauhan.

Mga Halimbawa:
Ang magsabi ng totoo’y tungkulin ng tao.
Ang umawit ng opera ay isang karangalan.
Pautos
Walang kaibahan sa anyo ng pawatas. Ito’y
wala ring tiyak na panahon at ginagamit sa
pag-uutos o pakiusap.
Mga Halimbawa:
Umibig tayo sa Diyos.
Magkawanggawa tayo sa mga nagigipit.
Igalang ang karapatan ng isa’t isa.
Maraming Salamat mga bata!
Hanggang sa ating muling
pagkikita.

You might also like