You are on page 1of 13

SOSYEDAD AT LITERATURA

• Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o


paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na
binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon.
• Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at
nagkakaisa.
• Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang
industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming
tao.
• Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't
ibang mga pangkat etniko.
• Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan,
katulad ng mga Saxon, isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa
mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan.
• Maaaring tumukoy din ang salitang lipunan sa mga
organisadong boluntaryong asosayon ng mga tao para sa
mga layuning relihiyoso, kultural, mala-agham, pang-politika,
patriyotiko, o ibang pang dahilan.
• Sosyolohiya ang siyentipikong, o akademikong, pag-aaral ng
lipunan at kaugalian ng mga tao. Maari rin itong tumukoy sa
yunit ng isang lipunan.
Kahalagahan ng Lipunan
• Ang kahalagahan ng lipunan ay higit pa sa
kahalagahan ng yaman o anumang salapi ito ay isang
grupo ng tao kung saan nagtutulong tulong ang mga
tao.
• Dito rin nila nakikita ang kanilang mga
pangangailangan sa buhay.
Uri ng lipunan:
• ayon kay Fr. De Torre, mauuri ang lipunan sa dalawa - natural at
artipisyal.
• Sinasabing natural ang isang lipunan kung ito ay naitatag nang kusa
dala ng likas na pangangailangan ng tao, gaya ng pamilya at lipunan
sibil.
• Samantala, Maituturing itong artipisyal na lipunan kung ang dahilan
ng pagkakatatag nito ay sinadya para sa kapakanan ng isang tiyak na
pangkat.
• Ang halimbawa ng artipisyal ay gaya ng paaralan, samahang
panghanapbuhay, mga NGO's, at iba pa.
Panitikan
• Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga
kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa
ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo
na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
• Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-
an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at
hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura
ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.
• Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga
pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay
ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Kahalagahan ng Panitikan:
• 1. Sa pamamagitan ng panitikan, naipakikilala ang pagka - Pilipino at
naibabahagi ang yaman ng isip at ang angking talino ng lahing pinagmulan.
• 2. Naipapabatid sa daigdig ang kadakilaan at karangalan ng tradisyong
Pilipino na sandigan ng kabuuan ng ating kultura.
• 3. Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at pagsasanay upang ito ay
maisaayos at maituwid.
• 4. Nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging
masigasig sa paglinang at pagpapaunlad nito.
• 5. Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng
pagpapakita ng malasakit sa panitikan.
URI NG PANITIKAN
• PROSA O TULUYAN- nagpapahayag ng kaisipan. Ito ay isnusulat nang
patalata.
a. Anekdota (mahalagang tao)
b. Nobela
c. Pabula
d. Parabula- o talinghaga
e. Maikling kwento
f. Dula
• g. Sanaysay (pormal at di pormal)
• h. Talambuhay (awto biographi at biograpi)
• i. Talumpati (Isinaulo, extemporeneus, impromptu, binasa.)
• J. Balita
• k. Kwentong bayan
Mga Uri Ng Tula
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)
• a. Awit (lungkot,)
• b. Soneto
• c. Oda
• d. Elehiya
• e. Dalit
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry)
• A. Epiko
• B. Awit at kurido
• C. Karaniwang Tulang Pasalaysay

• 3. Tulang Patnigan (joustic poetry)


• A. Balagtasan
• B. Karagatan
• C. Duplo
• 4. Tulang Pantanghalan o Padula
Karaniwang itinatanghal sa theatro. Ito ay patulang ibinibigkas na
kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.
Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring
makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na
buhay.

You might also like