You are on page 1of 1

Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang "tala

ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng


buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon.
Mga uri ng talambuhayBaguhin
Uri ng talambuhay ayon sa paksa at may-akdaBaguhin
1. Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat ng
ibang tao.
2. Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may
akda.
3. Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na naging sikat sa isang
bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa angking
galing ng mga ito.

Uri ng talambuhay ayon sa nilalamanBaguhin


1. Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang
hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga
kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba
pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
2. Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi gaanong sapat dito ang mahahalagang detalye
tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay
binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung
paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan....

You might also like