You are on page 1of 19

Aralin 2 PAKSA: BIONOTE

LAYUNIN:
1. Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin.
2. Nakasusulat ng organisado,malikhain at kapani-paniwalang sulatin
tulad ng Bionote.
3. Nakikilala ang mga tiyak na katangian ng dalawang uri ng talambuhay
na: a. pansariling talambuhay b. talambuhay ng ibang tao.
4. Nababatid ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining na
talambuhay,
5. Naipapakita ang pagiging malikhain sa pagsulat ng talambuhay bilang
isang pasulat na komunikasyon batay sa maingat,wasto at angkop na
paggamit ng wika.
Tuklasin Natin:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng Bionote.Isulat ang
mga salita na maaaring kasingkahulugan nito sa
bilog.

BIONOTE
Ang kahulugan ng salitang Bio”
buhay” na nagmula sa salitang
Greek Bios”Buhay”.na may
kaugnayan sa salitang latin
Vivus”buhay” at Sanskrit na
“jivas”
Ang biography o talambuhay sa tagalog –ay
isang anyo ng kasaysayan tungkol sa buhay ng
isang tao na isinulat ng ibang tao.
Ang Talambuhay( mula sa pinagsama-samang
salitang Tala at buhay na may diwang “Tala ng
buhay”)o biyograpiya-ay isang anyo ng
panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng
buhay ng isang tao hango sa mga tunay na
tala,pangyayari at impormasyon.
1. Talambuhay na pang-iba-isang paglalahad ng mga
kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat ng
ibang tao.
2. Talambuhay na pansarili- isang paglalahad tungkol
sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may akda.
3. Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa
buhay ng isang hayop na nagging sikat sa ibang
bansa,lalawigan bayan, o kahit sa isang maliit na
pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa angking
galling nito.
Halimbawa ng Talambuhay ng Pang-iba.
Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman.
1.Talambuhay na karaniwan-isang paglalahad
tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang
hanggang sa kanyang kamatayan. Kasama dito
ang detalye tulad ng kanyang mga magulang
mga kapatid kapanganakan pag-
aaral,karangalang natamo, mga naging
tungkulin, mga nagawa,at iba pang tungkol sa
kanya.
2. TALAMBUHAY NA DI-KARANIWAN/ O
PALAHAD-
hindi gaanong binibigyan-diin dito ang
mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng
tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa
simula ng paksa.Binibigyang pa din dito ang
mga layunin ,adhikain, simulain, paninindigan
ng isang tao at kung paano nauugnay ang
isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan.
May dalawang uri ng talambuhay na
pang-iba.
A. Awtorisado- may pahintulot ng taong
paksa ng talambuhay.
B. Di-Awtorisado- walang gaanong
pahintulot. Maaaring maharap sa suliraning
legal ang sumulat ng isang di-awtorisadong
talambuhay kung ito ay naglalaman ng
maseselang impormasyon.
Pagpapaunlad ng kaalaman:
1. Ang talambuhay ng ibang tao (biography)
dahil sa kasaysayan o kuwento ito ng
buhay,pangarap,mithiin at karanasan ng isang
tao na isinulat ng iba.Tulad ng pansariling
talambuhay ,ito ay nagbibigay rin ng mga
impormasyon ukol sa tao di malimutang
bahagi ng kanyang buhay,(kung ang taong ito
ay nabubuhay pa o sa panahon ng kanyang
kamatayan.
2. Talambuhay na pansarili-
(Autobiography)
Ang awtor mismo ang sumulat ng
kanyang sariling talambuhay,mga
pangarap,hangarin. At mga
karanasang di malilimutan
maaaring masaya o malungkot.
Mga Dapat taglayin ng Talambuhay
na Pansarili
1. Pangalan mo Petsa ng iyong
kapanganakan
2. pangalan ng iyong mga magulang
3. Pang-ilan sa inyong magkakapatid
4. Mga pangarap at balak sa hinaharap
5. Paniniwala ukol sa buhay.
Balangkas sa pagsulat ng Pansariling talambuhay
I. Panimula
II.Mga personal na Impormasyon
a. Pangalan
b. Petsa at lugar ng kapanganakan
c.Bilang ng magkakapatid
d. Mga magulang
III.Pamilya
a. Mahirap na pamilya/masayang pamilya
b.Maagang pagtatrabaho
IV. Eskwelahan
a. Pagsisikap na maging mahusay
b.Pagtatamo ng karangalan
V.Buhay Kolehiyo
a Panibagong hamon
b.Pagtulong ng mga kapatid at kaibigan
VI.Pagtuklas sa talento
a. Pagsulat
b. Parangal na nakamit
VII.Kasalukuyan
VIII.Wakas
Pagsulat :
Panuto: Sumulat ng maikling
Talambuhay na pansarili gamit
ang Balangkas.
SUMULAT NG SARILING
BIONOTE
Pamantayan sa Pagsulat ng Bionote
Kraytirya:
Nilalaman—-------10pts
Pagkakabuo ng nilalaman—----5pts
Paggamit ng Wika—------10pts
Mekaniks(bantas,palugit,gamit ng malaking
titik)-----5pts
Kalinisan at kaagapan—----10pts
Kabuuan—---------40pts
REPLEKSIYON:
Panuto: Sagutan mo ang tsart na naglalaman ng mga
kaalaman na natutunan mo sa modyul na ito.

Natutuhan ko sa araling ito na


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Nalaman ko na
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
Sisikapin ko pang matutuhan ang mga kasanayan na
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG AT
PARTISIPASYON
GODBLESS

You might also like