You are on page 1of 16

PAGSULAT NG TALA

SA MAY-AKDA O BIONOTE
Ano ang tala sa may-akda?
• Mahalagang kasanayan ang pagsulat ng tala sa may-akda o bionote.
Ito’y pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong
natamo, publikasyon, at mga pagsasanay na taglay ng isang may-
akda. Karaniwan itong nakasulat sa ikatlong panauhan. Kadalasan
itong hinihiling sa mga sumusunod na pagkakataon:
 Pagpasa ng artikulo pananaliksik sa dyornal o antolohiya.
 Pagpapasa ng aplikasyon sa palihan o workshop
 Pagpapakila ng sarili sa website o sa isang blog
 Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o
scholarship
 Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o
panauhing pandangal
 Pagpapakilala ng may-akda, editor, o iskolar na ilalathala sa
huling bahagi ng kaniyang aklat o anomang publikasyon
 Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay sa mga
mananaliksik
Dahil ang tala sa may-akda ay isang buod, mahalagang piliin ng may-
akda ang pinakamahahalagang bahagi mula sa kaniyang biodata o
curriculum vitae. Hindi ito pagbubuhat ng sariling bangko o
pagyayabang. Kinakailangan ito upang makilala ng mga mambabasa
ang kakayahan ng manunulat.
Bukod sa pagpili ng mga bahagi, kinakailangan ding may kaugnayan
ang mga impormasyon sa bionote sa paksaing taglay ng isang
publikasyon.
Hal. kung susulat ng bionote para sa isang dyornal
kaugnay ng sining at humanidades, mahalagang tukuyin
ang mga datos na may kaugnayan sa nasabing larang
ng pag-aaral. Kung ang aklat naman ay may kinalaman
sa ekolohiya, mahalagang tukuyin ng may-akda ang
kaniyang kaugnayan sa usapin ng pangangalaga sa
kapaligiran. Dahil dito, hindi na mahalagang tukuyin ang
mga impormasyon kung saan nag-aral ng preschool
hanggang hayskul ang isang manunulat. Hindi na rin
mahalagang sabihin na nakakuha siya ng Loyalty Award
o kaya Best in Poster Making Contest noong nasa
ikalawang taon sa mataas na paaralan.
Dalawang uri ng tala sa may-akda
 May dalawang uri ng tala sa may-akda na kadalasang hinihingi sa
akademya at mga publikasyon. Una at ang pinakakaraniwan ay ang
maikling tala para sa mga dyornal at antolohiya. Tandaang dapat ay
maikli ito ngunit siksik sa impormasyon. Hindi na kailangang banggitin ng
may-akda ang mga tala na walang kaugnayan sa tema at paksain ng
dyornal o antolohiya.

Pansinin ang hal. ng tala sa may-akda na nailathala sa Bumasa at Lumaya


2: A Sourcebook on Children’s Literature in Philippines (Anvil Publishing,
Inc., 2016):
Si Carla M. Pacis ay manunulat ng mga aklat pambata at mga
kuwentong pangkabataan na ang ilang akda ay nagwagi sa
National Book Award, Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature, at sa PBBY Salanga Prize. Siya rin ay full time na
propesor sa Departamento ng Panitikan sa De La Salle
University-Manila, at tagapagtatag ng Kuwentista ng mga
Tsikiting (Kuting), at council member ng National Council For
Children’s Television.
Maikli ngunit hitik sa impormasyon ang tala ni nProp. Pacis.
Dagdag pa, ang nilalaman ng kaniyang bionote ay may direktang
kaugnayan sa nilalaman ng nasabing aklat.
Bilang gabay, kadalasang nilalaman ng maikling tala ang
sumusunod:
• Pangalan
• Pangunahing trabaho ng may-akda
• Edukasyon natanggap ng may-akda (antas batsilyer hanggang
antas gradwado)
• Mga akademikong karangalan gaya ng Latin Honors (Cum
Laude hanggang Summa Cum Laude) Best Thesis, o
scholarship na natamo bilang mag-aaral (hindi kasama ang
subsidyong natamo dahil sa pinansyal na kalagayan)
• Mga papremyo o gantimpalang natamo na may kinalaman sa
paksain o dyornal o antolohiya
• Dagdag na trabaho ng isang may-akda bukod sa kaniyang
pangunahing posisyon (kailangang tukuyin ang posisyon at
institusyong kinabibilangan)
• Organisasyong kinabibilangan
• Mga tungkulin sa pamahalaan o komunidad
• Kasalukuyang proyekto
• Mga detalye sa pakikipag-ugnayan gaya ng e-mail address
(kung kinakailangan)
Pangalawang uri ng tala sa may-akda ay ang mahabang uri nito.
Kadalasan, ito ay isinusulat bilang prosang bersiyon ng isang
curriculum vitae. Mahahabang bionote ang kadalasang
ginagamit ni Ligaya Tiamson-Rubin, may-akda ng maraming
aklat tungkol sa Angono at isang dating Propesor na Emiritus sa
Unibersidad ng Pilipinas. Aniya, mahalaga ang mahahabang
bionote upang may sangguniang mapagkukunan ang mga
iskolar at mananaliksik kaugnay sa kaniyang buhay at
tagumpay. Binubuo ito ng dalawa hanggang walong pahina, at
doble-espasyo. Isinasagawa ang ganitong uri ng bionote para sa
sumusunod:
• Entri sa ensiklopedya
• Entri sa aklat ng impormasyon gaya ng Buhay ng mga
Manunulat sa Pilipinas
• Tala sa aklat ng pangunahing manunulat o editor
• Tala para sa mga hurado ng isang lifetime achievement award
• Tala para sa administrador ng pamahalaan
Hal.
Gayong mahaba ang ganitong tala sa may-akda, hindi ibig
sabihin na kailangang magsayang ng espasyo sa pamamagitan
ng paglalagay ng mga tala na walang kabuluhan. Mahaba
lamang ang uring ito dahil nakatala rito ang mga tiyak na
impormasyon gaya ng sumusunod:
• Kasalukuyang posisyon sa tao
• Mga tala ukol sa kasalukuyang trabaho
• Mga pamagat ng naisulat na aklat, artikulo, o kaugnay na akda
tulad ng mga sining-biswal, pelikula, at pagtatanghal
• Listahan ng parangal na natanggap
• Tala sa pinag-aralan o edukasyon gaya ng digring natamo at
at kung saan ito natanggap
• Mga natanggap na training at nasalihang palihan
• Mga posisyon o karanasan sa propesyon o trabaho
• Mga kasalukuyang proyekto
• Mga gawain sa pamayanan o sa bayan
• Mga gawain sa samahan o organisasyon
3.
3.
3.
3.

You might also like