You are on page 1of 10

FILIPINO SA PILING LARANG

PAGSULAT NG
BIONOTE
GINOONG DIZON
MGA
LAYUNIN

1 Natutukoy ang kahulugan ng Bionote.

Nakalilikha nang isang mahusay na bionote.


2

Nakasusunod sa istilo at teknikal na


3 pangangailangan ng kademikong sulatin.
BIONOTE
Ang Bionote o Biography Note ay maituturing bilang
isang suliting nagbibigay ng impormasyon at marketing tool
na may tungkuling ipakikilala ang isang indibidwal o ang
katauhan ng isang awtor sa mga mambabasa o tagapakinig.
Kadalasang ito ay makikita sa likurang ng pabalat ng libro na
sinasamahan ng isang lirato ng awtor. Sa pagsulat nito, maikling
paglalarawan lamang ang nilalaan na binubuo ng dalawa o tatlong
pangungusap at nilalahad gamit ang pangatlong panauhan.
JOSE GARCIA VILLA
isinilang sa Singalong, Maynila noong 5 Agosto 1908. Kilala siya sa
sagisag na Doveglion. Kinilala sa pamahalaan bilang Pambansang Alagad
ng Sining sa Panitikan noong 12 Hunyo 1973. Ang unang koleksiyon ng
kanyang mga tula na lumabas noong 1942 ay pinamagatang Have Come,
Am Here na nalathala sa Estados Unidos ay umani ng malaking pagkilala.
Ang Footnotes to Youth ay isa ring koleksiyon ng mga tula ni Villa na
lumabas naman noong 1933. Kilala si Villa bilang manunulat ng maikling
kuwento at makata sa wikang Inggles.
Napakarami niyang tinanggap na mga gawad at gantimpala dahil sa
kanyang mga tula. Tinanggap niya mula sa Pamantasan ng Pilipinas ang
pinakamataas na gawad-akademiko, ang Doctor of Humane Letters,
Honoris Causa, dahil sa kanyang nagawa at naisulat sa larangan ng
panitikang Pilipino at Ingles.
Ang mga pangunahing layunin ng pagsulat nito ay: Una, upang makapagpamahagi ng
iba’t ibang kaalaman o impormasyon na magiging daan upang
lubusang makikila ang katangain ng pinakilalang awtor na eksperto sa paggawa ng mga akda nito.
Dagdag pa rito, sa pagsulat ng Bionote naipapahayag din ang mga kalipikasyon ng
lumikhang indibidwal na may kaugnayan sa paksang tinalakay sa papel. Isa pang gamit ng bionote,
ito ay kinakailanagn ng isang propesyonal na tao sa paghahanap ng trabaho na
naglalayong ilahad ang iba’t ibang kwalipikasyon sa trabahong nais pasukan o
inaaplyan.
Karaniwang nagbibigay diin ito sa edukasyon, mga parangal, mga paniniwala, adbokasiya, at iba
pa na konektado sa akda ng awtor. Pangalawa at pinakahuli, ito ay naglalahad ng kredibilida ng
awtor bilang isang propesyonal na mamamayahag.
MGA URI NG
BIONOTE
• MAIKLING TALA NG MAY-AKDA
• MAHABANG TALA NG MAY-AKDA
MAIKLING Ito ay ginagamit para sa sulating journal at
antolohiya. Maikli ang pagkakabuo ng sulatin

TALA NG MAY- ngunit siksik sa impormasyon.

AKDA
Nilalaman ng isang maikling tala ay ang mga
sumusunod:
• Pangalan ng may-akda
• Pangunahing Trabaho
• Edukasyong natanggap
• Akademikong parangal
• Dagdag na Trabaho
• Organisasyon na kinabibilangan
• Tungkulin sa Komunidad
• Mga proyekto na iyong ginagawa
Ang isang mahabang tala ng may-akda naman ay ginagamit sa
MAHABANG encylopedia, Curriculum Vitae, aklat, tala sa aklat ng pangunahing
Manunulat, tala sa hurado ng mga lifetime awards at tala sa

TALA NG administrador ng paaralan. Dahil sa mahabang anyo ng pagsulat, ito ay


nilalaanan ng mas mahabang panahon upang mangalap pa ng dagdag

MAY-AKDA impormasyon patungkol sa pinapakilalang awtor at karaniwang naka


doble ang espasyo sa pagsulat.

Nilalaman ng isang mahabang tala ng may akda:


• Kasalukuyang posisyon
• Pamagat ng mga nasulat
• Listahan ng parangal
• Edukasyong Natamo
• Pagsasanay na sinalihan
• Karanasan sa propisyon o trabaho
• Gawain sa pamayanan
• Gawain sa organisasyon
MGA KATANGIAN
NG ISANG
MAAYOS NA
BIONOTE
MGA KATANGIAN • Maikli ang nilalaman
• Gumagamit ng pangatlong panauhang
NG ISANG pananaw
MAAYOS NA • Kinikilala ang mambabasa
BIONOTE • Gumagamit ng baliktad na tatsulok
• Nakatuon lamang sa mga angkop na
kasanayan o katangian
• Binabanggit ang degree kung kailangan
• Maging tapat sa pagbabahagi ng
impormasyon

You might also like