You are on page 1of 8

BIONOTE

SIMULAIN PARA SA IYO:


Maghanap ng kapareha at gawin ang mga sumusunod.
• Magpalitan kayo ng impormasyon. Ibigay sa kapareha ang mga sumusunod na
impormasyon:
• Pangalan:
• Kapanganakan:
• Edad:
• Mga magulang:
• Tirahan:
• Antas ng Edukasyon na Natamo:
• Mga Natatanging Kasanayan:
• Mga Karangalang Natamo:
• Mga Trabaho at Pagkilalang natamo:
• TANDAAN: Ang impormasyon mula sa edukasyon na natamo at propesyon ay maaaring
ipagpalagay muna.
• Kapag natapos na ay mag-ensayo kung paano ipakikilala ang kapareha sa harap
ng maraming tao.
BIONOTE
Ang salitang bio ay nagmula sa wikang
Griyego na ang ibig sabihin ay buhay
(Harper 2016). At ang salitang note ay mula
sa salitang Latin na nota na ang ibig sabihin
ay marka (The American Heritage 1994). Ang
bionote ay ang maikling tala ng buhay ng
isang indibidwal na dapat tandaan.
PAGKAKAIBA NG BIONOTE, TALAMBUHAY AT
RESUME
Ang biography ay mahabang salaysayin ng buhay ng isang tao na may
kasamang paglalarawan sa mga napagdaanan, natamo at naranasan ng isang
tao. At mula sa biography ay nabubuo ang bionote.

Ang natatanging katangian nito ay ang maiikling tala ng katangian ng tao


base sa kanyang nagawa. Isinisiksik lamang ang mga impormasyong
kinakailangan bilang pagpapakilala sa tao batay sa kanyang natamo sa buhay.
Kung titignan ito ay pormal na sulating nasa anyong talata at walang ibang
nilalahad kundi ang mga impormasyon lamang ng isang tao. Hindi ito kailangang
gamitan ng mga mabubulaklak na salita o masyadong paglalarawan sa
impormasyon ng isang tao.
PAGKAKAIBA NG BIONOTE, TALAMBUHAY
AT RESUME
May mga pagkakahawig ng impormasyon ang bionote sa resume o curriculum vitae at
talambuhay ngunit ang mga ito ay may malaki pa ring pagkakaiba batay sa anyo at istruktura.

Ang resume o curriculum vitae ay mas maiksi at naglalayong makapagbigay ng


impormasyon para sa trabaho. Ang talambuhay naman ay ang mahabang salaysayin na may
kasamang paglalarawan sa mga natamo at napagdaanan ng isang tao. Samantalang ang
bionote naman ay payak at mas pinaiksing paglalahad ng mga impormasyon ukol sa nagawa
ng isang tao.

Ang bionote ay madalas mababasa sa dyornal, publikasyon na nangangailangan sa


pagpapakilala ng awtor ng aklat, magazine at iba pa. Ginagamit din ito sa pagpapakilala ng
isang panauhing tagapagsalita sa isang mahalagang okasyon. Hindi kasi dapat gamitin ang
biography sapagkat napakahaba nito para basahin at magdudulot ito ng pagkabagot sa mga
manonood.
Narito ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng
bionote:
• Dapat totoo ang inilalahad na mga impormasyon. Kilalanin at
magsaliksik ng mga impormasyon ukol sa taong pagtutuunan sa
pagsulat ng bionote.
• Siguraduhing wasto ang mga impormasyon.
• Dapat tandaan na maikli at payak lamang ang nilalaman nito.
• Hindi kailangang gumamit ng mga salitang maglalarawan sa natamo
ng taong inilalahad. Hayaang ang mga impormasyon sa bionote ang
maglalabas ng magandang impresyon sa mambabasa o tagapakinig.
• Ikatlong panauhan ang dapat na gamitin sa pagtukoy sa taong
inilalarawan o inilalahad.
• Magkaroon ng pokus sa mga pinakamahalagang detalye. Tulad ng
istruktura sa pagsulat ng balita ito ay nasa pyramid style.
Halimbawa ng isang bionote
CIRIO H. PANGANIBAN

Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol. Bukod sa pagiging


manananggol, naging malaking bahagi siya sa kasaysayan ng panitikang Pilipino.
Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabalarila at guro pa ng wika.

Sa kanyang pagiging kuwentista ay naiambag niya sa panitikan ang


kanyang kuwentong “Bunga ng Kasalanan” na nalathala sa Taliba noong 1920. Ito
ang naging palatandaan na nauunawaan na ng mga manunulat na Pilipino ang
tunay na kaanyuan ng isang maikling kuwento. Ito rin ang naging dahilan upang
tanghalin si Panganiban na kuwentista ng taong 1920 dahil sa boto ng mga
mambabasa ng magasing Liwayway.
Sa larangan ng dula ay napabantog ang kanyang iisahing yugtong dula na may
pamagat na “Veronidia” noong 1927 kung saan ginamit niya ang sagisag sa panulat na
Crispin Pinagpala. Itinanghal ang dulang ito sa Dulaang Zorilla sa pamamahala ng
Samahang Ilaw at Panitik. Sinasabi ng mga kritiko na ang “Veronidia” ay nagpasigla at
nagbigay-halaga sa dulang Tagalog. Ang “Sa Kabukiran” ay isang dulang-awit na mula
rin sa panulat ni Cirio H. Panganiban.

Bilang makata kung saan siya higit na nakilala ay naipaman niya ang katipunan
ng mga tulang kanyang nasulat sa isang aklat na binigyan ng pamagat na “Salimsim”
na pinagsikapang ipalathala niTeodoro Gener nang si Cirio H. Panganiban ay patay na.

Naging alagad siya ni Balagtas sa pagsulat ng tula. Tradisyunal ang istilo niya sa
pagbuo ng tula subalit ng malaunan ay nagbago na rin ng istilo. Unang nakita ang
pagbabagong anyo sa kanyang tula sa kanyang mga tulang “Manika, “Sa Habang
Buhay” at “Three O’Clock in the Morning”.
(Halaw kay Carmelita Siazon-Lorenzo,2007)

You might also like