You are on page 1of 3

DISKURONG PERSONAL

ANO ANG DISKURSONG PERSONAL?


- Mga sulating naglalarawan at nagpapakita ng sariling karanasan ng sumulat.

MGA URI NG DISKURSONG PERSONAL


Talaarawan/ Diary
- Diary mula sa salitang Latin na “diarium” na nangangahulugan
ng araw o day; talaan ng mga eksperiensya obserbasyon at pag-
uugali
-
- Naglalaman ng mga personal na pangyayari sa sarili.
- Isang pang araw-araw na tala, lalo na ng mga personal na karanasan, saloobin,
obserbasyonat pananaw.
Mga uri ng Talaarawan
1. Personal na Talaarawan
- Ang mga personal na talaarawan ay naisulat mula nang ipakilala ang nakasulat na
wika. Karaniwan, ang isang talaarawan ay naglalaman ng medyo madalas na mga tala
ng buhay ng mga may-akda at mga kaganapan, ngunit maaari itong maging tungkol
sa anumang bagay.

2. Lihim na talarawan
- Ang mga lihim na talaarawan ay karaniwang hindi ibinabahagi sa sinuman, at itinago
mula sa pampublikong pagtingin. Dito mo maibabahagi ang iyong panloob karamihan
sa mga lihim at saloobin, at mga aktibidad.

3. Anonymous na talaarawan
- Talaarawang isnisulat ng isang tao patungkol sa kanyang mga karanasan, kaisipan at
damdamin ngunit di nagpapakilala ang manunulat.

4. Talaarawan sa Diyeta
- Isang talaarawan sa pagbabawas ng timbang at naglalaman din ng mga ideya
patungkol sa pagkakaroon ng magandang kalusugan

5. Pangarap na Talaarawan
- Ang mga talaarawan sa panaginip ay itinatago upang subaybayan ang mga pangarap.
Maaaring maging masaya na subukang bigyang kahulugan ang mga pangarap, at
madalas na mahalaga na isulat ito nang mabilis hangga't maaari pagkatapos magising.
6. Talaarwan sa Pagtulog
- Ang mga karamdaman sa pagtulog ay maaaring makapagpahina. Ang pagsubaybay sa
mga siklo sa pagtulog ay maaaring maging lubhang kapaki-pakinabang sa kanilang
paggamot.

7. Talaarawan sa Paglalakbay
- Ang pag-iingat ng mga tala ng iyong mga paglalakbay ay lubhang kapaki-
pakinabang. Gaano ka kadalas hindi sinubukan tandaan kung nasaan ka sa mga tukoy
na petsa, o kapag ang bakasyon na iyon ay? Ang pagsubaybay dito ay nagpapahusay
sa iyong memorya ng mga journal.
Journal
- Isang kasulatang tala ng isang tao hinggil sa kanyang naiisip sa isang indefinite na
panahon.
- Kaiba sa pagsulat ng talaarawan, ang pagsulat ng journal ay nakapagbibigay ng
pagkakataon sasinumang sumusulat nito upang mahasa ang kanyang panitik o
kasanayan sa pagsulat.

Sangkap ng isang Talaarawan

1. Sitwasyon o pangyayari

2. Damdamin

3. Kaisipan
Talambuhay/ Biography

- Naglalaman ng buhay o kasaysayan ng isang tao


Mga uri ng Talambuhay
1. Mga uri ng Talambuhay ayon sa may akda
a. Talambuhay ng Pansarili
- Paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat.

b. Talambuhay na Pang-Iba
- Paglalahad sa buhay ng isang tao na sinulat ng ibang tao

DALAWANG URI NG TALAMBUHAY NG PANG-IBA


1. Awtorisado
- May pahintulot ng taong paksa ng talambuhay ang pagsusulat ng nasabing
paglalahad.

2. Di – Awtorisado
- Walang ganoong pahintulot. Maaaring maharap sa suliraninglegal ang sumulat ng
isang di-awtorisadiong talambuhay kung ito ay naglalaman ng maseselang
impormasyon na itinuturing ng paksa na nakasisira sa kanyang pangalan o pagkatao.

2. Mga Uri ng Talambuhay ayon sa nilalaman


a. Talambuhay na Karaniwan
- paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang
pagkamatay. Kasama rito ang mga detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga
kapatid, kapanganakan, edukasyon, mga karangalang natamo, mga naging tungkulin,
mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.

b. Talambuhay na Di-karaniwan
- hindi gaanong binibigyan-diin dito ang mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng
tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay
pinatutuunang-pansin dito ang kanyang mga layunin, adhikain, simulain, at
paninindigan, at ang kaugnayan ng mga ito sa kanyang tagumpay o kabiguan.

Awtobiograpiya
- -tungkol sa kasaysayan ng tunay na buhay ng tao na siya mismo ang sumulat

Repleksyon
- Ito ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw
- Tinatalakay sa sulating ito ang mga kasaysayan ng pagbabago sa sarili
sa pamamagitan ng teksto o ng mga karanasan.

You might also like